Chapter 2 - Variegated Ghost plant

53 8 0
                                    


Dia's POV

Tapik ni aling Bebe ang gumising saakin. Tinulungan niya akong tumayo ng magising na ako.

"A-ano pong nangyari?" Inabutan ako ng isang tauhan niya sa garden shop ng tubig na maiinom ko. Tinanggap ko 'yun at saka ako lumagok ng konti.

"Ewan ko ba sa'yo. Nadatnan ka nalang namin na walang malay riyan sa tabi ng puno ko. Tinakot mo ako, " ani aling Bebe.

Bigla kong naalala ang poging lalaki na mukhang prinsipe. Tinignan ko din ang puno na kumikinang kanina. Hindi na ito kumikinang ngayon. Bumalik na sa normal ang puno.

"Ayos naman na po ako. Wala na po kayong dapat ipag-alala. Malakas na malakas ako oh," saad ko sa kanya at saka ako nagtatalon para magpakitang gilas. Baka kasi hindi pa niya ako isama sa baguio at isipin pa niya na may sakit ako.

"Mabuti naman. Sige na, umuwi ka na at mag-ready ka na para sa lakad natin bukas," sagot ni aling Bebe. Nag-alisan na rin ang ibang mamimili na nakatingin saamin. Nakakatawa tuloy at pinagkaguluhan pa ako ng mga tao.

Natigil ako sa paglalakad ng madaanan ko ang ghost plant na nag iisa nalang kanina. Nagulat ako ng makita kong tuyot at bulok na ito ngayon. Nakakapagtaka. Kanina lang ay healthy at ang ganda ganda niya.

"Ayon, doon ko nakita 'yung bulok na ghost plant. Tanggalin mo na 'yun at pangit tignan," dinig kong utos ni aling Bebe sa isa niyang tauhan.

Tulala akong lumabas sa garden shop ni aling Bebe. Hindi ko alam kung totoo ba nangyari 'yung lumusot ako sa puno kanina at nakita ko ang isang prinsipe o panaginip lang ang lahat? Hindi ko rin lubos maisip na agad na nabulok ang ghost plant. Ang weird ng araw na ito.

Pag-uwi ko sa bahay namin ay nagtaka pa si Mama dahil wala akong bitbit na bagong halaman. Nagdilig nalang ako ng mga succulent plant ko. Ngayon kasi ang araw ng dilig nila.

"Anak?" Sumulpot sa likod ko si Mama. May dala itong strawberry cake at inilagay sa lamesa na nandito sa garden ko.

"Bakit po?" Hininto ko muna ang pagdidilig ko dahil mukhang may mahalagang sasabihin si Mama. Umupo narin ako. Inumpisahan ko na rin kainin ang cake na dala niya.

"Dalaga ka na, bakit wala ka pang boyfriend?" Muntik ko nang maibuga ang kinakain kong cake. Nabigla ako sa sinabi  niya. Well, hindi ko naman masisi si Mama. Nag-aalala lang siguro siya saakin dahil noon pa man ay wala pa akong lalaki na pinapakilala sa kanya.

Hindi naman ako pangit. May nanliligaw naman din saakin. Ang problema kasi ay pangit akong pumorma. Jologs nga daw ako sabi ng iba. Ang totoo ay maganda naman ako. May hubog ang katawan ko, maputi, singkit at may natural na blonde na buhok, kaya masasabi mong maganda talaga ako. Kaya lang, sa porma talaga ako bumabagsak. E, sa ganito kasing porma ako nasanay. Mas bet ko ang ganito. 'Yung naka t-shirt ako na sobrang laki at palaging naka-jogging pants. Hindi ako nagso-short ng maikli. Ewan ko ba, naalibadbaran ako kapag ganoon. Feeling ko, babastusin ako ng mga kalalakihan. Umiiwas lang din ako sa ganoong eksena.

Pero ang tanong dito ay bakit nga ba ako hindi nagbo-boyfriend? Ang totoo ay ayokong mag-isa si Mama. Basta, happy sya ay happy narin ako. Siya lang ang iniisip ko. Kapag nag-asawa kasi ako ay maiiwan na siyang mag isa sa bahay na ito. Ayokong mangyari 'yun. Nag iisa niya lang akong anak at wala na siyang iba pang kamag-anak. Malalayo na daw ang mga ito at hindi niya alam kung nasaan na sila ng lupalop ng daigdig. Ayokong tumanda si Mama na nag-iisa at nalulungkot. Sa ngayon, habang wala pa akong iniibig ay kami nalang muna. Bibigyan ko ng magandang kinabukasan si Mama. Susuklian ko ang lahat ng paghihirap niya saakin.

"E, ayoko po ng sakit sa ulo," sagot ko sa kanya.

"Bakit naman. Ayaw mo bang magkapamilya ng sarili?" tanong pa niya.

Madita AcademyМесто, где живут истории. Откройте их для себя