I must say, he looks sexy  while drinking.


"So... di ka pa uuwi?" Stupid! I mentally curse myself when those words came out from my mouth.

Mukhang di naman siya na-offend sa sinabi ko, he even look at his watch. "Still early for dinner." Bulong niya.


Dinner. I immediately stand up when I got some idea, napatingin naman siya sa akin, bahagya pa akong nahiya dahil mukhang nagulat siya sa ginawa kong biglaang pagtayo, pero idinaan ko nalang ito sa pagtikhim.

"Dito ka na maghapunan, magluluto ako."


He look surprised by my offer but he nodded afterwards.


I smiled before going to the kitchen. Mabilis kong inilabas ang mga putaheng kakailanganin ko, kumunot ang noo ko ng mapagtantong wala na akong asin. I checked the cellphones and the box pero walang asin. I groan and wash my hands.


Naabutan kong may kausap sa telepono si Nic ng lumabas ako sa kusina but he hurriedly end the call the moment he saw me coming, nasa may pinto kasi siya palabas.


"Where are you going?" Tanong niya pero halata sa boses niya ang pangamba.


"Sorry, wag kang mag-alala wala naman akong narinig."

He seems relieved by what I said, bumaba ang tingin niya sa suot Kong apron. "Where are you going?" Tanong niya ulit.


"Bibili muna ako ng asin dyan sa baba, wala akong nabiling asin eh."


"Asin? You mean Iodized Salt?"

Pwede namang Salt diba? Wala ng Iodized. "Oo."


"Hmm. Kailangan mo na agad-agad?"


Umiling ako. "Mamaya pa, naghihiwa pa kasi ako ng karne."

I can't help but blush, why do we sound like a couple? Na mag-asawa kami at ngayon ay nag-uusap kami kung anong putahe ang kakainin namin ngayong hapunan? Damn.


"Ako na bibili."

Gulat ko siyang tiningnan. "Ha? Wag na-"


"It's fine. Sa baba lang diba?" Tiningnan niya ulit ang suot kong apron. "And you said that you won't need the Iodized Salt right now, take your time on slicing the meat, I'll buy the Iodized Salt."


It makes sense so there's no reason for me to say no. Um-oo ako, kaya nung makalabas siya ay agad din akong bumalik sa kusina para ipagpatuloy ang paghihiwa sa karne. Pinilit ko ang sarili na wag mag-alala kay Nic, truth to be told, I am worried dahil baka anong mangyari sa kaniya lalo pat wala yatang tao ang hindi nakakakilala sa kaniya baka mamaya niyan may magbalak ng kung ano sa kaniya...


"Stupid, kezia! Stop acting like a worried wife!" Sermon ko sa sarili.

But then I tried to focus on what I'm doing, nasa kalagitnaan ng paglagay ng karne sa kaldero ng may kumatok, I adjusted the fire first before heading to the door. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang wala naman siyang galos, but he is panting..

"Bat ka hinihingal?" Bakas ang pag-aalala sa tono ko at wala na akong pakialam, lumapit ako sa kaniya at tiningnan ulit ang kabuuan niya. Wala naman siyang galos.


"I hurriedly went back to you, baka kasi kakailanganin mo na ito." Hinihingal niya paring sabi sabay lahad sa akin ng asin.


A smile crept into my lips when I read the Name tag written. Iodized Salt.


Ignored by Mr. Famous (ASHLEY 5)☑Where stories live. Discover now