Prologue

704 5 0
                                        

Third Person's P.O.V

   "Omg guys my bagong transfer daw and guess what? Galing daw sa Korea!" kinikilig na wika ng presidente ng klase na kumuha ng atensiyon ni Andrea. Totoo bang naririnig niya? Transfer? Galing Korea? Shems. "Sana taga-Busan," bulong niya. "Ayan na si Ma'am!" sigaw ng lalaking kaklase nila kaya lahat ay tumayo at bumalik sa kaniya-kaniyang pwesto.

"Good morning,Ma'am!" puno ng energy na bati ng buong klase sa bagong dating na guro. "Himala ang sigla niyo ah. Anong nakain niyo?" birong wika ng guro kaya napatawa ang buong klase. "You may now sit down," sabi nito para umupo na silang lahat. "Nga pala balita sa buong school na may bagong student right?" tanong ng guro. "Well, this sections lucky kasi dito ang section ng transfer. Mr. Jeon, come in," pagkasabi ng guro, isang lalaki na may katangkaran ang pumasok sa classroom. "Annyeonghaseyo, ang pangalan ko ay Jeon Jungkook. Kinagagalak kong makilala kayong lahat." sabi nito saka nag-bow sa kanila.

"Hmm.. You're kinda fluent in tagalog now, Mr. Jeon." papuri ng guro sa nasabing bagong kaklase niya. "Gamsahamnida, Seonsaeng-nim." anito. "Well you can sit there beside Ms. Castro," halos lumuwa naman ang mata ni Andrea ng sinabi at itinuro ng guro ang katabi niyang bangko. Jusko dzai ang gwapo ni kuya tili niya sa isip ng makita ng malapitan ang lalaki. "Anyway, Mr. Jeon is Mr. Park is also on his way here in school?" tanong ng guro habang nakatitig siya rito. "Aniyo but he texted me and said he's already on the airport," sagot nito. "Oh good," wika ng guro at sinuri na ang report card ni Jungkook.

"Hi," bati ni Andrea kaya napalingon ang lalaki sa kaniya. "Ako nga pala si Andrea," pagpapakilala niya. Ngumiti si Jungkook na nagpabilis ng tibok ng kaniyang puso. "Ako naman si Jungkook. Nice to meet you,"

Tasty in busan [JJK: Tagalog Ff]Stories to obsess over. Discover now