LAS 067

330 18 5
                                    

Song: Forevermore by Juris Fernandez

🍁▪🍁▪🍁

"Is my lipstick too much?" tanong ko kay Six at ngumuso pa.



"Hmm..."



Sinuri niya namang mabuti ang labi ko at nang ilapit niya ang mukha niya sa akin ay hindi ko mapigilang tumawa sa na-realize.



He has clear skin!



Daig pa ata ako!



"'Yon!" sigaw ni Isaac. Agad namin siyang nilingon ni Six.



Kumunot ang noo ko. Sa amin naka-tutok ang phone niya at mukhang kinuhanan niya kami ng litrato.



"Ahh. Ang ganda ng ayos n'yo," ani Isaac at nangamot pa sa ulo.



"We're not yet ready, though," sagot ko.



Umakto naman siyang pi-picture-an ulit kami. Maganda ang kuha ni Isaac kaya't siya ang kumukuha ng picture sa amin.



Mula sa pagkaka-upo ay tumayo si Six at tinulungan din akong tumayo. Pinagpagan ko pa ang sarili ko pagka-tapos ay mas lumapit kay Six at humarap sa camera ni Isaac.



"Ready... 1, 2, 3," Isaac started counting and I smiled.



Ilang litrato pa ang kinuha ni Isaac at nang matapos ay lumapit ako para tingnan ang litrato namin ni Six.



Woah! We look cute together.



Mula sa camera ay si Six ang nilingon ko na ngayo'y nasa dagat na ang paningin.



Isinauli ko ang camera kay Isaac. "Thank you," sabi ko at ngumiti.



He also smiled and left Six and I alone. He's probably going to take pictures of her girlfriend and other girls. Napa-ngisi na lamang ako.



"Lalim ng iniisip natin, ah," sabi ko nang maka-lapit kay Six. Nasa dagat na rin ang paningin ko.



I heard him sighed before talking.



"What if I confess tonight?"



Nilingon ko si Six na ngayon ay namumutla na. Tumawa ako.



"You have plans," I pointed out.



"Tonight's the perfect timing to confess to Sabrina, right?" tanong pa niya. Tumango-tango ako. "Everything's seems so fast, though."



"Ha? What do you mean?"



"Kasi last month, ikaw pa 'yong gusto ko. Tapos ngayon, si Sabrina na? Don't tell me na next month, kay Lizzy naman ako aamin, ah?"



My lips parted by what he said. Hinampas ko rin siya kaya lumayo siya ng kaonti sa akin.



"Siraulo ka," tanging lumabas sa bibig ko.



"Well, I guess I really am," he sighed again.



"You said that you like me for almost a year, right? At last month ka lang nag lakas loob na umamin. What if hindi mo na talaga ako gusto? And you're just waiting for the time that you'll confess and I'll reject you?"



Hindi ako naka-kuha ng sagot mula sa kanya kaya't nagpatuloy ako.



"Come on, you have all the time in this world. Pretty sure you could confess to Sabby before the year ends. Don't lose hope, Silvester Xane," dagdag ko pa.



Loving A StrangerOnde histórias criam vida. Descubra agora