Chapter 29

9 0 0
                                    





Nandito ako ngayon sa school, actually pauwi na ako. Katatapos lang ng last subject ko at kalalabas ko lang ng room. Napahinto ako sa paglalakad nang may maramdaman akong nagvi-vibrate sa bag ko. I'm sure cellphone ko yun. May tumatawag.






Nang malabas ko yun ay nakita kong tumatawag si Ara. Agad ko naman yung sinagot.






[Hello! Tapos na klase mo 'no? Punta ka dito sa garden, Maly may sasabihin kami.]






Si Ley ang nagsalita pero number ni Ara ang gamit, malamang wala siyang load at nakitawag lang kay Ara.






"A—"






[See you! Babye!]







Saka ako binabaan ni Ley. Minsan talaga may pagka-Caster din ito si Ley. Nagtatanong pa, bigla kang papatayan!






"Jusme naman." sambit ko.







Agad naman akong pumunta sa garden para matapos na rin ito at makauwi na ako. Napailing naman ako habang naglalakad.






Nang makarating ako ay nandoon silang apat, si Ley, si Caster, si Ara at si August. Nag-uusap lang sila pero hindi ko pa marinig dahil medyo malayo pa ako. Nang makita ako ni Caster ay mukhang tumigil naman sila sa pag-uusap at sabay sabay na lumingon sa akin.






"Hello Maly!" sambit ni Caster at ngumiti.






"H-hi Maly." sambit naman ni Ley.






"Kanina ka pa diyan Maly?" tanong ni Ara.







"Kakarating mo lang?" tanong naman ni Gust.







Umiling ako saka sumagot. "Hello, hindi naman, kararating ko lang, mukhang may pinag-uusapan kayo ha, share naman."






Mukha naman silang nagulat pero sandali lang yun at naging maaliwalas din yung expression nila.






"Wala naman Maly. I mean wala lang yun." sagot ni Caster.






Tanging tango na lamang ang sinagot ko. Wala ako sa mood para magtanong ng magtanong sa kanila. Isang bugtong hininga ang kumawala sa akin.





Umupo naman ako sa tabi ni Ley. Isa isa ko silang tinignan.






"So, ano yung sasabihin niyo sa akin?"  tanong ko.






"May live band sa may plaza sa Sunday, baka gusto mong sumama sa amin." sambit ni Ley. "Sige na, masaya yun promise! Mage-enjoy ka doon."






"Kasama si Clyde?" diretsyong tanong ko.






Nagkatinginan naman silang apat at mukhang nagtuturuan kung sino ang sasagot. Muli isang bugtong hininga ang lumabas galing sa akin.






"Kung kasama si Clyde, hindi ako sasama. Mag-aaral na lang ako sa bahay o hindi kaya naman saka na lang kapag hindi siya kasama." diretsyo kong sabi sa kanila at ambang aalis na pero pinigilan nila ako.






"Maly..." hinawakan ako ni Ara sa kamay. "Sumama ka na please, just this time." dagdag niya pa.






"Kahit hindi mo siya pansinin." sambit ni Caster.






Unexpectedly YoursWhere stories live. Discover now