"The announcement will be announced soon." Sabi ni Marcus kaya sa kanya nabaling ang atensyon ko.

Pagkatapos ng ilang laro pinag kaabalahan namin ay nag aya na ang mga lalaking manood na kami ng practice nila. Kaya wala naman na kaming choice kundi ang sumama.

Tahimik lamang akong nanonood ng laro nila Drake. Kahit pala practice ay marami na din ang nonood, karamihan ay babae. As usual sila Drake ang gusto nilang mapanood dyan.

Napasinghap ako ng marinig ang ilang palakat ng mga kababaihan ng maka 3 points si Drake. Hindi ko maiwasang hindi ma imagine na kung sakaling boyfriend ko sya, maiirita ako sa mga babaeng pumapalakat ng pangalan nya. Ngayon pa nga lang na gusto ko sya naiinis na ako, sa daming babaeng nagkakagusto sa kanya, halos lahat magaganda at may dating. Tapos ako ito lang, walang ka class class.

Napasulyap ako ako sa gilid ko at natanaw ko ang miyembro nila Vrixie na kasalakuyan ding nanonood, pero si Vrixie busy kakatitig sa akin. Kitang kita ko kung papaano man lisik ang mga mata nya. Nag iwas na lamang ako ng tingin.

Nag paalam ako saglit kina Ayesha na mag babanyo lang ako. Napansin ko din na break time nila Drake kaya wala naman na akong gagawin doon.

Masyadong maraming nanonood at tanging sa pwesto lamang ako nina Vrixie maaaring makadaan. Hindi ko alam ngunit parang nanadya ang tadhana upang pag tagpuin muli kaming dalawa.

Tumayo ito kasama ang mga kaibigan niya. Hinarangan nila ang dadaanan ko.

"Nakakainis ka!" marahang sigaw nya sa akin.

Hindi ako nag salita. Pakiramdam ko ay ako ang nanadyang mag tagpo kaming dalawa. Bakit kasi umalis pa ako sa pwesto ko? Umiiwas ako sa away pero ako yung nag lalapit ng sarili ko sa away e.

Tinalikuran ko na lamang siya upang bumalik sa pwesto ko, pero bago pa 'yon ay hinila nya ako sa kamay. Bago ko sya lingunin ay natanaw ko na si Drake na masamang nakatingin sa tabi ko. Malamang kay Vrixie.

Umakyat ito sa hagdan upang lapitan kami. Mabilis kong naramdaman ang kamay ni Vrixie na unting unting kumakalas sa kamay ko. Nilingon ko sya at kitang kita ko ang takot sa mga mata nya. Mabilis akong hinila ni Drake upang ilayo kina Vrixie.

Kitang kita ko ang iritasyon sa mga mata ni Vrixie ng tanaw kaming pababa na sa pwesto nila Drake.

"Dito kalang." aniyang seryoso.

"Nasa taas sina Ayesha." sabi ko at nilingon sina Ayesha nakatingin sa akin na parang nagugulat sa nangyayari.

"Pabababain ko sila para sa'yo." aniyang muling umakyat.

Kinausap nya sina Ayesha kaya tumayo ang dalawa at sumama kay Drake pababa. Tumabi silang dalawa sa akin, naririto kami sa upuan nilang mga player.

Muling nag start ang laro, titig na titig lamang sa akin sina Ayesha at Zarene na akala mo'y may ginawa akong hindi nila nagustuhan. Pero after noon ay pinag hahampas na ako dahil sa kilig.

"Sabi na talaga! Gusto ka ni Drake!" kinikilig na sabi ni Zarene.

Umawang ang labi ko at mabilis syang siniko, maraming babae ang nasa likod namin at mga fans ni Drake iyon.

Hindi ko na lamang pinansin ang dalawa, ramdam kong namumula na ang pisngi ko kaya mas lalo nila akong pinag tripan na dalawa.

Pagkatapos ng game ay umalis na agad si Zarene upang puntahan ang crush nyang si Vance na ka team nila Drake. Si Drake naman ay lumapit sa pwesto namin ni Ayesha. Tipid ko itong nginitian.

"Drake!!"

Napalingon kami sa likod ng marinig namin ang isang boses ng babae na dali daling bumababa na may dala dalang tuwalya. Kinikilig nya iyong ibinigay kay Drake.

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें