Chapter Thirty-four

Start from the beginning
                                    

"Anak, kapatid mo pa rin naman siya."

"Wala na akong kapatid, Nay. Patawarin mo ako pero hindi ko siya kayang patawarin," ani Dorsy sa ina.

"Nagmamalaki ka na ba? Nagmamalaki ka na ba sa akin at sa kapatid mo porke mayaman ka na? Heto ang tandaan mo, patay ka na sana kung hindi ka lang namin inampon! Wala kang utang na loob!"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Dorsy.Siya ampon? Paanong nangyari? Walang binabanggit sa kaniya ang tatay niya.Simula noong bata siya hanggang sa kanyang paglaki ay wala man lang itong ikinuwento sa kaniya na ampon siya.Bagkus pinaliguan siya nito ng pagmamahal.Ibinuhos lahat sa kaniya.Nag-init ang kaniyang mga mata sa natuklasan.Kaya pala iba ang trato ng nanay Dolores nila sa kaniya.Lagi nitong pinapaboran si Downy kahit noong nag-aaral pa sila.At noong sinabi niyang hihinto muna siyasa pag-aaral upang makatulong sa kanila ay pumayag ito agad kahit tutol ang kaniyang tatay noon.Dahil lumabas na ang katotohanan sa likod ng kaniyang pagkatao.Siya ay saling pusa lang sa pamilya ni Downy.Pero bakit hindi man lang ito nakuwento ng tatay niya sakanya bago pumanaw.

"Ano? Nagulat ka ba?" ani Nanay Dolores kay Dorsy. "Sanggol ka pa lang ng mapunta ka sa amin. Matagal kaming hindi nagkaroon ng anak ng tatay mo. Isang gabing pauwi siya galing sa paglalako ng basahan ng makarinig siya ng iyak ng sanggol sa may basurahan. Nang makita ka niya doon ay pinulot ka niya at inuwi sa bahay. Dahil sabik siya sa anak ay inampon ka namin. Pero pagkalipas ng dalawang taon ay nabuntis ako at iyon nga si Downy. Hindi kita totoong anak," kontrobersyal nitong amin sa kaniya. "Bago nawalan ng hininga ang tatay mo. Sinabi niya sa akin na kahit anong mangyari ay huwag na huwag kong sasabihin saiyo ang katotohanan dahil mahal na mahal ka niya," umiiyak nitong kuwento. "Kahit hindi ka niya tunay na anak ay minahal ka niya ng totoo.Pero sa akin, hindi ko kayang ipagpalit saiyo si Downy dahil siya ang tunay kong anak."

Tumango-tango si Dorsy sa ina.Pagkalapit niya sa ina ay sinampal niya ito. "Get out of my house!" Malakas niyang sigaw. "Kaya pala? Kaya pala ganyan din ang ugali ni Downy dahil meron siyang pinagmanahan. Nirespeto ko kayo. Pero kung hindi niyo ako kayang respetuhin puwes maghiwa-hiwalay na tayo ng landas!" matapang na sabi niya. "Siguro naman sapat ng kabayaran ang mga ginawa kong sakripisyo sainyo! Kung tutuusin ay dapat may sukli pa."

"Bastos ka! Walang utang na loob!" Nagirittan ang mga ngiping sigaw ni Nanay Dolores kay Dorsy.

"Basto na kung bastos!" aniya. "Pero, wala akong utang na loob sainyo dahil binayaran ko na. Sobra-sobra pa!"

"Matapang ka! Sana hinayaan nalang kitang mamatay sa basurahan noon!" sumbat nito.

"Maybe, God send me to you. Siguro, nakaplano na 'yon. Ako nga ang nag-taguyod sa pamumuhay natin. Dapat nga naging thankful ka pa dahil may ulirang anak ka. Ang kuwento ko parang kay Cinderella lang. Mutchacha niyo na naging prinsesa. And I deserve it," ani Dorsy.

Hindi na siya sinagot ng Nanay Dolores niya.Agad itong umalis s a bahay nila ni Vince.Umuwi siguro ito o di naman kaya ay nagtungo sa presinto.Niyakap siya ni Vince ng mahigpit.Hinaplos nito ang kaniyang pisngi. "Don't worry, honey. Everything will be alright." pakunswelo sa kaniya ni Vince.Tumango siya bilang kasagutan.

Sana lang ay magiging maayos nag lahat.Para sa kaniya ay tila lalong gumulo dahil sa natuklasan.Kung hindi siya totoong anak ng nanay at tatay niya ay sino ang totoo niyang mga magulang?Tuloy ay napapatanong siya kung buhay pa kaya ang mga ito?Kung bakit siya itinapon ng mga panahong iyon? Sana ay masagot ang mga katanungan niya.

Niyaya siya ni Vince na kumain sa labas.I-treat raw siya ng nito para mawala ang stress niya.Pinag-empake na rin siya nito ng mga gamit dahil sa Tagaytay muna sila mag-stay.
Pagkatapos ng awayin nila ng nanay Dolores niya ay tila nawalan siya ng gana kaya naman sa mismong araw ay aalis na sila upang mag-bakasyon.
Sinabi ni Vince sa kaniya na siguradong mag-e-enjoy siya sa kanilang pupuntahan at magiging safe sila ng kanilang baby doon.

"Hey, don't worry. Just relax," ani Vince sa kaniya.

Umiling siya.Hindi niya deserved ang ganitong kapalaran.Para sa kaniya ay napaka-unfair.Kahit pa sabihin na nasa kaniya na ang lahat.Hindi niya deserved na suklian siya ng sumbat at hinanakit.Parang kailan lang nang buo pa ang kanilang pamilya at masaya.She didn't even get the chance that they will pay her kindness and sacrifice back.Bagkus, binayaran siya ng pananakit at pang-aalipusta sa pagkatao niya.

Maybe, si God talaga ang gumawa ng kaniyang mga pagsubok para makita ang totoong kulay ng mga taong nakapaligid sa kaniya.Kung sino ang tunay at hindi.Napabuntong-hininga si Dorsy.Ngayong malinaw na sa kaniya ang lahat ay kailangan na niyang mag-move on.This time, she will be more careful to her
surroundings.Specially, sa mga taong nakikilala niya.And forever siyang magpapasalamat sa tatay niyang nag-kupkop sa kaniya.Hinding-hindi niya makakalimutan ang mga ginawa nitong kabutihan sa kaniya.Sinuklian naman niya ito hanggang sa huli nitong hantungan.

"Still dwelling it?" ani Vince sa kaniya.Naninibago na ito sa kanyang pananahimik.

"Yeah," maiksi niyang sagot.

"Just think it was just a nightmare, honey." ani Vince.

"Uhm! It was really a nightmare!" pinandilatan niya si Vince.

Narinig niyang humagikgik ito sa sagot niya. "Luckily, I was able to survived in your nightmare," may pakindat pang sabi nito.

"Luckily, I didn't kicked you out of my life," ani Dorsy.

"That's why, luckily it was just a nightmare," ani Vince.

"Nightmare, huh? How about a second nightmare?" nagbibirong sabi niya kay Vince.

"Don't do it, honey. I'm warning you," anito.

"Are you afraid?"

"I'm afraid to lose you."

"Really?" Nakangusong tanong ni Dorsy.

"Yes. Because, I love you. I love you." ani Vince.

"I love you too," nahihiyang sambit niya.

Biglang napuno ng tawanan sa loob ng kotse dahil sa kanilang kakornihan.Panandaliang nakalimutan nila ang mga pangit na nangyari.Masaya nilang nilakbay ang daan papuntang Tagaytay.
Second honeymoon is waiting...

Mali ang Ibigin KaWhere stories live. Discover now