IKA-ANIM NA KABANATA

Start from the beginning
                                    

"You can't do it right?" nanginginig na tanong ni Tonette.

"Tsk. Alam mo kasi Tonette ang pinaka ayaw ni Lexus ay saktan ang kanya" Ngisi ni Nicolo

"Oo natutuwa s'yang ibully si Johanna, pero nakita mo nabang sinaling ni Lexus 'yong dulo ng daliri ni Johanna? Hindi diba?" tanong pa nito.

Halos magkulay suka ang mukha ni Tonette, lalo na ang mga alipores nito na nanlalaki pa ang mga mata sa narinig.

"Y--You're joking Alexus." nanginig ang labi nito nang hawakan na ni Andrei ang kanang braso n'ya at kaliwa naman ang hinawakan ni Rhys.

"Hindi ako kailanman nagbiro Antonette. You know me very well. Very well." pinakalansing nito ang hawak na gunting.

"N-No" iling ni Tonette.

"Yes!" ngisi ni Thorin na sinabayan pa nang tawa nila.

"You think, I can't hurt you Antonette Saavedra? You think I can't? Why? Close ba tayo?" ngisi ulit ni Thorin ng simula n'yang hawakan ang nakaside na bangs ni Tonette at ginupit ang kaunti.

"A-Alexus" banggit ni Tonette, ngunit natabunan na ito nang tawanan ng tatlong barkda ni Thorin

Nanginginig ako ngunit pinilit kong tumayo sa likuran ni Thorin at hinawakan ang kamay n'ya. Kahit na galit ako kay Tonette dahil sa ginawa n'ya sa akin, ayoko namang gantihan s'ya ng mga lalaking ito. Alam ko ang pakiramdam nang mabully at kahit may kasalanan s'ya sakin, ayokong gumanti sa kanya.

"T-Thorin tama na please " pakiusap kong bulong. Naramdaman ko ang pagtigas ng braso n'yang hawak ko."U-Umalis nalang tayo please." bulong kong muli.

Nagkatinginan ang tatlo sabay pakita ng kanilang mga killer smile.

Ilang sandaling dumaan ang katahimikan.

"Pasalamat ka Saavedra." mariing sabi ni Thorin bago huminga nang malalim at humarap sa'kin.

Iniangat n'ya ang kanyang kamay at ikinulong ang mukha ko sa kanyang mga palad.

"It will never happen again Johanna." sabi nito. Hinatak n'ya ako papunta sa gitna at hinarap sa lahat ng kaklaseng naming nandoon.

"Listen." mariin at malakas na sambit ni Thorin" This girl is mine. Mine alone. At kapag naulit ang pananakit n'yo sa babaeng ito. I swear. Ako makakabangga n'yo. Understand!" Sigaw nitong muli, bago ako hinatak at lumabas ng classroom.

________________________________

Johanna

Kanina pa ako kinakabahan sa pagdating ng bagong may-ari ng Hacienda. Oo nga't maraming tao sa mundo na Dela Fuente ang apelyido pero paano kung 'sya nga iyon?

Pabalik balik ang lakad ko sa kusina habang ang iba ko namang kasama ay busy sa pag-aayos ng kanilang mga mukha. Lalo na si Joward na para bang attend ng Santa Cruzan kasama si Anne.

Si Anding naman ay kasama ngayon ni manang Edith sa sala habang hinihintay ang pagdating ng aming amo. Kinakabahan pa rin talaga ako kaya naman kaninang umaga ay idinaan ko pa ang anak ko kila tatay para doon muna ito.

BEEP!

BEEP!

BEEP!

Literal akong napalundag ng marinig ko ang napakalakas na busina na nanggagaling sa labas. Hangos naman sina Anne at Joward paglabas ng kusina. Ako naman ay nakahawak pa sa dibdib dahil sa nginig, kaba, at takot na nararamdaman ko ngayon. Tila ba naiiyak pa ako ng magsimula akong maglakad nang marinig ko ang sigaw ni manang Edith.

The Lust SufferWhere stories live. Discover now