Chapter 6

5 2 1
                                    

"hoy sundy!"

Napahinto ako sa paglalakad. Lumingon ako sa pinanggalingan niyon. "Hoyyyy! Ikaw pala 'yan." Nang marating niya ang tabi ko ay inakbayan niya ako.

"OMG! Now na lang kita na kita kupal ka!" Ginulo ko ang buhok niya.

Saglit na nairita ang mukha niya. Bago ay ngumisi sa akin. "Nako Sundy. Na miss mo ka gwapuhan ko 'no?"

"Yack! Ew! Mandiri ka nga." Tumatawa siya ng inalis ang pagkaka-akbay sa akin.

"Kamusta?"I asked.

"Ito ayus lang. Nag apply ako diyan sa may tapat oh." Tinanaw ko ang sinasabi niya.

Isang fast food restaurant?

"Hoy ikaw ah. Huwag ka ganyan,"bigla niyang sabi sa akin.

"Huh?"kumunot ang noo ko.

"Huwag mo 'ko i-judge."

"Wala naman akong sinasabi ah?"

"Eh bakit ganiyan mata mo?"

Napaawang ang labi ko. "Loko ka!Siyempre na bigla lang ako."

Tumango siya sa akin,then he smiled weirdly. "Tara hatid na kita sa kanto niyo. Like old times. Yieeee alam ko na miss mo 'yon," he's teasing me.

"Baliw ka talaga. Kaya ko naman umuwi ng mag isa eh."

"Hindi na. Hahatid na kita. Alam kong commuters ka eh. Tagal ko ring hindi nakakasama best friend ko eh." Nang aasar na naman ang loko.

"Sige na nga. Ikaw bahala."

Sabay kaming naglakad ni Liro. He's my college best friend. Sa lumipas na isang taon ay ngayon na lang kami ulit nagkita.

"Doon ka parin ba nakatira sa Camella?" I asked. It's been a long time since I talk to him and walked with him.

"Oo ikaw ba? Sa Green Square parin?"

"Kita mo 'to oh. So hahatid mo ako ng hindi mo alam bahay ko?"

"Eh siyempre alam ko bahay mo. Naninigurado lang sundy. Ito naman masyado mainit ulo?" Napakamot siya sa ulo niya. "Pero doon parin nga ba kayo?"

"Yes. Forever na ata kami doon."

"Kita mo 'to. Nagrereklamo ka diyan eh tama naman pala ako ng paghahatiran sa'yo. Lakas ng tama mo sundy!"

"Mas malakas sapak mo liro!"after I say that we laughed.

Sumakay kami ng jeep papuntang Green Square. Tahimik lang kaming dalawa sa biyahe. Hindi ko alam kung maari ba akong magtanong or he wants me to tell him about what happened to me in the past years.

Nakababa na kami ng jeep na tahimik parin kaming dalawa. Pumasok kami sa loob ng Subdivision namin.

"So how are you this past years? Tagal din nating hindi nagkita liro."tumingin ako sa kaniya na nasa gilid ko.

Nag angat siya sa 'kin ng tingin. "Ito madaming nagbago?"

I give him a questionable look. I know alam niya na kung ano gusto kong iparating.

Huminga siya ng malalim. "Na luge Business nila mom eh. So ayun ito medyo naghihirap." Natawa siya sa kawalan.

"Buti na lang ay grumaduate na ako. Yung dalawa ko na lang na kapatid sa high school kailangan kong pag aralin."

"Gano'n ba? Sayang dapat nag tuloy ka na lang na ikaw mag handle ng negosyo niyo."

"That's what my plan, you know that sundy. Pero wala eh. Nag iba ang tandhana ko."

Oyasumi Nasai (Good night)Where stories live. Discover now