Chapter 10

13 2 9
                                    

Nahuli kong nakatingin sa akin. Ang lalaking kinakausap ng waiter. Nang magtama ang tingin namin ay napaiwas siya kaagad.

Nagpaalam siya sa waiter saka naglakad papuntang exit. Doon ay nakatitigan ko ang likuran ng katawan niya.

"Oh My God!" Nabitawan ko ang fries.

Bakit?

Bakit parang siya yung naka bunggo sa 'kin kanina?

Naglakad na siya palayo at nakalabas. "Siya kaya 'yon?" Bulong ko sa sarili.

He's wearing a black shirt. Na parang katulad ng kanina kong na kita. And... Matangkad siya. Ang kulay niya ay katamtaman lang. Shit!

"Siya na kaya 'yon?"napakunot ang noo ko saka ko nasabunutan ang kaunting hibla ng buhok ko.

"Ano ba 'yan Sundy! Kanina ka pa nag-iisip ng kung ano sa mga tao!" Hays kahihiyan na naman ba ito?

Napailing iling na lang ako bago ay ipinagpapatuloy ko ang pagkain.

***

"Ateee!!!"

Yumakap sa aking bewang ang kapatid ko.

"Ganyan mo na ba ako ka miss?"

"I want chocolate!"

Ay... Chocolate lang pala ang nais. Oh my G! I'm hurt! Joke...

"Oh sige mamaya. Papasok muna si ate? Kakauwi ko lang Estrella."

Nag beautiful eyes siya. "Ok ate!"

Sinabayan niya ako sa pagpasok sa loob ng bahay habang nakakapit siya sa kamay ko. It's obvious that she's longing on something. I know she want to bond with us.

"Sabay tayo kain ate." Paghila niya sa braso ko papasok sa kusina.

"Oh nandito ka na pala ija. Kumain na kayo. Kanina kapa hinihintay niyan ni Estrella." Bungad ni Aling Rolita na naghahain na sa mesa.

Napakamot ako sa ulo saka napatingin sa kapatid ko,"mukha nga po."

Umupo na ako at inayos ang kapatid ko sa upuan sa tabi ko. "Ako na po ang bahala rito. Tatawagin ko na lamang po kayo kapag na tapos na kami sa pagkain."

"Oh sige ija. Mag aayos muna ako ng mga damit ni Estrella."

Ngumiti ako sa matanda bago ay umalis na siya. Binalingan ko ang kapatid ko na hindi pa nagsisimulang kumain.

Ipinagsandok ko siya ng pagkain na tama lang sa kaniya at kaya niyang ubusin. Bawal ang mag sayang dito sa amin ng pagkain.

"Dapat kanina ka pa kumain Estella. Gabi na, you don't need to wait ate." Nagsimula na akong kumain.

"Sorry ate, I just want to eat with you." Mahina niyang pagkakasabi.

I continue eating may food and I signal her to eat too. I know na hindi ko siya masisi, tulad ko nalulungkot siyang mapag-isa.

It's been a long time since the last day we are complete. Madalas ay naiiwan talaga kaming magkapatid. But strongly feel her because she still a kid. Mahirap intindihin para sa kaniya 'yon.

Kung ako kaya ko, siya ay hindi.

Sinulyapan ko siya habang nainom ako ng tubig sa baso. Tamad siyang kumakain and she's obviously sad.

"I will give you chocolate if you finished your food," I said.

Natigilan siya pero hindi ko siya nakitaan ng saya. "I don't want chocolate ate."

Napakunot ang noo ko. "Why?"

"I want to spend time with you,mom and dad more than chocolates."

Napabuntong hininga ako. "Pasensya kana Estrella." Inayos ko ang magulo niyang buhok.
"Sa susunod magiging kumpleto rin tayong pamilya." I smiled bitterly.

***

Panibagong araw ang muling sumalubong sa akin. Sumikat na ang araw nang maglakad ako patungo sa sakayan. This is my normal days. Buti naman at hindi na ako na late ng gising.

Sumakay na ako sa terminal ng mga jeep. Pumasok na ako sa unang jeep. Sakto at isa na lang ang kulang ay makakaalis na kami.

I checked my phone while waiting. There's no messages from my workmates. Lalo na kay karisha. Siya lang naman ang ultimate reminder ko.

Paano ba naman kada late ko o kung ano man ang maling nagagawa ko. Siya ang laging nagpapaalala sa 'kin. Masyado kasi akong out of mind eh. Ewan ko ba kung bakit minsan na lutang talaga ang isipan ko.

Oh dito kuya sa kaliwa kasya ka pa. Nang makaalis na 'to

Usog usog lang po konti mga Ma'am, Sir.

"Excuse me.."

Napaangat ako ng tingin ng makarinig ng boses sa tabi ko. Napatingin ako sa lalaking kasalukuyang nakayuko. Nagtataka ang mukha niya na nakatingin sa akin. Sandali pa'y isenenyas niya na mauupo siya sa aking tabi.

"Ah pausog lang ng kaunti miss.."

"Oh sorry." Dali dali akong umusog at hindi ko namalayan na nasiksik ko na ang katabi ko.

"Aray naman ate. Wala ng iuusog dito."

Napangiwi ako at umusog ulit ng kaunti palapit sa lalaki. "Pasensya na po." Mababang tinig ko na paghingi ng paumanhin.

Ilanh segundo lang ay umalis na ang aming sinasakyan.Umayos ako ng upo at humawak sa handle. Hindi ko alam kung bakit bigla akong na lang akong nailang.

Shit kasi! Itong lalaking nasa tabi ko. Siya yung nakatitigan ko kahapon sa restaurant. Nakakashit sobra!

"Makikisuyo po ng bayad"

Napahigpit ang hawak ko sa handle nang marinig na naman ang boses niya.

Sinulyapan ko ang katabi ko sa kanan kung kukunin niya ang bayad. Nag taka ako kung bakit ayaw niyang abutin. At ayun pala naka earphones si ateng. Kainis naman!

"Paabot po nang bayad"

Pag-uulit niya, siguro ay nangangalay na ang kamay. Ano ba Sundy? Kukunin mo ba o hindi?

Bayad lang 'yan Sundy!ano ba!

Para akong siraulo na pinagtatalo ang isipan. Sobrang higpit na nang hawak ko sa handle at sa cellphone ko. Hindi ko alam kung bakit ayaw kong abutin ang bayad. Mas lalong ayaw kong masulyapan siya.

"Manong!bakit po ganito ang mga pasahero sa umaga?ang tamad mag abot, parang makikisuyo lang eh..."

Napangiwi ako sa narinig na pagrereklamo niya. I feel the eyes of the other passengers. Dali dali kong tinignan ang cellphone ko at nag kunwari na busy sa pag ce-cellphone. Mas lalo kong iniharap sa kabila ang mukha ko upang umiwas sa kaniya. Kakahihiyan na naman hays.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na may nag offer naman na iabot ang bayad niya. So no worries ako. Bahala siya diyan, kunwari na lang mataray ako.

"Iaabot lang eh nahihiya pa."

Narinig ko na naman ang boses niya. Hindi ko alam kung pinariringgan niya ako o sadyang malapit lang siya sa 'kin kaya parang gano'n aang kinakalabasan.

"Masyadong napaghahalataan eh..."

Shit naman! Hindi ba siya titigil. Ang ingay ingay ng bunganga eh. Sa inis ko ay kinuha ko na lang ang panyo ko at nagpunas ng mukha kahit na walang pawis. This is me when pretending doing something.

Lumipas ang ilanv minuto at malapit na ako. Nang matanaw na ang tamang babaan ay nagpara na ako. Hindi ko alam kung baba rin ba ang lalaking 'to kaya nag hintay ako nang ilang segundo.

Nang hindi siya tumayo ay dali dali na akong bumaba. Naglakad ako papunta sa looban papasok ng gusali namin.

"Sandali lang miss!"

Naghurumintado ang puso ko kasabay ng pagtigil ng pagkilos ko. Napangiwi akong muli dahil sa nararamdamang ito.










Oyasumi Nasai (Good night)Where stories live. Discover now