EROS [3]

411 43 133
                                    

EROS' POINT OF VIEW.

I've been waiting for one hour pero hindi pa rin siya dumarating. Hindi ko alam kung pinagtitripan ako ni Bonnie dahil hindi naman siya nagrereply kahit nasiseen naman niya ang mga messsage ko sa kaniya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya kaya mas maigi siguro kung pumunta nalang mismo ako sa bahay nila.

Do'n naman talaga dapat ako didiretso, pero dahil masakit pa ang kanang hita ko, mas minabuti kong makipag-meet up nalang. Kaso mauuwi rin pala sa ganito. Pupunta rin pala ako sa kanila, sana hindi na ako naghintay ng isang oras.

Makulimlim na, ilang minuto nalang tingin ko bubuhos na ang malakas na ulan. Padilim na rin dahil maggagabi na. Lumabas na ako sa 7/11 kung saan ko hinintay si Bonnie. Pumara ako ng taxi para mas mabilis akong makarating sa kanila.

Maingat akong sumakay sa loob ng taxi. Ingat na ingat akong 'wag matamaan ang kanang hita ko dahil hindi pa ito magaling. Sa totoo lang, hindi pa dapat ako madi-discharge sa ospital kaya tumakas ako para makipag-meet kay Bonnie.

After the day I accidentally killed Louise, dumiretso agad ako sa ospital. Ang sabi ng doktor, mabuti raw at hindi malalim ang natamo kong sugat. Tinanong nila ako kung saan ko 'yon nakuha pero hindi ko sila sinagot. Paano ko ipapaliwanag sa kanila na nagpatayan kami ng kaibigan ko, at ako ang nakapatay sa kaniya para lang mailigtas ang buhay ko? Na kaya ako may hiwa sa hita ay dahil sinubukan ng kaibigan kong iligtas ang buhay niya?

"Sir, hindi na po ako makakapasok sa loob. Subdivision po kasi 'yan, hindi ako papapasukin ng guard," ani ng driver nang huminto kami sa tapat ng isang malaking gate.

Pilit akong ngumiti bago nagbayad. Pagkatapos dahan-dahan akong bumaba ng taxi. Napangiwi ako nang sandaling kumirot ang sugat ko, pero nang makabawi ay nagsimula na akong maglakad.

Hinarang ako ng guard pero sinabi kong kaibigan ako ni Bonnie. Ilang beses na rin akong nakapasok dito kaya naalala ako ng guard at pinapasok na rin.

Mabilis pero maingat ang bawat hakbang na ginagawa ko. Malapit na kasing umulan kaya nagmamadali ako, pero kailangan kong ingatan ang sugat ko dahil baka mawala sa pagkakatahi ang hiwa nito.

Nakasaklay ako para hindi ako gaanong mahirapan sa paglalakad. Ito lang ang nadala ko nang tumakas ako sa ospital.

Tahimik na tahimik sa buong subdivision. Maya't-maya na ang pag-ihip ng malamig na hangin kaya mas nagmadali akong maglakad papunta sa bahay nila Bonnie. Baka abutan ako ng ulan dito sa labas.

Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad, nakarating din ako sa tapat ng gate nila Bonnie. May babaeng nagwawalis sa labas na agad akong napansin. Nakangiti itong lumapit sa akin. Kung tama ang pagkaka-alala ko, mama ito ni Bonnie.

"Anong maitutulong ko sa iyo iho?" tanong niya sa akin.

"Kaibigan po ako ni Bonnie. Nandito po ba siya?" magalang kong tanong.

"Si Bonnie? Hindi pa siya umuuwi simula kaninang umaga," aniya.

Saglit akong tumingin sa bahay nila. "Gano'n po ba. Sige po, babalik nalang ako sa susunod. Pakisabi nalang po kay Bonnie na dumaan ako rito," saad ko.

Akmang maglalakad na ako nang biglang pumatak ang malalaking piraso ng tubig muli sa langit. Mabagal lang iyon no'ng una, pero lumakas na rin kalaunan.

"Iho, pumasok ka muna sa loob. Hintayin mo nalang si Bonnie habang nagpapatila ka ng ulan," ani sa akin ng mama ni Bonnie. Napangiti na lamang ako bago tumango. Wala akong choice kundi manatili rito pansamantala. Hindi ako makakauwi ng maayos lalo na't may iniinda akong sugat.

Pumasok kami sa loob ng bahay. Maayos naman ang mga gamit sa loob pero hindi ko alam kung bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko. O baka dahil naninibago ako sa itsura nito dahil matagal na nang huli akong bumisita rito?

666 DeliveryWhere stories live. Discover now