DALAMPASIGAN

37 7 0
                                        


CHAPTER ONE
~•~

"Were almost there" dad said while driving.

Nandito kami sa loob ng sasakyan at papunta kami sa bahay ni lola sa probinsya. Hindi ko alam kong anong pumasok sa utak ni daddy at nag aya siyang duon daw muna kami mag bakasyon. Well ok lang naman sakin kasi bored naman ako sa bahay at gusto koring iwasan sya.

Plinug ko ang earphones ko sa tenga at pinatugtug ang kantang -heaven by your side-. Habang nasa byahe kami naka tingin lang ako sa labas ng sasakyan.

Madaming puno at may natatanaw akong dagat sa dikalayuan. Fresh din ang hangin dito at wala masyadong bahay kumbaga ilang metro pa ang lalakarin mo para makarating sa kabilang bahay. Like kayo nalang mag imagine.

May natanaw akong malaking bahay sa di kalayuan. Sobrang laki nya like parang mansyon na--mansyon na talaga. Thats my grand mother's house.

"Welcome home" dad said at agad kaming nag punta sa harap ng pinto. Parang magic ang ginawang pag tapak namin sa hagdan kasi biglang bumukas ang pinto.

Nakita namin si lola sa harap ng pinto saka agad siyang niyakap ni daddy. Yun din sana ang gagawin ko kaso iba yung tingin ni lola sakin parang binabasa nya ang kaluluwa ko. Weird.

"Ma, kamusta?. Its been  3 years nung huli tayong nagkita." sabi ni daddy saka hinawakan ang dalawang kamay ni lola pero si lola naka tingin parin sakin na parang noon nya pa ako hinihintay. Ang weird talaga nya sobra.

"Masaya ako at nakita kitang muli Rosaline" sabi ni lola sakin at ngumiti na parang masayang masaya sya nung nakita ako.

"Ah-eh ako rin lo-lola" sabi ko sabay ngiti sa kanya.

"Hali kayot kumain na muna alam kong gutom na gutom na kayo" alok ni lola samin saka hinila kami papunta sa kusina para kumain.

Kumain naman kami ni daddy pero naaawkward parin ako sa mga tingin ni lola sakin parang may gusto syang sabihin na ewan.

Pagkatapos naming kumain nag kwentuhan muna sila lola at daddy tungkol kay mommy at sa mga bagay bagay. Ako naman parang nakapasok sa isang museum grabe ang daming mga antigong gamit dito.

Pagkatapos nilang mag kwentuhan sinamahan na kami ni lola sa kwarto namin may 9 rooms ang bahay. 4 sa isang side at 4 rin sa kabilang sides pero yung isa nasa baba.

Pumasok ako sa isang kwarto at dun muna mag papahinga. Nasa kabilang side ang kwarto nila daddy at lola kaya ako lang dito sa right.

Humiga ako sa kama at napansin hindi ito maalikabok. "Seguro alagang alaga to ni lola. Kahit ang weird nya ang linis naman nyang tao" sabi ko sa aking sarili saka kinuha ang phone ko at tinignan iyon "walang signal hayst" agad kong nilagay sa side table ang phone ko kasi wala naman itong saysay.

*toktok*

Agad kong binuksan ang pinto ng marinig na may kumakatok doon. Si lola pala.

"Apo ayos kalang ba dito?" tanong nya sabay ngiti sakin. Agad tumayo ang mga balahibo ko sa katawan. That smile is so damn creepy!.

"Ah-ok lang naman po" sabi ko sabay ngiti rin sakanya.

Ngumiti sya sakin at agad akong tinalikuran. Amp!. Gusto kopa sana syang tawagin para itanong kung bakit sya weird pero wag nalang masyado akong natakot sa mga tingin at ngiti nya. Agad akong humiga at natulog na.

Naalimpungatan ako sa hindi malaman na dahilan. Tinignan ko ang relos ko at nakitang 11:37 pm na ng gabi. Nauuhaw ako.

Lumabas ako sa kwarto at nag tungo sa kusina. Mabuti nalang at may kuryente sa bahay nato kaya madali lang ako naka punta sa baba.

Pag baba ko nadaanan ko ang nag iisang kwarto na nasa baba at nasa gilid ng mini library ng bahay. Na curious ako kaya nilapitan ko ang kwarto nayon.

Nung nasa harap na ako ng pinto agad akong nakaramdam ng kakaiba parang may something na ewan. At dahil sa curiosity ko agad kong hinawakan ang doorknob at pinihit ito ngunit. Lock.

Bumusangot ako at tumalikod nalang. Agad akong pumunta sa kusina at uminom ng tubig.

Naglalakad na ako pabalik ngunit bigla akong naistatwa ng mahagip ng mata ko ang kwartong papasukin ko sana. Omygod! bakit bukas ang pinto!? diba naka lock yun?!!!. Wahh may multo talaga sa bahay nato!.

Tatakbo na sana ako pabalik sa kwarto ko pero biglang lumabas si lola sa kwartong yon. Akala koba sa taas ang kwarto nya?. Ahh baka sya ang nagbukas dun kasi may kinuha sya. Tama tama! hindi ka dapat naniniwala sa multo rosaline kasi mag dodoctor ka kaya put that in your stupid mind.

"Nandiyan ka pala apo" sabi ni lola saka sinarado ang pinto ng akmang sisilip nako. Lumapit siya sakin at nginitian ako. Ayan na naman.

"Ahh-ehhh a-ano kasi lo-lola ammm u-uminom lang a-ako ng tubig sa ku-kusina" nauutal kong sabi. Fuxk! Rosaline! umayos ka baka isipin ni lola natatakot ka sakanya at sa bahay niya.

"Hindi kaba makatulog o bigla kang nagising dahil tinawag ka?" tanong sakin ni lola sabay hawi sa buhok ko. Ano sabi nya?. Wahhh! natatakot na tuloy ako. Tinawag ako? nino?.

"Marahil ay hindi ka makatulog kasi naninibago ka sa bahay" sabi pa nya sabay hawak sa kamay ko. Shit goosebumps!

"Ah he-he nauhaw kasi ako lola kaya bumaba ako" sabi ko sabay tingin ulit sa kwartong naka sara na ang pinto ngayon.

"Gabi na matulog kana uli" sabi niya sabay ngiti sakin.

Agad akong tumango at naglakad na pabalik. Nung nasa hagdan nako agad akong lumingon kay lola na ngayon ay naka yuko.

"Wag muna ngayon Rosalia"

Huh? who's Rosalia?



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DALAMPASIGANWhere stories live. Discover now