komportableng hukay

41 12 5
                                    



sariling hukay,
iyong ginawa,
masyadong malalim,
masyado rin madilim,

ngunit ika'y natuwa,
sa kadahilanan,
ika'y ligtas,
walang nanggagambala,
sarili lamang ,
ang inaalala,

pero habambuhay,
ka nang patay,
dyan sa iyong,
hinukay,

sayang,
di mababalik ang oras,
sayang,
di man lang nasilayan ,
ng haring araw,
ang mahiwaga mong,
kalooban.

photo not mine
credits to the owner

Mga Nakatago sa sisidlan (mga tula)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora