Chapter 1 - Glowing Tree

113 8 0
                                    

Dia's POV

Ginising ako ng malakas na tunog ng cellphone ko ng umagang iyon. Agad ko itong kinuha sa tabi ko at pagkatapos ay sinagot ko ang tawag ni Aling Bebe. Siya ang tindera ng mga halaman na palagi kong binibilhan.

"Hello po?" sagot ko agad sa kabilang linya.

As usual, malakas na boses agad ang binungad niya saakin. "Be ready, Dia, isasama kita sa baguio," sagot niya kaya lalong nagising ang diwa ko.

Kinilig ako bigla. Finally, I can buy more succulent plants. Pangarap ko talagang pumunta doon para makabili ng mga bagong halaman ko. "Talaga po? Salamat po, excited na tuloy ako," sagot ko.

Hindi pa ako nakakarating sa baguio kaya't natutuwa talaga ako. Lalo akong naging excited na pumunta doon dahil nabalitaan kong mas maraming succulent plant ang binebenta doon.

"Your welcome, Dia. Suki naman kita kaya dapat lang na pasayahin kita."

She immediately hung up the phone. Mukhang marami kasi siyang customer ngayon. Dinig ko kasi sa background niya ang mayat-maya na mga boses na nagtatanong ng mga presyo ng mga tinda niyang halaman.

Sembreak naman na, kaya saktong sakto itong lakad namin. Sigurado akong maraming din mga tao ang aakyat sa baguio dahil sembreak na.

Bumangon na ako para mag-almusal. Nagmadali ako dahil pupuntahan ko ang garden shop ni aling Bebe. Kailangan ko siyang tanungin ng buong detalye sa paglakad namin. Para din makapaghanda na ako.

Palabas na ako ng bahay namin ng makasalubong ko si Mama. May hawak siyang gunting. It looks like she has arranged my roses in my garden again.

"Saan ka pupunta ng ganito kaaga?" she asked.

"Puntahan ko lang po saglit si aling Bebe," sagot ko. Alam ko na agad ang sasabihin niya. Tiyak na pagbabawalan na naman niya akong bumili ng ghost plant. Ayaw na ayaw niya na nag-aalaga ako nito. Hindi ko alam kung bakit, pero sinusunod ko nalang siya. Kung hindi ko kasi siya susundin ay papatayin niya lang ang bibilhin kong ghost plant, gaya ng ginawa niya dati. Masasayang lang ang pera ko.

"Ayoko ng ghost plant. Malas 'yun kaya huwag na huwag kang bibili nun," sagot niya. Mabait naman si Mama. She gives me everything I want. Tanging ghost plant nga lang talaga ang hindi niya maibigay saakin dahil ayaw niya talaga dito. Simula noon ay ilag na siya sa ghost plant kapag nasa garden shop kami. Hinahatak niya agad ako palayo sa mga ghost plant na makikita namin.

Siya nalang ang kasama ko sa buhay ko. Wala na kasi ang Papa ko. Sanggol palang ako ay namatay na agad siya dahil sa isang aksidente, ayon kay Mama.

Kaya naman akong buhayin ni Mama. May trabaho naman siya kahit papaano. Hindi ko lang alam kung bakit hindi pinapaalam ni Mama saakin ang trabaho niya. Secret daw. Pero ang pinagtataka ko lang ay malaki ang pera niyang dala tuwing uuwi na siya. Minsan nga, nag aalala na ako sa kanya. Baka kasi masamang trabaho na ang pinapasok niya. Nakapagtataka talaga. Pero dahil mukhang okay naman siya at hindi naman napapahamak ay hinahayaan ko nalang at malaking tulong naman din 'yun dahil nakakain namin ang gusto namin kainin at nabibili namin ang gusto naming bilhin. Salamat nadin sa kung anuman ang trabaho niya.

"Opo," maikli kong sagot.

"Baka naman sa susunod na araw ay maging gubat na ang bahay natin," saad pa niya. Natawa ako. Napatingin tuloy ako sa paligid ng garden ko. Sobrang dami ko na talagang halaman. Lalo na ang mga succulent plant. Noon pa man ay nangongolekta na ako ng mga succulent plants. Mga halaman DAW na hindi mahirap alagaan. Ang sabi nga nila ay para sa mga tamad na tao ang pag aalaga ng succulent plant. Pero mali ang sinasabi nilang 'yun dahil minsan, may mga iilan sa kanila na mahirap alagaan.

Madita AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon