Chapter 28

29 12 0
                                    

Binabawi









Buong lakas ko tinanggal ang pagkakahawak sakin ng kapatid ni tinay. Nu'ng nakawala na ako halos madulas na ako makalapit lang sa pagkakahiga ni tinay sa sahig.

Nanghina ang tuhod ko nu'ng nasa harapan na ako ni tinay, kasabay no'n ang pagluhod ko. Nanginginig ang kamay ko na inabot ang pisngi niya at maingat na hiniga sa hita ko.

"Love....dumilat ka muna. Dadalhin kita sa hospital ha?" Nakangiting sambit ko pero masyadong traydor ang luha sa mata ko at bumagsak sa pisngi ni tinay ito

Ginamit ko'ng pangpunas ang likod ng palad ko ang dugong nagkalat sa pisngi at labi niya at wala sa sariling napahid na lang sa damit ko.

"Van, bitawan mo siya."

Nagtagis ang bagang ko sa inis. Matalim na tingin ang tinapon ko sa magkakapatid lalo na sa nagsalita na si Xenon. Bakit ba sila ganito?!

I hissed. "Putangina niyo! Gusto niyo talaga mamatay kapatid niyo?! Anong klase kayong kapatid?!"

Hindi man lang sila natinag sa pagsigaw ko. Nanatili silang may seryosong mata at hindi mo pagkakakitaan ng pagaalala na mas lalo ko'ng kinagalit.

I scoffs in disbelief. Marahan at maingat ang pagkarga ko sa walang malay na si tinay. "Kung kayo walang paki, ako meron, at ayokong mamatay ang babaeng 'to." Matigas na sabi ko at tinalikuran na silang lahat

Hindi ako nakaramdam ng kahit anong takot mula sa tatlong Del Ernil nu'ng mga oras na 'yon, isa lang nararamdaman ko sa kanila kundi galit. Hindi parusa ang ginagawa nila, pinapatay nila.


Pagkasipa ko ng pinto palabas ng malaking bahay na 'to, bumungad sakin ang dalawang lalaki na hindi pamilyar sakin. Pareho silang napauwang ang labi nu'ng nakita nila si tinay na duguan.

"Who did that?" Maarteng tanong nu'ng isa

"I don't have time to explain to you, please give me way. Dadalhin ko siya sa hospital."

Nagkatingnan silang dalawa at kapwa naguusap ang mata at ilang saglit lang bumaling na sila sa akin. Naguguluhan ang tingin na tinapon ko sa kanila  nu'ng hinila nila ako papunta sa isang kotse at inalalayan na sumakay sa backseat.

Nagbaba tingin ako kay tinay na nasa bisig ko pa din at wala pa di'ng malay. Nagtaas tingin ako upang pigilan ang nagtatangkang luha nanaman.

Hindi ko sila inimik, pakiramdam ko naman na mabait sila at nakita ko ang pagaalala sa mata nila nu'ng nakita nila si tinay.

MINUTES LATER, nasa hospital na kami. Hiniga ko si tinay sa isang kama sa emergency room. Naging aligaga ang mata ko dahil wala akong nurse o doctor na lumalapit sa pwesto namin. Bakit ngayon pa sila nawala?!

Hinawi ko ang kurtina at nakita sa counter ang dalawa na halos sungaban na ng sapak 'yung lalaking nurse. Agad ako'ng lumapit sa kanila.

"Why so tamad?! You have a patient in bed 2! If you don't punta there i'm gonna suntok your ugly mukha!" Gigil na sabi nu'ng maarte magsalita

"Kumalma ka nga," pagsasaway nu'ng isang lalaki. Nakangiti siyang bumaling sa lalaking nurse. "ALAM MO KUYANG NURSE KUNG MAHAL MO BUHAY MO, ASIKASUHIN MO YUNG BABAE DOON! GUSTO MO MAPUNTA SA HEAVEN SA HINDI MASARAP NA PARAAN?! HUH?"

Okay...

Sino ba 'tong mga 'to? Kaibigan din ba sila ni Tinay? Dami naman kaibigan na lalaki no'n, wala akong nakitang kaibigan niya na babae eh. Hindi ba uso sa kanya 'yon?

I LOVE TROUBLEحيث تعيش القصص. اكتشف الآن