Chapter 6

11 1 0
                                    


"Alis na ako, Ma. Ingat ka dito Ma."

"Sige anak, Ingat pagpasok. I love you."

"I love you too, Ma."

I kissed Mama on her cheeks bago lumabas ng bahay habang nakangiti. Ang swerte ko talaga kila Mama dahil sobrang bait at maalagain nila ni Papa. Sweet ako sa kanila hanggang ngayon, ewan ko ba bakit yung iba nahihiya na maging sweet sa magulang nila, what I mean kung wala naman kayong misunderstanding bakit hindi ka magiging sweet? Natural lang naman na maging sweet sa magulang, syempre sila yung nag-alaga sayo simula bata ka at syempre sila yung nagpalaki sayo. Siguro yung iba hindi lang talaga showy, pero alam ko bawat anak ay mahal ang magulang nila kahit may away o problema, hindi lang nila madama dahil may unang naghahari sa puso nila.

Sumakay naman ako ng taxi papunta sa school. Mas gusto ko kasi na mag-taxi kaya hindi na nag-hire sila Mama ng driver, may sasakyan naman kami pero madalas din ay gamit yun ni Papa o kaya ni Mama.

Nakarating naman ako sa school at agad akong nagbayad sa driver saka nagpasalamat. Bumaba naman ako agad ng taxi at tinignan ang oras. 12:10pm pa lang, napaaga ako ngayon, 1pm pa kasi ang klase ko.

Sila Ara naman ay kanina pa ang schedule ng simula ng klase nila, kaya naman nandito na sila kanina pa.

Pumasok naman na ako at dumiretsyo sa garden. Umupo ako sa spot naming magkakaibigan.

Nilabas ko ang cellphone ko para malibang. Nang medyo nainip ako ay inikot ko ang tingin ko sa garden at konti lamang ang tao. Napatigil naman ako nang makita ko kung sino ang papasok ng garden, nagtama ang tingin namin at agad naman akong umiwas.

Binalik ko naman ang tingin ko sa cellphone ko at umiling.

Bigla naman may umupo sa gilid ko at tinignan ko yun, nakatingin siya ng matalim sa akin.

"Why are you looking at my boyfriend?" tanong niya.

Hindi ko siya sinagot at binalik ang tingin ko sa cellphone.

"Gusto mo ba na balikan ka niya? Magmamakaawa ka na naman ba? Poor you, hinding hindi niya gagawin yun." sabi ni Ember at biglang itinulak ang ulo ko gamit ang hintuturo niya.

Para naman nagpantig ang tenga ko at nadagdagan pa ng inis sa ginawa niya.

Tinignan ko siya at tumayo saka ipinatong ko ang kamay ko sa balikat ni Mark habang ang pointing finger ko sa kabilang kamay ay dahan dahan na hinaplos ang side ng mukha niya.

"Alam mo, Ember. Hinding hindi ko na 'to babalikan, dahil isa siyang manloloko." sabi ko at mas linawakan pa ang ngiti.

Bigla naman niya akong hinawi at napaurong ako ng kaunti.

"Get away from my boyfriend!" sabi ni Ember at mas tumalim ang tingin sa akin.

"Then get away from me." mapang-asar na sabi ko.

Naasar naman ata siya at bigla niya sana akong sasampalin at iiwas na sana ako nang biglang may sumalo ng kamay niya.

"Don't touch her, leave her alone." sabi ni Gust at kahit likod niya lang ang nakikita ko alam kong seryoso ang aura niya.

"Huwag ka mangialam dito, August." sabi naman ni Azha na kasama ni Ember. Actually lima sila ngayon. Si Ember, si Mark, si Azha, si Laviña, at Athena.

"Don't call me by my second name, hindi naman tayo close." sabi ni Gust at hindi ko alam kung matatawa ako o hindi.

"You!—" naputol si Azha nang bigla magsalita si Mark.


"Huwag ka nga pumatol sa babae, dude."

"Patol ba yun?" tanong niya.

"Ouch, let me go." biglang sabi ni Ember, lalapit na sana si Mark ngunit may humarang na kamay sa kanya.

"Huwag ka nang lumapit bibitawan niya yan." biglang dumating si Kuya Lucas at siya ang pumigil kay Mark.

"Lucas.." sabi ni Athena pero hindi siya tinapunan ng tingin ni Kuya Lucas.

Nakita ko namang binitawan ni Gust ang kamay ni Ember. Tumingin naman sa akin si Ember.

"Hindi mo kayang lumaban kaya may hero na dumating? Ano yan call for help?" sabi ni Ember.


"Sino ba yung sumugod na apat ang kasama?" biglang sabi ni Gust.

"You!" sabi ni Ember at sinugod si Gust ngunit hinawakan lang ni Gust ang kamay ni Ember at napasigaw siya.

"Ouch!" angal ni Ember.

"Mali yang ginagawa mo dude. Bitawan mo ang girlfriend ko." bigla namang inambaan ng suntok ni Mark si Gust pero isang kamay ang pumigil sa suntok niya, si Kuya Lucas.

"Huwag mo susuntukin ang kapatid ko, dahil yun ang mali. Huwag kayong gagawa ng gulo kung ayaw niyo masaktan." sabi ni Kuya Lucas.

Binitawan ni Kuya Lucas ang kamao ni Mark habang si Gust ay binitawan si Ember. Bigla naman akong hinatak ni Kuya Lucas papalapit sa kanya at inakbayan ako.

"Ikaw ang nangloko pero anlakas niyong mag-eskandalo. Tigilan niyo si Maly, kung ayaw mong makatikim ng kamao." banta ni Kuya Lucas kay Mark.

Naramdaman ko naman nang may biglang humawak sa kaliwang kamay ko. Si Gust. Tumingin siya sa akin na parang nag-aalala pero nginitian ko siya.

Napabalik naman ang tingin ko sa lima. Napakasama ng tingin nila sa akin.

"We are not done yet, Maly." sabi naman ni Ember.

"Gagantihan ka namin." sabi ni Laviña.

"Kapag lumapit kayo sa kanya, ako ang makakaharap niyo." sabi ni Gust.

"Huwag mo sila pinagbabantaan August." biglang sabi ni Mark.

"Pinapaalalahan ko lang sila." sabi ni Gust at ngumisi.

"Tara na girls." sabi ni Mark.

"I hate you." pahabol na sabi ni Ember pero isang ngiti lang ang ginanti ko sa kanya.

Nang makaalis sila ay inalalayan ako umupo ni Kuya Lucas.

"Okay ka lang Maly?" sabay na sabi ni Gust at Kuya Lucas.

Tumango naman ako at nginitian silang dalawa.

"Thank you sa inyong dalawa, Kuya Lucas, August." sabi ko at ngumiti naman silang dalawa.

"Wala yun, anytime." sabi ni Gust.

"I'm here always for you Jasmine." sabi ni Kuya Lucas.

Tumingin naman sa relo si Kuya Lucas at binalik ang tingin sa akin.

"Malapit na mag-1pm. Ihahatid na kita sa room mo." biglang sabi ni Kuya Lucas.

Tatanggi pa sana ako pero nag-insist siya na ihatid ako kaya wala akong nagawa, habang si Gust ay pumunta na sa room niya.

Unexpectedly YoursWhere stories live. Discover now