organizer

13 3 0
                                    


Kasalukuyan kong tinitingnan ang mga sunod sunod na schedule ng mga aasikasuhin kong kasal next week at sa susunod pang buwan. Sumimsim ako sa aking kape habang ang mga mata ay nasa folder. Hindi ko mapigilang mapangiti sa mga nais na tema ng mga ikakasal. I really want this job because this is what my dream, naging pangarap ko ang ganitong trabaho nang magsimula akong maglakad bilang isang flower girl sa kasal ni mama at papa. But the special dream I wanted to become true was I am the one who will organize my wedding celebration, that is why I pursued myself to become a wedding organizer to become a professional when choosing things when it comes in wedding.

"Milaaaaaan!"

Agad na nawala ang ngiti ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Parang gusto kong magpalamon sa lupa para lang makatakas sa kaniya ngunit huli na ang lahat nang maupo ito sa harapan ko.

"Milan!"

Pinilit kong ngumiti at nag-angat ng tingin kay Sandra, she's my best friend when we were in college, tinuruan niya ako sa mga bagay na takot akong gawin kaya naman laking pasasalamat ko sa kaniya dahil tinuruan niya rin akong tumayo sa sarili kong mga paa.

"Hi," tipid na bati ko at tiniklop ang folder.

"Mukhang busy ka ah?"

Umiling ako, "Hindi naman," natatawang sabi ko at sumimsim sa aking kape.

Nagbaba siya ng tingin sa aking folder at bumuntong hininga, "Musta naman?"

"Ito... maraming dapat asikasuhin kasi sunod sunod yung ikakasal..."

Umiling ito na natatawa sa akin at pabiro pang umirap, "Duh? Hindi 'yon yung ibig kong sabihin! I mean, musta love life? It's been five months din na hindi tayo nagkita."

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa pangangamusta niya. Hindi ko alam pero parang gusto ng kamay kong ibuhos 'tong baso ng kape na hawak ko.

"Ayoko muna magpokus sa ganiyan Sandra, wala akong time. Eh, ikaw ba? Kamusta naman kayo ni Da... Dave?"

Nang mabanggit ko ang pangalang iyon ay para na siyang bulateng binudburan ng asin sa sobrang kilig.

"Okay naman kami! Kakagaling lang namin sa Maldives no'ng nakaraang linggo! Alam mo naman buhay ng bagong kasal!" Nakangiting aniya at pumangalumbaba sa harapan ko gamit ang kaniyang kaliwang kamay, hindi ko maiwasang mapatingin sa suot niyang singsing na agaw pansin kahit 'di gano'n kalakihan ang bato na nasa ibabaw nito.

"Ah, nice Maldives..." my dream place, pangarap ko noon na kung maghohoneymoon man kami ng asawa ko, gusto ko sa Maldives mangyayari.

"Grabe 'no? Parang kailan lang si Lyka 'yong kinasal," pagtukoy niya sa isa pa naming kaibigan, "Akala ko nga ikaw na yung susunod na ikakasal eh!" tunog panghihinayang nito.

"Ikaw nakasalo ng bulaklak nung hinagis ni Lyka diba? Tanda mo ba?" Hindi ko maiwasang maging sarkastiko sa kaniya nang sabihin ko iyon.

Ngumiti lang ito at hindi napansin ang pagiging sarcastic ko, "Hehe... Dami ring dumaan na problema sa buhay natin noon e, hehe buti na lang talaga okay na tayo."

Bitch, no. "Kaya nga eh, biruin mo 'yon nanaig pa rin talaga yung pagiging magkaibigan natin-"

"Totoo 'yan, kaya 'yong mga nagawa ko sa'yo noon labis kong pinagsisisihan 'yon. Ngayon, wala na kong pinagsisisihan pa kasi okay na lahat."

Ngumiti ako at tumango sa sinabi niya, "Tama ka diyan,"

Gulat akong nagbaba ng tingin sa kaniyang kamay nang hawakan nito ang kaliwang kamay ko, "Ikaw? May pinagsisisihan ka ba? Pinagsisisihan mo ba na naging kaibigan ako?"

Dahan-dahan akong umiling sa sinabi nito na kinangiti naman niya, "Nope, pinagsisisihan ko 'tong trabaho ko."

Kumunot ang noo niya sa narinig mula sa akin, "What? Paano mo naman pagsisisihan 'yong pangarap mo? Pangarap mong maging wedding organizer diba?"

Ngumiti ako at inalis ang kamay niya sa pagkakahawak nito sa kamay ko, "Hindi ko pinangarap na maging wedding organizer sa kasal niyo ng pinaka minamahal kong ex." Sarkastikong sabi ko na nagpawala sa kaniyang matamis na ngiti, tumayo ako at niligpit ang aking gamit.

Ngunit bago pa man ako makalayo sa kaniya ay huminto ako para sabihin ang nais kong sabihin, "You taught me to become an independent woman, but you don't taught me how to flirt best friend's boyfriend."

Written by Abreal

one shot stories compilation Where stories live. Discover now