CHAPTER 27

46 3 0
                                    

Dumaan lang ang ilang minuto bago pumasok ang kasunod na subject. Lumipas pa ang ilang oras at nagdaan pa ang ilang subject bago mag lunch.

"Jerry! Kain na tayo!" Sigaw ni Eligia bagamat nasa amin ang tingin. Kunot noo ko siyang tiningnan.

"Sinong Jerry?" Tanong ko.

"Kayo! Siraulo! Alangang yung nasa kabilang section 'no?" Sarkastiko niyang tanong.

"Panong naging Jerry?" Sabay naming tanong ni Jeremy at nagkatinginan pa.

"Jerry as in J-E-R-R-Y ba yung iniisip niyo?" Tanong niya.

"O-oo?" Parang tanga kong sagot.

"Tanga ka pala e!" Tawa niya.

"Bakit?" Tanong ni Jeremy.

"What I mean is J-E-R-R-I-E! Ganoong Jerrie! Kasi!" Bulyaw niya.

"Sa'n mo naman nakuha 'yon?" Tanong ko.

"Naisip ko lang," simple niyang sabi.

"Ewan ko sa'yo!" Tawa ko.

"Tara na! Gutom ako! Hindi ako nakapag recess kanina!" Nakanguso niyang ani saka ako hinatak. Sinenyasan ko si Jeremy na sumunod pero napahinto ako nang makitang nakaupo pa rin si Josh.

"Josh!" Tawag ko. Kunot noo siyang tumingin sa akin. "Lunch!" Tawag ko pa. Tumango lang siya sa akin. Sinenyasan niya na akong mauna na. Napabaling naman ako kay Eligia na naka cross arms sa likod ko. "Problem?" Tanong ko.

"Anong meron?" Tanong din ni Jeremy sa dalawa. Umiling naman silang parehas. Nagkatinginan naman kami ni Jeremy at nagkailingan din.

"Tara na, Josh." Pag aya ko sa kaniya. Nilapitan ko na din para naman tumayo na.

"I'm still full." Simple niyang ani. May nangyari sa dalawang 'to feeling ko..

"Kaunti lang ang kinain mo kaninang umaga, dahil sabi nga ni Mama excited kang pumasok. At kaninang recess ay hindi ka pa rin kumain, paano ka naging full?" Mataray kong tanong.

"If I said I'm full. I'm full, Carrie." Masungit niyang ani.

"Okay." Sambit ko at iniangat pa ang balikat. "Madali naman akong kausap e, sa araw na makauwi tayo sa Manila, ako mismo ang magsasabi sa Papa mo na, ' Tito, si Josh po hindi kumakain sa province, nagpapalipas po siya ng---" Hindi pa man tapos ang sasabihin ko ay agad na siyang tumayo.

"Fine! I'm eating!" Padabog niyang ani saka nagmamadaling lumabas. Natawa naman ako. Takot pa rin talaga siya kay Tito HAHAHA!

"Takot sa Papa niya?" Tanong ni Jeremy sa akin.

"Oo, Reyes." Ngiti ko kunwari. Sumama naman ang mukha niya.

"What did you just call me again?" Iritado niyang ani.

"Reyes, bakit?" Kunwari ay no idea kong tanong.

"I said call me baby or love, Carrie." Nagmakaawa niyang ani.

"Problema don? Nakokornihan ako sa mga gano'n e," sambit ko saka ngumuso.

"Pasalamat ka cute ka, Carrie loves.." sambit niya saka biglang napangiti.

LOVE CAN HURT Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin