Chapter 26🔫

5.1K 107 3
                                    

"Ito na yata yung address..."Sabi ko habang salitan ang tingin sa lugar at cellphone ko.Nandito kami ngayon ni Damian sa tapat ng isang private bar para sa gaganaping girls' nightout ni Clarisse.

"Sinunod ko naman nang maayos ang direksyon kaya for sure 'yan yun!" Paninigurado niya habang nakikisilip din sa bintana.Muli kong pinagmasdan ang naturang lokasyon. Maganda ang napili nilang paggaganapan.Napakasosyal ng datingan.Hindi rin ito ganoon ka-crowded dahil nga sa private bar ito at mahigpit ang seguridad.

"Oh sige na papasok na ako!Babalik ako agad!"Paalam ko kay Damian saka hinalikan siya sa labi.Kinuha ko naman na ang purse ko saka lumabas sa kose.

"Enjoy!Naka-park lang ako rito sa tabi."Paalala niya sabay kaway. Tumango ako sa kaniya at tumalikod na.Medyo hindi nga ito masaya ngayon.Nagtalo kasi kami kanina dahil gusto niya raw sumama pero tinanggihan ko dahil nga girls' nightout ang pupuntahan ko. Nagpumilit pa nga ito dahil baka may lalaki raw na pumunta.Ang sabi ko na lang ay kaagad akong aalis kung mayroon man.

Bago ko i-approach yung bouncer ay agad kong inayos ang bestida ko. Mahirap na at baka hindi ako papasukin kapag magulo ang ayos ko. Mukhang masungit at matapobre pa naman ang nagbabantay.

Hassle nga dahil imbes na diretso trabaho na ako ay magpapalit pa ako ng uniform.Balak ko nga noong una ay umattend dito nang nakapamasok na pero baka pagtawanan ako ng mga tao.No choice tuloy ako kung hindi baunin na lang ang damit ko sa kotse. Sa hospital na lang ako magbibihis pagkatapos nito.

Pagkalapit ko sa bouncer ay kaagad nitong tinanong ang pangalan ko. Pinasadahan niya naman ang listahan niya at tinignan kung imbitado ba ako.Matapos ang ilang segundo ay pinagbuksan niya na ako ng pinto. Nginitian ko naman ito at nagpasalamat.

Pagkapasok ay bumungad sa akin ang nakakabinging tugtog at maliliwanag na ilaw.Makikita sa gitna ng bar na ito ang setup kung saan naroon ang mga tao.Nang makalapit pa ay nagulat ako nang makitang halos bente ang mga babaeng nandirito.

"Liaaa!I'm glad you came!Halika maupo ka!"Bineso ako nito sa pisngi saka dali-daling kinaladkad papunta sa mga kaibigan niya.Umupo kami sa sofa at nakita kong masayang nagkukwentuhan ang mga kaibigan niya.

"Akala ko Clarisse lima lang tayo..." Nahihiya kong bulong sa kaniya. Medyo nakaka-intimidate kasi ang dami ng mga kaibigan niya.Hindi pa naman ako sanay sa mga ganong event-event.

"Nako naparami nga ako ng invite eh. Hayaan mo the more the merrier right?Ladies!Ipapakilala ko nga pala sa inyo ang aking new friend na si Lia."Nanlaki ang mata ko nang ipakilala ako ni Clarisse sa mga kaibigan niya.Lahat ay nakatingin sa akin ngayon.

"H-hi..."Hiya kong bati sa kanila. Napadampot tuloy ako pitsel at nagsalin ng juice.Dahan-dahan ko itong iniinom para matago ang hiya ko.

"Nice to meet you Lia!Ako nga pala si Celine and this is..."Isa-isa silang nagpakilala sa akin.Hindi ko natandaan yung iba pero kilala ko na ang mga mukha nila.Hindi naman pala sila masusungit.Mukha lang talaga.

"Now we're complete let's proceed to the main eventtt!"Hiyaw ni Clarisse saka nagsalin ng alak sa isang shot glass.Medyo nanibago nga ako dahil ang alam ko pinapaikot ang baso sa inuman pero sa kanila may kaniya-kaniya silang baso.Napaka-hygienic naman pala nilang tao.

"Oh ikaw na Lia!"Nagulat ako nang nakatapat na sa mukha ko ang isang shot glass.Malayo pa lang ito pero suntok na sa ilong ko ang tapang ng amoy nito.

"Ayy hindi ako umiinom Clarisse..." Nahihiya kong tanggi.Ayokong magmukhang kj pero hindi talaga ako umiinom.Hindi kinakaya ng katawan ko ang alak dahil talaga ang sikmura ko at hindi ko talaga bet ang lasa.

"Come on isa langgg!Pleaseee!" Pamimilit ni Clarisse pero hindi ko alam kung papaano ko siya tatanggihan."Shot!shot!shot!"Nagulat ako nang biglang makisali na ang mga kaibigan niya sa pamimilit sa akin. Todo sigaw sila habang si Clarisse naman ay inaalok pa rin sa mukha ko ang shot glass.

Under The Cop's PossessionWhere stories live. Discover now