Chapter Thirty-two

Mulai dari awal
                                    

"Sure? Kompyansa naman ako na pirma 'yun ng asawa mo," ani Downy

Ngumisi nang nakaka-uyam si Dorsy kay Downy. "Make sure na pirma ni Vince iyon. Kung hindi madagdag-dagan ang kaso mo and imprisonment mo," ani Dorsy. "You've changed! Hindi na kita kilala, kapatid. Hindi ko man lang naisip na puwede ka palang masiraan ng bait dahil sa lintik na pagmamahal na 'yan. And I felt sorry for you," aniya.

"Huwag kang mag-aalala, ate. Kung sa katinuan lang, matino pa ako. At balang araw pagsisihin mo ang ginawa mo sa akin."

"Siguro nga, Downy. Pero at that time na pinagsisihan ko ang ginawa ko saiyo. Ikaw naman ay patuloy pa rin na nag-durusa sa sarili mong kasalanan. Seek for your true self, sister because you are lost." aniya.

"Miss, bakit hindi ka na lang humingi ng tawad," singit sa kanila ng poging kuyang police.

"Huwag kang sumabat dito!" Mataray na sita ni Downy sa police officer. "Bakit naman ako hihingi ng tawad? Wala naman akong kasalanan!" Pagtatangol niya sa sarili.

"Ay ganoon ba, Ma'am? Kapatid mo pala ang biktima dito. Tsk! Tsk!" ani poging kuyang police. "Nakuha na kasi namin 'yung cctv ng hotel. Mukhang malaking ibedinsiya ito laban sa ikinaso saiyo ni Sir Vince Aragon. Madidiin ka dito, madam," iiling-iling nitong sabi.

Nanlaki ang mga matang napatingin siya sa police officer. "Hindi totoo 'yan! Hindi!" Nagwawalang tanggi ni Downy.

"Sorry, Madam pero base sa napanood namin ay walang malay si Sir Aragon noong ipinasok sa hotel. Mukhang may ginawa ka sa kanya kaya sa pilitan mo siyang nadala sa loob ng hotel. So paano Madam sa ngayon ay sa kulungan ka muna titira," ani Kuyang poging police.

"No! Ayaw kong makulong! Ayaw ko!" Patuloy na pagtutol ni Downy.
Nilingon niya si Vince habang hinihila na siya ng mga police sa may selda. "Vince!" Malakas niyang sigaw. "Tulungan mo ako Vince! Tulungan mo ako!" Malakas ang sigaw na tawag niya sa bayaw. "Patawarin mo na ako, Vince! Patawarin mo ako kung minahal kita sa maling pag-kakataon! Vince..." lumuluhang sigaw niya.

Hanggang sa loob ng selda ay patuloy parin sa pag-sisigaw si Downy.
Tahimik naman ang mag-asawa na umuwi sa kanilang bahay.Hindi pa nila sinasabi sa Nanay Dolores nila ang nangyari sa kay Downy.Mabuti na lang at hindi naman ito nag-tatanong at nag-uusisa.Mas mainam na kailangan nilang pag-planuhan ang pag-amin sa kanilang ina upang hindi ito mabigla.Nang mapag-solo sila ni Vince ay pareho silang balisa.Parang biglang may naging gap sa kanilang pagitan.

"Will you forgive me?" tanong ni Vince kay Dorsy.Kalalabas lang nito sa banyo at naglalagay ng kung anong pampaganda sakanyang mukha.

"I-I don't know yet," kinakabahang sagot niya kay Vince.

"Do you still trust me?" tanong nito muli kay Dorsy.

"I'm not sure?" nakayukong sagot niya dito.

Nilapitan siya ni Vince.Iniharap siya nito sa kaniya.Lumuhod ang asawa sa harap niya.Kitang-kita sa mukha ni Vince ang matinding pagsisisi.
"Alam kong hindi mo ako mapapatawad sa ngayon. Alam kong malaki ang kasalanan ko saiyo. At alam ko rin na nasaktan ko ang damdamin mo. But, I swear, what happenned to me and to your sister is nothing," anito.Kasabay ng malakas nitong buntong-hininga.

"Vince..." ani Dorsy.She felt a little bit distress.Nagtatalo ang puso at isipan niya.Isama pa ang malungkot na hitsura ng asawa.

"Ssssh! Don't cry," awat ni Vince sa kaniya. "Magbabakasyon muna tayo. Aalis muna tayo. Let me prove to you my love," madamdamin nitong saad. "Alam kong matagal mo ng gustong mag-solo tayo. You want to go in Taiwan for vacation, sure? Kahit saan mo pa gusto. Sasama ako saiyo," ani Vince.

"How about the divorce paper?" biglang naitanong ni Dorsy.

"Do you really trust me?"

Nagkabit-balikat lang siya.

"Just answer me 'yes or no?" ani Vince.

Ngumisi siya dito.Saka tumango dito

"I didn't sign it! I swear to God," ani Vince. "I realized that I can't live without you."

Nginusuan niya ang asawa.Hindi naman ito nagustuhan ni Vince kaya binuhat siya nito at ipinangko sa kama. "Pay back!" Banta ni Vince sa kanya.

"What?" nakakunot-noong sabi niya.

"I miss you so much, honey. So pay me back for the nights that you aren't beside my bed." ani Vince.

"Nope!" kinikilig niyang sita sa asawa.Ngunit hindi nagpapigil si Vince at siniil siya ng mumunting halik.


Mali ang Ibigin KaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang