Unedited
"WHAT ARE YOU DOING HERE!?". nagulat si Camille dahil sa malakas na tanong ng taong nasa likuran niya.Nilingon niya ang taong nagtatanong sa kanya. It's Roel and Glenda, magkasabay itong umuwi. Well bakit hindi, kung una pa lang alam na nila ni Tristan na magkasama talaga ang mga ito.
"I'm asking you, what are you ~"
"Why are you here?" walang emosyon na tanong ni Tristan sa dalawa. Kaya hindi na niya nasagot ang tanong ng taksil na si Roel.
"What! babe, ano bang klaseng tanong yan? syempre uuwi ako kasi nandito ka". Napataas ang kilay niya dahil sa sagot nito sa bakla. Pero nagulat siya ng biglang sinuntok ni Tristan si Roel, at binigyan ng mag-asawang sampal si Glenda. Hindi lang siya ang nagulat sa nangyari kundi pati narin ang dalawa, dahil narin sa hitsura ng mga ito.
"Mga hayop kayo!mga taksil!" galit na sigaw ng bakla at sinugod ang dalawa. Nahawakan naman ito ni Roel at pilit na pinipigilan.
"What are you talking~".
" I saw you kissing roel! walang hiya kayo, kaya pala palagi mo siyang pinagtanggol, kasi may relasyon kayong dalawa!". Unti-unting nanghina si Tristan na napaupo nalang habang napahilamos sa mukha. Umiyak ito, sino ba ang hindi umiyak pagnalaman mong pinagtaksilan ka ng taong minahal mo ng sobra.
.........
PINALAYAS nga ni Tristan ang dalawa . Habang siya naman ay nanatili sa bahay nito para tulungan sa kambal. Tinitxt nalang niya ang kanyang ina na bumalik na siya sa pagtatrabaho sa bakla.
Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng palayasin ni Tristan ang dalawa at hanggang ngayon ay nagmomokmok parin ang bakla at hindi man lang niya ito makausap ng matino. Kaya naman ay hinayaan na niya.
"Camille ikaw na muna ang bahala sa mga bata." nagulat siya Ng magsalita ito mula sa kanyang likuran. Lumingon siya at nakita niya ang walang emosyon na mukha nito.
"Ahm, Tristan saan ka pupunta? Okay kana ba?"tanong niya sa lalaki.
" I'm fine, alagaan mo nalang sina Sam at cutie."nginitian siya nito at agad na tumalikod.
Kahit nakangiti ito ramdam parin niya ang lungkot na nararamdaman nito. Nag-alala siya para dito ngunit wala siyang magawa kundi damayan ito. Nag-alala din ang pamilya nito, dahil sa takot na baka magpakamatay ito. At hindi malabong mangyari yun lalo't pa na sobrang mahal ni Tristan si Roel.
Hindi mapakali si Camille habang tinatabihan ang mga bata. Hindi pa kasi umuuwi ang ama nito at mahigit 10pm na. Tatawag na sana siya sa mga magulang nito pero hindi natuloy dahil dumating na ito kasama si Roel. Natigilan ang mga ito ng makita siya, pero nilampasan lang siya ng dalawa.
"Tristan, bakit nandito si sir roel, diba pinalayas mo na siya?" hindi niya mapigilan ang sarili na hindi magtanong.
"Pinatawad ko na siya at pinapabalik ko na siya dito. Hindi ko kayang hindi kami kompleto lalo na at may mga anak na kami." sagot nito at agad siyang tinalikuran.
Napanganga siya sa sagot nito at hindi makapaniwala sa narinig. Napailing siya at tumatawa ng pagak. Ganyan ba talaga ang pagmamahal, na kahit niloloko kana nga nagawa mo pang patawarin sa loob lang ng dalawang linggo.
"Tss, bahala nga siya sa buhay niya." sa isip niya at tinabihan ang dalawang bata at natulog.
..........
"CAMILLE, pwede ka ng umalis ngayon."sabi ni roel habang kumakain sila ng agahan.
Halata talaga na gusto na siyang paalisin nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/228063731-288-k476008.jpg)
YOU ARE READING
THE BABY MAKER (short story) Complete
Short StoryAng storyang Ito ay angkop Ang isang babaeng handang gawin ang lahat para sa pamilya niya. Abangan ang kwento ni Camille Guerrero, isang dalaga na naging ''BABY MAKER'' para lang matustusan ang pamilya.. Mature Contents