Michael pala ang pangalan niya? Tss. Corny. Siya iyong sinuntok ni Neil kahapon.

"Ma'am, hindi po kami," sabi niya imbis na mag-explain.

Bumuntonghininga ako at naiinis na bumaling kay Ma'am Cornelia dahil kung tingnan ako nito ay parang nagsisinungaling lang ako!

"Ma'am, you can check your hidden camera."

Nakarinig ako ng bulungan kaya bigla akong natahimik.

Fuck! That was supposed to be a secret!

"Hidden camera?" naguguluhang tanong sa akin ni Austin.

Dahan-dahan akong tumango habang pinagsisisihan ang sinabi ko.

Lagot ako sa mommy ni Daryl!

Ang mommy ni Daryl ang nagpalagay ng camera na iyon dito sa classroom namin na pinahintulutan naman ng may-ari ng school! Gusto niya kasing masiguro na wala nang gagawing kalokohan sa akin ang anak niya kaya minabuti niyang i-monitor ang galaw ng anak.

Miss Cornelia sighed and said, "I'll check it."

Mabilis akong nakarinig ng iba-ibang reaksyon. Ang iba ay takot dahil akala nila ay matagal nang may hidden camera ang classroom nila at nangangambang baka ipakita ito sa mga magulang nila.

I gasped in shock when Michael suddenly grabbed the collar of my uniform.

Galit na tumingin ako sa kaniya dahil sa higpit ng hawak niya sa collar ko ay maaaring masira ang uniform ko!

"You knew that there was a hidden camera in this classroom yet you didn't mind telling us?!" he said in between his gritted teeth.

Nagkibit-balikat ako at dahan-dahang inalis ang kamay niyang nakakapit sa akin habang ang pinapantayan ang tingin niya.

"Are you scared?" nang-aasar kong tanong at agad siyang namula sa galit.

Inirapan ko siya at akmang lalabas na ngunit nakaramdam ako ng matigas na bagay na tumama sa batok ko habang ako ay naglalakad paalis.

"Fuck," I muttered under my breath.

Ramdam na ramdam ko ang pagtama ng matigas na bagay na iyon sa akin at ang sakit na dulot no'n sa akin ay iba. My surroundings started to get blurry and I couldn't hear their voices clearly anymore. I felt a hand on my waist before everything went black.

***

Jack Daryl

Kita ang inis sa mukha ni Michael at alam kong napikon siya ni Jade. Kahit naman ako ay nagulat noong nalaman ang tungkol sa hidden camera na iyon.

Kailan pa nagkaroon no'n sa classroom namin?

We looked around but we saw nothing. Talagang tagong-tago iyong camera dahil wala talaga kaming makita.

Nang akmang tatayo ako para puntahan ang dalawa ay agad na humarang sa akin sina Shawn.

"Are you seriously doing this to me right now?" kunot-noong tanong ko, naiinis na.

"You started all this shit," seryosong sabi sa akin ni Shawn habang pilit na hinaharangan ang harap. "You made this fucking rule and now what are you doing? You're doing nothing! Why? Because you like that bitch, am I right?"

"What did you call her?" Pinantayan ko ang tingin niya kaya agad na humarang sa amin si Hendrix.

"Stop." Pilit niya kaming pinaglayo kaya maging siya ay hinarang na rin nina Ezekiel.

The Only GirlWhere stories live. Discover now