Kabanata 3

44 5 0
                                    

Simula nung araw na yon, sinabi ko kila Mama na palagi ngang kumakati yung lalamunan mo. Pinacheck up ka nila Mama at nila Tita. After few days of waiting for the results of your check ups, nanghina ako at tiyak pati sila Mama, nung nakita at narinig namin yung resulta at sinabi ng doctor.

"Mommy, alam mo bang may bukol sa lalamunan si Tatay?", the doctor stared at me and then to my mother. "Kailangan natin siyang operahan kaya lang, didiretsuhin ko na kayo ha? Matanda na si tatay, yung katawan niya ang payat na rin po kaya kung maooperahan man 50/50 din po tayo. Pero gusto kong tulungan si Tatay kasi nakikita ko gusto niya pang mabuhay.", sabi ni Dr.Philip.

Pinagmasdan kita non, namamayat ka nga po 'lo. Ang laki ng binagsak ng katawan mo. Dati naman ang laki-laki ng katawan mo, na kahit ako ay napapasan mo pa. Ang lakas mong kumain dati e. Pero ngayon napagtanto ko na humihina ka ngang kumain, kahit yung paborito mong fried chicken hindi mo makain.

Umuwi tayo non pagkagaling natin sa ospital. Hindi ka umiimik mula ng marinig mo yung sinabi ni Doc. Siguro dun palang nakikiramdam ka na, pero 'Lo diba sasama ka pa sakin sa pagtungtong ko sa stage this moving up? Ikaw pa yung mag-aakyat sakin kasama si Papa at Mama.

"Lo, pag-iipunan natin yung operasyon mo ha?", sambit ko nang tayong dalawa na lang yung naiwan sa bahay at may binili lang si Mama na gamot mo, pero sa totoo lang umaasa ako na kakayanin mo, na gusto mong magpa-opera.

"Rose, apo wag na. Narinig mo naman sinabi ni Doc kanina diba? Magsasayang lang ng pera. Attend na lang tayo sa may Soldiers of Christ, yung sa mga Tita mo? Doon gagaling ako, samahan mo na lang ako don, magsimba tayo twing Linggo", paliwanag mo na siyang kinatahimik ko.

Bakit ayaw mo 'lo? Bakit ang daya mo? Ayaw mo bang gumaling Lolo?

"Sige po, 'lo pero kung gusto mo pong magpaopera sabihin mo sakin 'lo ha? Gagawa kami ng paraan para mapaopera ka.", panay man ang tulo ng luha ko hahang sinasabi ito hindi ko pinahalata sa kanya. Ayokong maramdaman niya na mahina ako ngayon, ayokong makita niya na ayoko sa sitwasyon niya ngayon.

4:46 p.mWhere stories live. Discover now