"Can you give me a meat?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit wala bang meat 'yang pinggan–hell bakit puro gulay?" Natawa ito kaya nilingon kami nina Tita Sammy.

"Vegetarian ka pala hija?" Tanong ni Tita Sammy sa akin.

Umiling ako. "Hindi ko nga po alam bakit kahit isang meat ay wala sa pinggan ko."

"Siguro concern lang yung nag serve sa'yo ang payat mo daw kasi–"

"Isa tutusukin kita!" Pagbabanta ko kay Marcus. "Alam mo bigyan mo na lang ako ng karne."

"No." Angal niya at nilayo ang kanyang pinggan.

"Ang damot ha!"

"Here hija." Si Tito Marlon na iniabot sa akin ang pinggan na kung saan mayroong isang meat. "That's mine."

Napalunok ako at nahihiyang tinanggap iyon.

"Salamat po."

Sa wakas, makakakain na din. Kahit wala ako sa mood sa mga nakita ko kanina ay winalang bahala ko na lang. Galit ako pero hindi pwedeng mawalan ng gana sa masarap na pagkain na ito.

Habang tahimik kaming kumakain ay naramdaman ko ang tao sa likod ko. Nag angat ako ng tingin at halos mailuwa ko ang kinakain ko sa gulat ng makita ko si Drake.

Halos matulala ako sa gwapo niya. Pansin lalo ang laki ng katawan nya sa suot niyang kulay itim na tuxedo, mayroon din itong malinis na gupit na syang lalong nagpagwapo sa kanyang mukha.

"Who gave this meat?" Tanong nya sa akin.

"Huh?" Takang tanong ko.

"I told the waiter not to give you meat." aniya.

Nilingon ko si Tito Marlon na gulat na nakatingin kay Drake, maging sina Tita Sammy ay gulat din. Oh fuck! Sya iyong nag bawal na maglagay ng karne sa pinggan ko? Tapos binigyan ako ni Tito Marlon? At ngayon ay nag rereklamo sya sa harap ng pamilya ko?

"Bigay ni Daddy yan! Bakit mo naman kasi pinag bawalan mag meat si Chanel." Si Marcus na nakatingin sa amin ngayon. "Napapayatan ka ba sa pinsan ko–"

"Kung wala kang magandang sasabihin Marcus manahimik kana lang. Hindi ka nakakatulong." Singhal ko dito.

"What? I'm just telling the truth."

Sinamaan ko sya ng tingin. Bakit ba napaka body shamer ng lalaking ito? Gusto nya bang mamatay ng maaga sa mga kamay ko mismo?

"I just want her to be healthy." Sabi ni Drake na nasa likod ko.

"I'm healthy." Seryosong sabi ko at kumain na lamang.

Pakiramdam ko tuloy ay bina-body shame nya ako sa pagkakasabi nya palang na gusto nya akong maging healthy. Ay nakakainis sila ni Marcus!

"Where 's Victoria hijo?"

Napalingon kami kay Lola Immavel ng tumayo ito. Tumayo din si Tito Marlon para alalayan si Lola.

"Dalhin mo ako sa Lola mo." Sabi niya kaya naman wala ng nagawa si Drake kundi ang samahan ang Lola namin sa kanyang Lola.

Pagkatapos kong kumain. Ay nilingon ko ang table nila. Napansin kong naroroon si Lola at kakwentuhan ang Lola ni Drake. Nakita ko din sya na katabi si Brianna, malalim ang pinag uusapan ng dalawa kaya muling uminit sa galit ang ulo ko.

Kanina ay hinalikan! Ngayon naman ay nag uusap sila ng ganyan? Bakit ba sila magkasama sa table na 'yon? Bakit nandyan si Brianna kasama ang family ni Drake? May plano ba silang muling iarrange ang dalawa?

Bumuntong hininga ako, tila tutulo na ang luha ko sa galit at selos na nararamdaman ng puso ko. Ako ang girlfriend pero tila mas matimbang talaga ang babae na iyon sa pamilya ni Drake.

Accidentally Fall In Love (Love Back Series 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora