Chapter 7

11 3 4
                                    

"hello ate!"

Bungad sa akin ng kapatid ko pagkapasok ko sa kusina. Naroon sa tabi niya si Aling Rolita at inaalalayan siya sa pagkain.

"Good evening po."

"Magandang gabi rin ija. Ipaghahanda na kita ng pagkain,maupo ka muna rito."

Pinigilan ko ang matanda. "Ay hindi na po. Busog po ako. Kumain po kami ng mga ka workmates ko sa opisina."

"Ay ganoon ba. Itong si Estrella ay late na kung kumain."

"Hindi naman po eh." Pagtanggi ng kapatid ko na ngumunguya pa ng fried chicken.

"Kumain ka ng marami diyan Estrella."

"Yes ate."

Binalingan ko ng tingin si Aling Rolita. "Mauna na po muna ako sa kuwarto."

"Sige ija. Ako na ang bahala rito sa kapatid mo. Ihahatid ko na lang siya sa kuwarto niya."

"Salamat po. Sisilipin ko rin po siya bago po ako matulog."

Umakyat na ako sa itaas at nag tungo ng kuwarto ko. Mom and dad are not here, it's automatic that they are still at work.

I put my bag at the side of my bed, then I sit beside of it. I looked up to the ceiling of my room.

Ayos lang kaya ang kaibigan ko?

Hindi ko maiwasang magtaka at mag alala. He's my best friend in almost a year. Noon pa man ay nagtutulungan na kaming dalawa,kahit sa maliit na bagay man. Pero nang lumipas ang isang taon, wala akong balita sa kaniya.

I know that we didn't need a daily conversation. Pero hindi ko maiwasan mag alala sa mga nangyari sa kaniya past years. I should be there if he needed me! Aish. Pero hindi man lang niya ako nilapitan or hiningian ng tulong. Loko talaga 'yong si liro kahit kailan, kainis.

I sighed saka bumaba ang tingin ko sa aking kamay. "Isa pa 'to. Kanino ba kasi 'to galing?"

Nilaro ko ng aking daliri ang keychain na ,yon. The design are so beautiful.

Is this from some of my admirer?

Pero hindi naman ako maganda para i-admire 'no.

Or baka naman galing sa stalker?!

Nanlaki ang mata ko."Oh shit! It's so creepy. Hindi naman siguro?" Napailing iling ako saka ginulo ang mahaba kong buhok.

Tanungin ko kaya ulit si Estrella? Maybe she can describe the man that she's saying.

Nagtungo muna ako ng banyo para maglinis ng katawan. I change my clothes into short and t-shirt. After that I decided to go to Estrella's room, handing the keychain.

Pagkapasok ko ay ayun siya sa kama at naglalaro ng mga manika niya.

"Oh bakit hindi ka pa natutulog?"

"I can't sleep pa ate." Saglit lamang niya ako binalingan ng tingin at naglaro siya ulit.

Lumapit ako at naupo sa kama niya. "Estella?"

"Yes ate?" Binalingan niya ako ng tingin.

"May tanong ako sa'yo?"

"Ok ate!" Bumalik siya ulit sa paglalaro pero nahigip ng mata niya ang kamay ko.

"Oh wow! It's so beautiful ate. You should keep that." Pinasadahana ng kamay niya ajg keychain na 'yon.

"Can you describe baby. Kung sino ang nag bigay sa'yo nito?"

"Why you're so curious ate?"

Napaawang ang labi ko. Buwisit na bata 'to.

"Nagtataka lang si ate. Kung kakilala ko ba 'yon or not."

"Okay ate. He's a boy." Binalingan niya na naman ang mga laruan niya. Nag ingay pa siya na parang  nag uusap ang mga manika niya. Hay nako Estrella.

"And then?" I asked. Patience lang sundy, you need Patience if you want to know that guy.

"Hmm.." huminto siya ng sandali. "Matangkad siya ate. Nakatingala ako sa kan'ya no'ng kinausap n'ya 'ko."

Napasapo ako sa noo ko. Malamang na matangkad 'yon dahil maliit ang kapatid ko. Jusko malalaman ko ba talaga kung sino 'yon kapag tinanong ko 'tong kapatid ko?

"Mas matangkad ba sa'kin?"

"I don't know ate."

"Ano pa napansin mo sa kaniya?"

"Yung skin n'ya ate 'indi pang mayaman." Tinuon niyang muli ang paningin sa laruan.

My forehead creased, "anong hindi pang mayaman?"

Naghintay akonng ilang minuto bago siya sumagot. "Hindi siya maputi ate."

Nagulo ko ang buhok ko. "Hay nako Estrella. Sure ka ba sa mga sinasabi mo? Baka mamaya gawa gawa mo lang yan."

"I'm not a lier ate!"

Aba pinagtaasan pa 'ko ng boses ng batang 'to. Eh baka kasi mamaya ang dini- describe na niya sa 'kin ay iyong mga napapanood niyang character sa movie. Minsan may sapak din sa ulo 'tong kapatid ko eh.

Pero matangkad?tapos hindi maputi? So maitim ba siya or 'yong sakto lang? Mostly kasi sa mga lalaki na katamtaman lang ang kulay. Parang wala naman akong kilalang gano'n.

Ay shit! Hindi kaya si Liro? Pero..

"Malaki ba 'yong katawan Estrella?"

"What is malaki ang katawan ate?"

Napabuntong hininga ako. "I mean katawan, is it like daddy? Or 'yong katulad sa mga guard natin?gano'n ba siya?"

"Hmm..I don't know ate. Maybe yes or no."

Napahawak ako sa sintido ko. Hinilot ko 'yon ng sandali. Sumasakit ang ulo ko sa batang 'to. May makukuha ba 'kong sagot dito? Hays Estrella kung hindi lang talava ako curious eh.

Pero malamang ay malaki ang katawan ng taong 'yon sa paningin ni Estrella. Dahil maliit nga siyang bata. Bakit ba kasi nagtatanong pa 'ko sa kapatid ko na 'to?

"Pero ate alam mo. Pogi siya! Puwede mo 'yon maging boyfriend!" Napatili pa siya ng kaunti.

Nanlaki ang mata ko. Hayop na 'yan saan ba 'to na tututunan ng kapatid ko? Siguro nakikinood na naman 'to ng mga ka movie drama sa mga house maid namin. Ka bata-bata eh may nalalaman na about sa itsura ng lalaki. Jusko!

Pero posible kayang si liro 'yon? Matangkad, moreno,malaki katawan. Lahat ng sinabi ni Estrella tugma sa kaniya. Isa pa kilala na niya ako so alam niya  ang hilig ko. Pero siya l kaya talaga 'yon?

Nagkita namn kami kanina ah? So if it was him. What is his reason at sa kapatid ko pa inabot? Puwede naman direct na sa 'kin?

Hinarap kong muli ang kapatid ko. "Estrella natatandaan mo ba kung ano ang suot niya?no'ng kinausap ka niya?"

Tumigil sa paglalaro ang kapatid ko at humarap sa akin. "Hmm.." umakto siya na nag iisip.

"Naka pants siya ate!"

Napakunot ang noo ko. "And then?"

"Naka black siya na t-shirt."

Natigilan ako sandali. Naka black shirt? Meron ba kaming nakasalubong ni Estrella no'n?

Kumalabog ang puso ko ng may mapagtanto.

"OMG! Is it possible?..."

Oyasumi Nasai (Good night)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن