LAS 062

304 9 1
                                    

🍁▪🍁▪🍁

"Seri, nariyan na ang manliligaw mo!" sigaw ni Mama mula sa sala.



Umiling-iling na lamang ako dahil sa sinabi ni Mama.



Pagkatapos i-send ang huling message sa GC naming magka-kaibigan ay ibinaba ko na ang phone ko. Tumingin ako sa salamin at inayos ang suot. I'm wearing a long red dress na backless. Ngumiti pa ako at nagpa-cute ng ilang segundo sa salamin. Nang matapos ay lumabas na rin ako ng kwarto.



Nakita ko sa sala si Six na nakikipag-usap kay Mama. Halata ang saya sa mukha ni Mama. Hay nako! Ilang beses ko nang inulit sa kanya na hindi ko manliligaw si Six pero hindi niya ako pinapaniwalaan.



Naging close sila ni Mama no'ng unang bumisita rito si Six sa bahay, that was September 23. Nang araw ding 'yon ay binasted ko si Six. Pero dahil nga rito niya mismo ako pinuntahan sa bahay, akala ni Mama ay nililigawan ako ni Six. Lalo pa't simula no'n ay napa-dalas nga rito sa bahay si Six at naging mag-kaibigan kami.



Ayaw lang aminin ni Mama sa sarili niya na wala pang nanliligaw sa maganda niyang anak. Choosy kasi! Charot!



"Kumain ka na ba, hijo?" tanong ni Mama kay Six at hinimas pa ang buhok nito. Napa-ngisi na lamang ako sa inasta ni Mama.



Bet niya talaga si Six as boyfriend ko. Kaso sorry na lang, Mama. May ibang mahal ang diyosa n'yong anak!



Tumingin muna sa akin si Six bago sumagot kay Mama. Nginitian ko lang siya.



"Tapos na po, tita," ani Six at matamis na ngumiti.



"Ay nako, 'di pwede 'yan. Kumain ka pa rin. Mahaba ang byahe n'yo kaya dapat ay may laman ang mga tiyan n'yo. Seri, pasunurin mo 'yang si Six dito sa kusina," sunod-sunod na sabi ni Mama at nauna nang pumunta ng kusina.



Ngumiti ako at lumapit kay Six. Pinasadahan ko siya ng tingin. He's wearing black pants and white polo na dalawang buttons ang hindi naka-butones. Kita tuloy ang kaunting bahagi ng dibdib niya. May salamin din sa dibdib niya na nakasabit. Nice naman! Pang-beach talaga ang outfit niya.



"Good morning, future boyfriend ni Sabby," pang-aasar ko. Umismid siya at inirapan ako.



Kunwari pa ang lalaking 'to, namula naman ang tainga nang sabihin kong future boyfriend siya ni Sabrina. Mabuti na lang talaga't binasted ko siya noon! Napunta tuloy ang atensyon niya kay Sabby.



Imbes na batiin ako pabalik ay sumunod na siya kay Mama sa kusina. Humalakhak na lamang ako.



Naabutan namin si Mama na inaayos ang mga pagkain. Sari-sari ang ulam. Talagang pinag-handaan niya 'to dahil sinabi ko kagabi na pupunta si Six dito.



"Kain na," masayang sabi ni Mama. "Halika rito, anak, dito ka umupo. Iha-handa ko ang pagkain mo."



Lumapit agad ako at umupo sa tinurong upuan ni Mama. Pagka-upo'y tinapik naman ni Mama ang braso ko. Kumunot ang noo ko.



"Hindi ikaw. Si Six," masungit niyang sabi.



Ha? Ano? E, tinawag niya ako. Anak daw, 'di ba?



Wala naman akong nagawa kung 'di ang tumayo at lumipat sa kabilang upuan. Si Six naman ay umupo sa kung saan ako naka-upo kanina. Tiningnan ko siya at sinamaan ng tingin.



Siya na pala ngayon ang anak ni Mama, ha. Hmp! Mga traydor!



Gaya ng sabi ni Mama ay siya nga ang kumuha ng pagkain ni Six. Ako naman ang kumuha ng sarili kong pagkain.



Loving A StrangerWhere stories live. Discover now