fast forward~
UMABOT siya ng dalawang taon sa pagtatrabaho bilang katulong sa kanyang mga amo.
Every 6months siya uuwi sa kanila for vacation pero babalik din siya sa trabaho after 7days okay lang naman sa kanya yun at naiintindihan niya.
Mas pabor pa nga yun sa kanya para magkasahod na ulit siya, dahil kailangan talaga niya ang pera para sa maintenance ng ina at ang gastusin sa bahay nila, lalo pa at nag-aaral pa ang kanyang kapatid. High school na ito at madami rin itong mga projects na binibili.
Wala silang ibang kamag anak na hihingan ng tulong kasi walang mga kapatid ang kanyang mga magulang. Kaya ang laki ng naging utang na loob niya sa kanyang amo, kasi ito lagi ang tumutulong sa kanya sa tuwing may problema siya sa pera at sa kalusugan ng kanyang ina.
Mas lumala kasi ang sakit nito noong nakaraan na mga buwan at ang sabi ng doctor ay may stage 1 liver cancer Ang kanyang ina na pwede nitong ikamatay pag hindi maagapan. kaya naman ay nangutang siya ng pera kay Tristan para ma operahan ito. Buti nalang ay tinulungan siya ni Tristan at ito narin ang nagdala sa kanyang ina sa hospital na pag aari ng kapatid nito, at sa awa ng diyos ay nasa mabuting kalagayan parin ang kanyang ina pagkatapos ng operasyon nito.
Pero kailangan parin nitong uminom ng gamot para tuluyan ng gumaling.______________________________________
ISANG ARAW, habang abala siya sa paglilinis ay nilapitan siya ni Tristan at ang sabi nito ay baka pwedeng ito naman ang humingi ng pabor sa kanya.
Ano po ba ang pabor na gusto po ninyo sir? tanong niya sa kanyang amo na parang nag aalangan kung ituloy ba ang sasabihin o hindi.
Ahm, k-kasi ano, shit, nakakahiya!" nagbablush pa ito at hindi makatingin sa kanya ng deretso.
Sir, okay lang po ba kayo? namumula po kayo" tanong ulit niya dito, para kasing masakit ang ulo nito dahil sa sobrang pula na ng mukha ng amo niya.
Napakamot ito sa ulo at tumingin sa kanya. ''kasi Camille, gusto sana namin ni roel na magka baby na, pero alam mo naman ang sitwasyon namin diba? hindi ganun kadali sa amin ang magkaroon ng anak kasi pareho kaming lalaki".
Nahihirapan na paliwanag nito sa kanya, tumango lamang siya bilang tugon dito."Kaya sana magtulungan mo rin ako sa problema namin, mahal ko si roel at ayaw kong maghahanap siya ng ibang babae na pwede niyang anakan . Kaya Camille please pumayag kang maging baby maker namin".
Napanganga si Camille sa narinig, siya maging Baby maker? Hindi siya pwedeng mabuntis dahil paano nalang ang magiging asawa niya sa future kung hindi na siya virgin. Nasa ganun siyang pag iisip ng magsalita ulit ang bakla."I know, mahirap para sa iyo na gawin ang pakiusap ko, at maiintindihan kita kung ayaw mo". Sabi nito na may pang unawa habang nakatitig sa kanya.
"Sir, kasi po ayaw ko pong magbuntis at manganak na hindi ako kasal. Paano nalang po ang magiging asawa ko? Ang Bata ko pa po para magbuntis". Nahihiyang Sabi niya sa amo na palagi siyang tinutulungan sa mga problema niya, pero siya hindi man lang niya ito matutulungan sa problema nito.
Tumango ito at ngumiti sa kanya, ang gwapo nito pero sayang kasi nagmahal ito ng kapwa lalaki.
"I understand mille, inaasahan ko na ang sagot mo, pasensya kana huh, desperado na kasi akong magkababy para hindi ako iiwan ng taong mahal ko." Pagkukwento nito sa kanya.
" Sorry po talaga, pero alam naman din po ni sir roel ang sitwasyon ninyo diba? so maiintindihan ka naman siguro niya kung hindi kayo magkaroon ng sarili ninyong anak." Sagot niya sa bakla pero ngumiti lang ito sa kanya, ngiti na hindi umabot sa mata nito at halatang pilit lang.
"Sana nga Camille, sige balik ka na sa trabaho mo, pero pahinga kana rin later after mong maglinis, sa kwarto lang ako." Sabi nito at umalis na sa harapan niya, kaya bumalik din siya sa trabaho.
___________________________________
ONE WEEK na ang lumipas mula ng humingi ng pabor sa kanya ang kanyang among bakla. At sa loob ng one week ay ang daming nagbago sa bahay ng kanyang amo.
Ang dating tahimik, ngayon ay sobrang gulo na. Lagi kasing nag aaway ang dalawa niyang amo, dahil sa gusto na ni sir roel na magkaroon ng anak, pero hindi ito mabigyan ni sir Tristan dahil wala pa itong mahanap na baby maker.
Kaya laging umuwi si sir roel ng madaling araw at ang masaklap ay lasing pa, at kung minsan ay nakikita niya si Tristan na palaging nakatulala at malungkot.
Nawala na ang masayahin nitong hitsura napalitan na ito ng lungkot at kumikinang na mga luha.
Kaya labis siyang nagsisi sa hindi pagpayag sa hinihingi nitong pabor.Kaya kinabukasan, habang naghahanda si Tristan para pupunta sa negosyo nito ay agad niya itong nilapitan. Malungkot na naman ito kasi hindi umuwi ang ka live in nito kagabi.
"Sir, pwede po ba kitang makausap kahit saglit lang?" Tumango lang ito bilang pagpayag.
"Sir,sorry po talaga sa pagtanggi ko sa hinihingi mong pa~
"Enough, Camille mag move on ka na sa pabor na 'yan, tanggap ko na hindi ko na mabigyan ng anak si Roel at please lang hindi maganda ang mode ko kaya kausapin mo nalang ako pag importante na ang kailangan mo sa akin."cold na sabi nito at tinalikuran siya. Pero agad niya itong hinawakan sa braso.
"Sir, payag na akong maging baby maker! kakayanin ko po basta maging masaya lang ulit kayo ni sir roel,"desidedong pahayag niya habang tinignan ang baklang amo. Tinitigan siya nito kung nagsasabi ba siya ng totoo.
"Seryoso ka ba sa sinabi mo, Camille! handa ka na bang ibigay ang sarili mo sa akin para sa amin ni roel?
Hindi pakapaniwalang tanong nito sa kanya na nanglaki ang mata. tumango nalang siya bilang sagot nito sa amo."Pero sir, sino po ba ang kasama kong gumawa ng baby? Si sir roel po ba o ikaw?" Curious na tanong ni Camille sa boss niya.
"Syempre ako ang kasama mo na gumawa ng bata, hindi ako papayag na si roel ang gagalaw sayo, kasi masyadong hard yun pagdating sa kama at baka masaktan ka pa niya. Mabuti nang ako para siguradong hindi ka masaktan!"
Mahabang sagot nito na halatang hindi nagustuhan ang tanong niya lumaki kasi ang butas ng ilong eh."Okay po sir" Sagot nalang niya kasi parang nagseselos ito sa kanya dahil sa tanong niya kanina.
"Next week natin sisimulan kaya maghanda ka kasi magbakasyon tayo sa singapore para doon natin gawin si baby". Namula ang mukha nito sa sinabi, pero mas namula siya sa kahihiyan sa pinagsasabi nito.
Well, Wala naman siyang problema kung isasama siya nito sa ibang bansa dahil may passport na siya dahil minsan na din siyang sinama nito sa amerika para bisitahin ang Lolo at lola nito noon.
A/N
Very slow update po Ito kasi busy po ako. Sorry din sa mga wrong grammar ko at spelling na rin, bago Lang po akong nagsulat ng mga kwento eh..
Thank you for reading☺️☺️
Keep safe everyone and God bless us 😊😊
Enjoy reading ☺️☺️
YOU ARE READING
THE BABY MAKER (short story) Complete
Short StoryAng storyang Ito ay angkop Ang isang babaeng handang gawin ang lahat para sa pamilya niya. Abangan ang kwento ni Camille Guerrero, isang dalaga na naging ''BABY MAKER'' para lang matustusan ang pamilya.. Mature Contents