Chapter 53

6 2 0
                                    

Napapikit na lang si Hellvain ng sabihin ni Arteixec ang mga inutos ng kaniyang ina, kung ganoon ay mas nasusupetsa na ang kaniyang ina sa kaniya na labis niyang kinababahala.

Talagang gagawa ang kaniyang ina ng paraan para hindi niya mapigilan ang binabalak nila Kimsoo at ng kaniyang ina.

"Anong balak mo? Kailan natin mag-ingat lalo ba at pinapabantayan ka niya sa akin, malamang ay magtatanong 'yun." saad ni Arteixec.

"Bakit hindi ka na lang din mag-isip kung paano lusutan ang mga magiging tanong ng aking ina." sabat ni Hellvain.

Napangisi naman si Arteixec, "Sa tingin mo ba alam ko pumapasok sa isip ng' yong ina? Kaunting pagkakamali lang ay malalaman na niya na nagsisinungaling ako."

Natahimik naman siya, "Kung ganoon ay wala akong magagawa. May naisip na akong paraan."

Napakunot noo naman si Arteixec, "At ano naman 'yun."

"Sabihin mo lahat ang mga ginagawa ko."

"What? Hindi mo ba alam na kapag sinabi ko ay malalaman niyang may iba tayong plano."

"Sabihin lahat ginagawa ko pero hindi mo sasabihin ang mga pinag-uusapan natin. Kilala ko ang aking ina, hindi siya magpapabantay ng isa lang. May iba pa siyang pag-uutusan para makasiguro nga na ginagawa mo ang pinapagawa niya." saad ni Hellvain.

"Kung ganon, hindi pa buo ang tiwala niya sa akin?" tanong ni Arteixec.

Tumango si Hellvain. "Tama ka... Pero ang kailangang pagtuunan natin ng pansin ay si Kimsoo, malakas ang kutob ko na may iba siyang binabalak at kailangan natin alamin 'yun."

Napangisi naman si Arteixec, "Huwag kang mag-alala... ako na ang bahala sa kaniya."

"Mabuti."

===========

"Father..." saad ni Zianna at kinakabahan na humarap sa ama na nasa kasalukuyang trono.

Napangiti naman ito, "Ano' t narito ka, anak?"

Saglit naman natigilan si Zianna, hindi niya alam kung sasabihin niya ba ang tungkol sa kanila ni Hellvain, natatakot siya sa pwedeng maging reaksyon ng kaniyang ama at baka ay gumawa ito ng paraan para ilayo siya nito kay Vain.

Gusto niyang sabihin ang mga naging plano at ang pagtulong ni Vain sa kaniya.

"Anak?"

Bumalik naman agad siya sa wisyo at napatingin sa kaniyang ama.

"Father?"

Napakunot-noo naman ang hari.

"Ayos ka lang ba? Tila yata may bumagabag sayo."

Saglit naman siyang natigilan, nag-isip sandali.

"Ayos lang po ako."

Nakita naman niya ang reaksyon ng ama at tumayo sa trono, lumapit ito sa kaniya.

"Sabihin mo sa akin kung anong bumagabag sayo."

Lalo naman siyang kinabahan, "Ahmm..." napakagat labi siya at napangiwi, nalasan niya ang dugo sa labi niya.

Nanlaki naman ang mata ng hari at mabilis na sanang dadaluhan ng umiwas ng mukha si Zianna dahilan para lalong magtaka ang hari.

"Ayos ka lang ba?"

Napapikit naman siya, at napabuntong-hininga, umipon ng lakas ng loob para kausapin ang kaniyang ama. Hinarap niya ang kaniyang ama na nag-aalala at ngumiti ng bahagya.

"Ama... may gusto sana akong sabihin..." napatingin siya sa ilang kawal, naintindihan naman ng hari kaya sinenyasan nito ang mga kawal na lumabas, ng wala ang maaring makinig sa kanila ay nag-ipon ulit siya ng lakas ng loob.

"Sabihin mo sa akin kung ano ang bumabagabag sayo." mahinahon na saad ng kaniyang ama.

"Natatakot ako, ama. Hindi ko alam kung anong pwede kong sabihin."

"Sabihin mo at makikinig ako. Kung hindi ka pa handa ngayon ay bibigyan kita ng oras para pag-isipan mo."

"No, Father... gusto ko ng ilabas ang mga tinatago ko, patawad kung nagawa kong mag-sinungaling, patawad kung wala akong ipinaalam sayo na kahit na ano."

Napakunot-noo naman ang hari, "Ano ang sinasabi mo aking anak?"

"Maraming mga bagay akong itago sa inyo. Naalala mo ba noon pumasok ka sa silid ko at tinanong ko kayo tungkol sa magkaibang lahi na kung bakit hindi pwedeng magmahal ang magkakaiba."

Natahimik naman ang hari.

"At ang sinagot mo ay walang malalapigil sa pagmamahal."

Napapikit naman ang hari, "Kanino? Sabihin mo sa akin kung sino siya?"

Natahimik naman si Zianna, "I... i... isa siyang Garghol at isang prinsipe." saad niya.

Para naman nanlumo ng makita niya ang reaksyon ng kaniyang ama, mabilis itong tumalikod sa kaniya. Mabilis naman niyang nahawakan ang kamay nito, "Ama... patawad, pero... hindi ko alam kung maniniwala kayo sa sinasabi ko, una ko siyang nakilala sa may creek, at ng may mga umatake papuntang palasyo naroon ako at kinalaban sila, 'yun ang gabing mayroong pagdiriwang at sandaling pagkawala ko... iniligtas niya ako, ama..."

Saglit naman natigilan ang hari at napaharap sa kaniya.

"Paanong katulad nila kayang gawin ang bagay na' yun.  At ikaw ay napaibig lang dahil sa pagligtas niya sayo? At isang prinsipe."

"Isa siyang mabuti, ama. Hindi lahat ng Garghol ay masama at lahat ng sinumpa mo ay nagdurusa at nagbabayad sa hindi naman nila kasalanan, nadamay lang sila... nasasabi ko ang bagay na 'yun dahil may mga kaibigan akong katulad nila." maluha-luhang saad ni Zianna.

"Sila ang nagligtas sa akin, si Vain na isang prinsipe, hindi lang isa o dalawang beses na niligtas niya ako kahit nasa malayo siya at magkaiba kami ay nagagawa niya akong protektahan. Kung hindi dahil sa kanila... wala na ako noong nasaksak ako ni Reia... "

"Totoo ba ang mga sinasabi mong 'yan."

Tumango siya sa ama, "Oo, ama... gumagawa siya ng paraan para hindi matuloy ni Reia ang digmaan laban sa atin, hindi niya gustong may mangyari sa akin dahil ako ang magiging target ni Reia kapag nagkataon kaya ama, patawarin niyo... tatanggapin ko kung anuman ang parusa ang ipapataw niyo sa akin. " saad niya at lumuhod siya.

Saglit naman na hindi makapagsalita ang hari dahil sa pagkagulat, mabilis niyang dinaluhan ang kaniyang anak at itinayo, mabilis niya itong niyakap ng mahigpit, iniisip niyang hindi nagsisinugaling ang kaniyang anak tungkol sa prinsipe, kung totoo ngang ito ang nagligtas sa kaniyang anak ay wala siyang ibang gagawin kung hindi ay pasalamatan ito.

Napangiti siyang humarap sa anak, "Kung anong ang magiging desisyon mo, wala akong ibang gagawin kung hindi hilingin na maging masaya ka."

"Hindi ka tumututol?"

"Sa mga narinig ko, kaya ka niya pinoprotektahan ay dahil may pagmamahal din siya sayo kaya naman wala akong balak pang tumutol."

Mabilis naman na napayakap si Zianna sa kaniyang ama at napangiti, "Thank you, Father...  may isa pa pala akong dapat sabihin at dapat niyong malaman."

"Ano 'yun?"

CROWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon