Chapter Twenty-Five

Magsimula sa umpisa
                                    

Dumeretso agad ako sa vet clinic pagkahatid ko kay Vander sa school. Binati ko ang mga staff na bumati rin sa 'kin.

"Legit ba 'yung tsismis na may tinatago raw na babae si Mayor Vaughn?"

Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ko ang dalawang staff na nag-uusap.

"Normal lang naman na magkaroon ng girlfriend 'yung tao, 'no," sabi naman no'ng isang staff at hinampas sa braso ang kausap.

"Kung may girlfriend man siya, bakit kailangang itago? Hindi ba siya proud sa jowa niya?"

Napailing na lang ako at tumuloy na lang papuntang opisina ko. Hindi naman ito ang unang beses na nakakarinig ako ng gano'n. Marami talaga ang kumakalat na tsismis na may tinatagong babae si Vaughn, alam ko namang ako iyon. Maingat kami ni Vander kapag nauwi dahil maraming mata sa paligid, ayokong madamay si Van sa gulo ng pulitika. Nangako naman sa 'kin si Vaughn na hindi mangyayari 'yon.

"Dr. Macarios, good morning!" bati sa 'kin ng isa sa mga vet nurse na close ko na si Ember.

"Ikaw pala, Ember, magandang umaga," bati ko rin sa kaniya saka umupo sa swivel chair. Tiningnan ko ang schedule ko ngayong araw, mukhang hindi ako magiging busy nang sobra hindi tulad kahapon, talagang napagod ako.

Binuksan ko ang pinakababang drawer ng table ko. Natigilan ako nang diyaryo na tungkol sa kaniya ang bumungad sa 'kin. Napabuntonghininga na lang ako at napaiwas ng tingin do'n.

Tatlong taon na ang diyaryo na 'yon, hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang itapon 'yon, siguro dahil tungkol kay Arkia ang balita ro'n.

Inamin na ni Arken sa lahat ang tungkol kay Arkia three years ago. Kumalat iyon sa social media dahil na rin may kasikatan si Arken. Marami ang negatibong reaksiyon, pero lumipas din naman ang issue tungkol do'n. Natanggap din naman ng mga tao iyon hindi kalaunan.

Tipid na napangiti na lang ako nang muli kong maalala si Arkia. Sa totoo lang, walang araw na hindi ko naiisip ang batang 'yon. Gusto niya pa rin kayang maging madre? Mas naging close na kaya sila ni Arken? Kasama niya na kaya ang totoong ina niya? Sana maayos ang lagay niya ngayon. Maikling panahon lang ang pinagsamahan naming dalawa pero naging mahalagang parte siya ng buhay ko.

"Ang swerte naman ng Sorsogon, dalawang guwapo ang naglalaban para maging governor natin," kinikilig na sabi ni Elein na vet nurse din.

"Sino'ng bet n'yo?" tanong naman ni Ember.

Nanatili akong tahimik habang chine-check ang tuta na si Lizzie. Napailing na lang ako at pinilit na mag-focus sa tuta. Ano ba naman ang mga nurse na ito? Hanggang sa trabaho nagtsitsismisan.

"Kung hitsura ang basehan, ahm, kay Mayor Arken ako. Bet ko 'yung mga rough looking men, 'yung tingin pa lang para nang nalulusaw ang panty mo," kinikilig na sabi ng isang staff.

Lihim na napaismid na lang ako. Guwapo rin naman si Vaughn, a. Mas maamo nga ang mukha ni Vaughn kaysa kay Arken, e.

"Kay Mayor Vaughn ako. Bukod sa hindi yata marunong ngumiti si Mayor Arken, mukha rin siyang guwapong drug lord, o kaya 'yung mga mafia boss sa mga palabas," nakangiwing sabi ni Jian.

Napatango na lang ako. Tama siya ro'n, 'wag na nilang iboto si Arken, masama talaga ang ugali n'on, walang puso at mahilig mamaril. Ni ayoko nang nakakarinig maski ng salitang 'baril'. Muntik nang mawala sa 'kin ang anak ko nang dahil sa baril na 'yon.

"Correct, may tiwala na ako kay Mayor Vaughn. Naging mabuting mayor siya rito sa Sorsogon City, kumbaga subok na," sabi naman ni Ember.

Lihim na napangiti ako sa sinabi ni Ember.

Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon