Kabanata 12

31 1 0
                                    

Hindi ko mapigilang humikab habang nagpupunas sa counter sa café. Past 9 na nang gabi, at may tatlong customer na lang kami na inaantay bago tuluyang magsara. Kung dati ay weekend lang ako nagpapart-time, ngayon ay halos araw-araw na.

Marami din kasi kaming kailangang bayaran na bills at ilang expenses mula sa naging gastos ni Mama sa Hospital. Kailangan ko pang isabay ang parehong matrikula namin ni Brooke, pasalamat na lang ako at kahit papano ay may makukuha kami mula sa benefits ni Mama.

"Bella," bahagya akong nagising nang konti sa pagtapik ni Jen sa braso ko.

Ngumuso siya at minuwestro ang doorway. Sinundan ko ang tinuturo niya at napaawang ang labi ko nang makita si Casper na kakapasok lang. He looks tired, his eyes is a bit sleepy as he examined the whole place. Nang magtama ang tingin namin ay mabilis itong naglakad patungo sa kinaroronan ko.

"Wow, Sana all may sundo." nakangising panloloko ni Jen sakin,

Bumuntong hininga ako at umiling. Dahil sa totoo lang wala naman akong sinabi na sunduin niya ko mula sa trabaho, ang alam ko kasi late ang tapos nang klase nila ngayon at may binisita ang department nila na oil refinery pata sa research work na ginagawa nila.

He must be tired, pero nagawa pa niyang dumaan sa café.

Mabilis kong kinuha ang ID ko ang nag-lout na. Si Jen na raw bahala magsara, at mas mukha pang kilig na kilig sakin dahil nagaantay si Casper sa unahan. Nagbihis lang ako ng jeans at shirt sa locker bago tuluyang nagpaalam.

"Hindi ka na sana dumaan pa..I can go home alone," ani ko habang tahimik niyang kinuha ang bag ko.

Ayoko na sanang ibigay dahil mukhang pagod na siya, pero kinuha pa rin niya at umakbay sakin.

"I'm alright, Bella. Just tired, pero mas mapapanatag ako kapag ihahatid kita sa inyo." Agap niya matapos mabilis na pinatakan nang halik ang gilid ng noo ko.

I smiled a bit, as we headed out of the café. Nagulat ako na hindi niya dala ang sasakyan niya,  napalingon ako sa kanya.

"Nag-commute ka lang mula sa bayan?" Tanong ko para tumango siyat at pinagsalikop ang mga palad namin sa paglalakad.

"Yeah,"

"Bakit?" Ang alam ko kasi hindi siya sanay sa commute.

"I missed you, you're always busy in school, and I can only take a small break just to see you.. That's why Ieft my car...to atleast have a long walk with you," hindi ko mapigilang hindi malungkot na lingunin siya.

He's right, mula nang mawala si Mama ay mas naging hectic ang schedule ko. Madalas ay siya pa nga ang gumagawa nang paraan para lang makausap ako. I suddenly felt bad for him.

"I'm sorry, Cas." I whispered a bit teary again.

Hanggang ngayon kasi hirap akong tanggapin lahat nang mga nangyari, sobrang bilis at wala akong ideya. Hirap ako sa lahat nang bagay dahil noon andun pa si Mama para sandalan ko...

Casper dark eyes slowly gaze at me, he hold my chin up.

"Bella, Stop apologizing. You don't have to, I understand. Stop stressing yourself, and smiled a little, please." He cheered beside me.

Naluluha ko siyang niyakap. In the cold night, his warm embrace makes me calm for seconds. I wonder I could still find someone like him, who can make feel so love and secured with his arms.

Nasa gitna ako ng discussion nang makatanggap ako nang tawag mula sa eskwelahan ni Brooke. Nagmadali akong nagexcuse sa klase, para lang magtungo doon.

"Miss Perez?" Agad akong napatayo sa harap nang tanggapan nang makita ng tumatayong adviser ni Brooke.

"Ah, Good morning Ma'am. I'm Bella Perez, ate at guardian ni Brooklyn," magalang kong pakilala, minuwestro nitong maupo ako ulit bago ito naupo sa upuan niya.

UNIVERSITY SERIES: TOTGA EDITIONWhere stories live. Discover now