pagkatapos kong mag ligpit ay binitbit ko yung niligpit ko at tumungo na palabas ng bahay nila elaine. pinag buksan naman ako ni tito ng pinto at bago pa ako tuluyang makaalis ay hinawakan niya ako sa balikat.

"pag isipan mo ng mabuti yang nararamdaman mo, kung hindi mo kaya ipaglaban ang anak ko ay etigil mo nalang pag liligaw mo sakanya."

"opo tito pagiisipan ko po. pero isang favor lang po, ay pwede ho bang wag niyo nalang sabihin kay elaine na dapat ko siyang esusurprise ngayon?"

"kung yun ang gusto mo ay Sige hindi ko sasabihin, oh sige na ingat ka ah." sabi pa ni tito at tuluyan na akong umalis.

pagkatapos kong etapon yung niligpit ko sa basurahan namin sa may labas ng bahay, ay sumakay na muna ako sa kotse ko at  nag umpisang mag maneho. maya maya ay nag umpisa nalang tumulo ang luha ko, nag patuloy lang ako sa pagmamaneho kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta.

nag decision nalang ako pumunta sa isang Bar na pinupuntahan ko dati pa, pag pasok ko ay nag umpisa na ako kaagad uminom. naisip ko nalang bigla si elaine at jericho na ekakasal at napaluha nalang ako. Habang lumuluha ako ay tuloy tuloy rin ang pag inom ko, parang wala na ako sa sarili ko at tagay ako ng tagay

ELAINE'S POV

"Eh Hindi ba tinanong ka niya kung pwede ka niyang maging partner sa Prom? Asan na yung mga Rose Petals at mga candila na Nandito kanina?" Sagot naman niya. Rose petals, Candles?

"HA? Anong pinagsasabi mo Mom?!" Sobrang naguguluhan ko ng tanong.

"Kasi Kanina nag Paalam sakin si Axel na kung pwede mag set up siya dito sa room mo. Kasi Tatanongin ka daw niya kung pwede ka niya maging partner sa Prom." Pagpapaliwanag naman niya.

"Si Axel?" Gulat kong tanong.

"Oo ang ganda nga nung dapat surpise niya sayo dito eh, buong hapon pa niyang pinaghadaan yun. tapos dapat susunduin ka niya sa school papunta dito para esurpise." kwento naman ni Mom. Gulat naman ako na gagawin ni Axel iyon, kasi akala ko ay nawalan na ulit siya ng gana sakin kaya hindi niya ako tinanong para sa prom.

"pero hindi naman niya ako sinundo Ma, anong oras ba dapat niya akong susunduin?"

"umalis siya dito mga isang oras bago kayo mag uwian sa School, susunduin ka niya dapat pagkatapos ng klase." sagot naman ni Mom.

Ay Shit piling ko nakita niya yung kay Jericho, kaya umalis nalang siya. kailangan ko siyang makausap, kaya naman ay dumeretsyo ako palabas ng bahay. hindi na ako pinigilan ni mom. paglabas ko ay tumawid ako papunta sa bahay nila Axel, pag tawid ko palang ay napansin ko na yung mga bulaklak sa basura nila Axel. kaya binilisan ko nalang ang paglakad ko at kumatok na sa bahay nila Axel. ilang saglit lang ay bumukas na ang pinto at Mom ito ni Axel.

"oh Ela iha, anong ginagawa mo dito ng ganitong oras?" takang tanong naman niya.

"Si axel po tita andiyan po ba?" taka ko namang tanong.

"Uhh Wala pa nga eh. hindi pa siya umuuwi, pero hindi naman nagpaalam samin na aalis. tinawagan rin naman siya ng ilang beses pero hindi din siya sumasagot. siguro kasama niya yung mga kaibigan niya." sagot naman ni Tita.

"ah sige po Tita salamat." sabi ko nalang at sinarado na ni tita yung pinto. nilabas ko naman yung cp ko at tinawagan si Jerome.

"Hello?"

"Jerome si Elaine to."

"Oh bakit Elaine anong kailangan mo?"

"Si Axel, kasama mo ba?"

"hindi eh, huling nakita ko siya eh bago mag lunch kanina."

"ay ganoon ba, wala kasi siya dito sa bahay nila kaya akala ko kasama mo. hindi din daw siya sumasagot sa mga tawag ng pamilya niya, alam mo ba kung saan siya pwedeng pumunta?"

"Uhhh sa tingin mo ba namomoblema siya or something?"

"Oo kasi sabi ni mom na susurpise niya dapat ako para sa prom, pero sa tingin ko nung esusurpise niya dapat ako sa school ay nakita niya yung surpise ni jericho." kwento ko naman kay jericho.

"Ay Shittt Sakit nun, uhhhh alam ko na kung saan siya pwede pumunta kung malungkot siya."

"Saan?"

"dun sa isang bar na pinupuntahan namin paminsan minsan."

"Saan yun?"

"send ko nalang sayo location, bakit pupuntahan mo ba?" taka pa niyang tanong.

"Oo, sana para makausap ko lang."

"sige sige, eend call ko na para ma send ko sayo yung location. sana pag dating mo hindi pa yun sobrang lasing." sabi ni jerome at pinatay na ang tawag. ilang minuto lang ay sinend na sakin ni jerome yung location, pumasok naman ako sa bahay at pumunta sa kwarto ni timothy.

"Tim!" tawag ko naman kay tim pagpasok ko sa kwarto niya.

"Oh Bakit?" gulat na tanong ni tim na nakahiga.

"pwede bang samahan mo ako sa bar?''

"Hoy kaka 18 mo lang ah Bar kaagad?!"

"hindi ako iinom si Axel kasi, pumunta sa bar magisa at sa tingin ko nagpapalasing siya dun."

"tapos?"

"mabilis malasing yun at wala siyang kasama mamaya mapano pa yun."

"oh sige sige, antayin mo ako sa baba." sabi niya kaya tumungo na ako sa baba. maya maya ay bumaba narin siya kaya tumungo na kami dun sa bar. mabilis akong  lumabas kaagad at pumasok sa bar. pag pasok ko palang ay nakita ko kaagad si Axel, at sa harap nito ay may halos 15 na bote ng alak, kaya naman nilapitan ko kaagad siya at pinigilan ko yung kamay niya kasi iinom nanaman siya.

"huminto kana!" sabi ko naman at tumingin siya sakin, pag harap palang niya ay mahahalata mong lasing na lasing na. pulang pula na nga yung mukha niya eh.

"Ela.."

TO BE CONTINUED...

(SALAMAT SA PATULOY NA PAG SUPORTA AT PAG BASA NG STORY.)

VOTE

COMMENT

SHARE

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now