Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

Chapter 1

1.8M 31.3K 4.3K
                                    

RHIANNE

Alam mo ba 'yong pakiramdam na sa sobrang kaba, hindi ka na makahinga? That's exactly what I feel right now.

"Are you nervous, sweetie?"

Tinignan ko lang siya bago binalik ang tingin sa school na nasa harap namin.

"Hindi mo na naman ba ako papansinin, 'nak?"

Binuksan ko na ang pinto ng kotse. Malaki nga ang prestihiyosong paaralan na ito. Ang bagong paaralan na aking papasukan.

Naglakad na ako kaagad at hindi ko na pinansin ang sinabi ng tatay ko bago siya umalis. Pinakita ko sa guard ang aking mga papeles at agad naman akong hinatid sa admissions office. After a brief discussion, hinatid na ako sa classroom ko kung saan pinakilala ako sa aming class adviser.

"Good morning, class! Bago natin simulan ang ating lesson for the day, nais ko munang ipakilala sa inyo ang bago ninyong classmate, Rhiann Mari Isabella Cortes!"

Sinenyasan ako ni Miss Gaiza na pumasok sa loob ng classroom. I took a deep breath at dahan-dahang pumasok sa loob ng silid. All eyes were on me and they're all smiling. Naramdaman ko agad na wine-welcome nila ako.

Saglit akong nagpakilala. Pinaupo ako ni Miss Gaiza sa bakanteng upuan sa likod ng classroom. Nang nakaupo na ako, naalala ko ang lahat ng mga nangyari bago ako lumipat sa school na ito, sa Hillton University. Naalala ko ang dahilan kung bakit kinailangan kong lumipat.

"Hello." Nagulat ako nang may tumabi sa akin na magandang babae. Maputi, matangos ang ilong, at maganda. Hanggang balikat lamang ang haba ng kanyang buhok and it accentuated her small face.

"Ayah Romana, class president." Inabot niya ang kanyang kanang kamay.

"Hi," sabi ko at nakipag-shake hands sa kanya. She started pointing at our classmates.

"Si Alexander Lemuel ang ating vice president. Si Luraine Manalo ang ating secretary. Lilia Portalejo ang ating treasurer. Si Maxwell Aguas ang ating auditor. Ang ating muse at escort naman ay sina Ynna Minerva at Andrei Portalejo."

"Portalejo? Pareho ng apelyido sina Andrei at Lilia?"

"Yup, kambal sila." Nakakatuwa naman. Ngayon lang ako nagkaroon ng kaklase na kambal. Kapansin-pansin nga ang resemblance nilang dalawa.

"We also have peace officers, sina Megal Nicole Tan at Cesar Chino." She told me a lot of stories at chika tungkol sa mga kaklase namin. Masaya siya kasama. Bukod sa maganda siya, may friendly aura din na makikita sa kanya.

Nabanggit niya na ang section daw namin ang tinatawag na Special Section.

"Bakit 'Special Spection' ang tawag sa atin?"

"Dahil naniniwala sila na we're special. Nasa atin ang pinapangarap ng iba. We're model students. We're smart, we're talented, we're rich and we're good-looking. We're perfect."

Ang weird. Ano ang naging batayan nila?

***

Ayah and I instantly became friends. Kung titignan siya, hindi halata na ma-kwento siyang tao. Ang dami niyang naikwento sa akin, pati tungkol sa pamilya niya.

Nilibot namin ang buong school. Napakalaki ng Hillton University. Ayon sa website ng school, isa ito sa listahan ng mga school na mahal ang tuition fee. Kaya siguro maganda ang kalidad ng mga kagamitan dito.

Pansin kong tuwing dumadaan kami ni Ayah sa crowded na part ng school ay lumalayo sa amin 'yong ibang estudyante. Kakaiba rin ang tingin nila sa amin.

"May kakaiba ba sa mukha ko? Kanina pa kasi sila tumitingin." Natawa siya sa sinabi ko.

"Masanay ka na. You're one of us. Part ka na ng Special Section. Ganito ang turing nila sa atin. Hindi mo ba pansin? Iba ang uniform natin. Sa kanila, simpleng blouse lang habang sa atin, we have intricate design sa dulo ng sleeves."

Tumingin ako sa ibang estudyante. Iba nga ang uniform nila.

"Again, welcome to Special Section."

Special Section (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon