"ba't 'di ka pa inaantok o talagang gusto mo lang na magkaroon tayo ng moment dito Fiolee?" Sumama ang tingin ko sa kaniya, parang tungaw kasi nag yayabang na naman.

"Sarap mong tadyakan sa tagiliran alam mo 'yun?" Umiling siya at tumawa.

"To naman na iinis ka na naman sa kagwapuhan ko." minsan talaga sinusumpong siya ng kahanginan niya.

"Alam mo ang laki-laki na siguro ng ego mo at pinapalaki mo pa." nag peace sign siya at lumapit sa'kin,

"Kantahan na lang kita para lalo kang mainlove sa'kin." hinampas ko na siya sa sobrang pikon ko pero sumandal na rin ako sa balikat niya at nag simula na siyang mag strum ng gitara niya.

"La da da da ~
Im gonna berry you in the ground." ito ata 'yung kinanta niya nung contest eh, 'yung galit siya sa'kin at iniisip niyang problema lang ang turing ko sa kaniya.

"Oy hindi sa ayaw ko ng compose mong kanta pero 'di ko feel n'yan, kantahin mo na lang 'yung kinanta mo sa'kin sa bahay nila Reyly." tumango siya at nag strum ulit.

"It's just another night
and I'm staring at the moon
I saw a shooting star
And thought of you." parang tamang tama 'yung lyric ngayon ah, nakatingin kasi kami sa buwan at mga bituin ngayon, napakaliwanag ng buwan at siya ang nagbibigay ng liwanag ngayong gabi.

"I sang a lullaby
By the waterside and knew
If you were here,
I'd sing 'to you." siguro long distance ang tema ng kantang 'to, kahit 'di ako relate sa storya ng kanta nagagandahan pa rin ako pag siya na ang nakanta.

"You're on the other side
as the skyline splits in two
I'm miles away from seeing you
I can see the stars
From America
I wonder, do you see them, too?" Nakakakilig talaga 'yung boses ng Marshall ko, sana lagi ko 'tong maririnig araw araw.

"So open your eyes and see
the way our horizons meet
And all of the lights will lead
Into the night with me." sana walang katapusan 'tong pag sasama namin no. Nakakakilig isipin na habang buhay kaming magkasama at bubuo kami ng sarili naming pamilya.

"And I know these scars will bleed
But both of our hearts believe
All of these stars will guide us home." napatingin ako sa buwan, bilog na bilog ito, parang kinakausap niya ko na titigan ko pa siya at sobrang lumalalim ang pagtingin ko dito na parang hinihigop ang lakas ko.

"Fiolee?" Parang nag iinit ang katawan ko, bakit parang lumalapit sa'kin 'yung buwan.

"Fiolee huy wag mong titigan ang buwan." palapit siya ng palapit nakakasilaw at nakakalula.

"Fiolee!"

*SLAP*

Napatingin ako kay Marshall at niyakap niya ko, rinig na rinig ko ang kabog ng dibdib niya.

"Fiolee sorry na sampal kita sorry." napatingin ako sa palad ko at hinawakan ang pisnge ko. Masakit siya pero hindi iyon ang kinatakot ko kundi 'yung sobrang init ng palad at katawan ko.

"Marshall?" Hindi ko pa rin ma absorb ang nangyari. Ano ba 'yun?

"Nakatingin ka sa buwan, alam mo namang bawal sa'tin 'yun lalo na sayo, nag iba ang kulay ng mata mo kaya nataranta ako at masampal kita para gisingin." tumitig ako sa sa kaniya at pinunasan 'yung pawis niya. Kabado siya masyado.

"Okay na ko, sorry din." nagbuntong hininga siya at niyakap ako.

"Pasok na tayo sa bahay." Pag-aaya niya, at umiling ako.

"Saglit na lang, hindi pa ko inaantok eh." tumango siya.

"Wag ka lang ulit titingin sa buwan." ngumiti ako.

"Sayo na lang?" Tumawa siya.

"Oo ba sa'kin na lang at wala ng iba." hinampas ko siya kasi iyan na naman 'yung kayabangan niya haha.

"Oo na sige sayo na lang haha." tumawa siya at pinitik ako sa noo katulad ng madalas niyang gawin.

Sumandal lang ako sa kaniya habang nakatingin sa dagat, nag re-reflect dito ang mga ilaw galing sa iba't ibang bahay at building dito malapit sa dagat.

Ang ganda niya tignan lalo na deep blue at midnight blue na ang kulay ng paligid, isama mo pa ang pagtama ng liwanag ng buwan sa tubig, ang sarap tignan.

"Fiolee ilan ba ang gusto mong maging anak na'tin?" Napatingala naman ako bigla sa tanong niya.

"Bakit mo naman na tanong 'yan." nagkamot siya ng batok at halatang nahihiya dahil hindi siya mapakali sa kinauupuan namin.

"Ah eh alam mo naman kase, college na tayo tapos pagkatapos nito magtatrabaho na tayo same sa magpaplano na rin tayo sa future natin, pwede bang i-advance pag-usapan ang tungkol sa pamilya?" Natawa ako, hahaha agnormal talaga 'tong boyfriend ko.

"Alam mo masyado pang maaga para pag planuhan 'yan pero kung gusto mo lang naman malaman, gusto ko tatlo." mukhang ako naman ang kinapitan ng hiya.

"Eh saan mo gusto tumira?" Napatingin ako sa mga paa ko na puno ng puting pinong buhangin.

Tumungo ako at nag simulang mag drawing dito.

"Gusto ko sa lego house." nagkamot siya ng ulo niya.

"Seryoso? Gawa sa lego?" Tumango ako

"Kasi 'yung lego pwede kong buoin ayon sa gusto ko 'di ba, gusto ko kasi pabago bago ang style hehe para 'di nakakasawa." tumingin ako sa kaniya na parang napasimangot.

"Pag paulit ulit ba mag sasawa ka?" Tumango ako ng walang pag aalinglangan kaya lalo siyang napasimangot.

"Pano pala kung araw-araw mo kong nakakasama mag sasawa ka rin sa'kin?" Umiling naman ako.

"Sure naman ako na may mga problemang darating sa'tin eh, at 'yung mga problema na 'yun ang gagawin nating trill para hindi tayo mag sawa sa isa't isa at iyon din ang magpapatatag sa relasyon na'tin." nagbuntong hininga siya saka muling ngumiti.

"Sana 'yung mga pag subok na 'yun malagpasan na'tin no." tumango ako at ngumiti sa kaniya.

"Kakayanin na'tin." saka ko tinapos 'yung drawing ko sa buhangin.

"Eh ba't ang pangit ko d'yan?" Natawa naman ako mukha kasing bangkay ang itsura niya dito.

"Hayaan mo na hahaha." bigla niya kong niyakap at bumulong kaya bigla akong namula at nahiya.

"Fiolee, hayaan mo tutuparin na'tin 'yung gusto mo. Magkakaroon tayo ng tatlong anak at magkakaroon din tayo ng lego house, susubukan ko kahit imposible basta para sayo." 'yung hiya ko napalitan ng kilig at nikayap ko rin ang mga kamay niyang nakayakap sa'kin.

"Pangako?" Hinalikan niya ang noo ko at saka binaon ang ulo niya sa leeg ko.

"Pangako Fiolee." napangiti ako at sa oras na 'yun nabuo ang pangarap namin para sa darating na panahon.

Sana talaga matupad lahat ng 'to.

Sana. 

TO BE CONTINUED 

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now