Umirap ako. Manghihingi lang pala ng libre. Lahat talaga ng bagay ay may kapalit, lalong lalo na sa isang ito.

"Babayaran na lang kita. Bumili ka ng dinner mo."

Narinig ko ang marahas na pagbuga niya ng hininga, pagkasagot muli ay may bahid ng pagkainsulto ang kaniyang tono.

"Mukha bang kailangan ko ng pera? I'm going out now. Dadaanan kita--"

"No!" Napalakas ang pag-alma ko.

"Bukas na lang, okay? Aalis ako ngayon. I have a dinner with Lyon. Bye."

Hindi ko na hinintay na makasagot ito at ibinaba ko na agad ang tawag. Napapa-iling ako nang tumungo sa walk-in closet. Binuksan ko ang sariling drawer na naglalaman ng mga kwintas. Napahinto ako nang matagpuan roon ang dalawang piraso ng polaroid.

Nitong linggo ay nakatanggap nanaman ako ng panibagong litrato. Hindi gaya ng nauna, wala akong naalala sa pamamagitan noon. Ngunit nasisiguro kong kung sino man ang nagpapadala ng mga ito, nais niyang tulungan akong makakaalala.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin ang naalalang memorya noong isang linggo. Sigurado akong hindi iyon panaginip lang. Nakakatakot isipin kung gaano karami ang hindi ko naaalala ngunit sa ngayon, nais kong pagtuunan muna ng pansin ang kasalukuyan.

Napabuntong hininga ako. Dinampot ko ang nagustuhang kwintas bago muling isinarado ang kaha ng tukador. Hindi pa ako tapos mag-ayos nang tawagin ako ni Zeke dahil na sa sala na umano si Lyon.

On my way out the dresser, I hastily grabbed a Guiseppe Zanotti mules to pair with my floral bustier dress. I also distributed my bangs on my forehead to cover-up my scar which I didn't have time to conceal.

Hindi man ito opisyal na date ay parang ganoon na rin. Kinakabahan ako dahil kaming dalawa lang ni Lyon.

Iyon ang akala ko.

"Bakit nandito ka?" Humupa ang lahat ng kaba at excitement ko nang makita ang mayabang na pagmumukha ni Stav sa sala.

Tumikwas lamang ang gilid ng kaniyang labi at nagkibit balikat.

"He's joining us." Si Lyon.

Saglit na umahon ang kabog ng dibdib ko nang magtama ang paningin namin ni Lyon. Kung hindi lang dahil sa sinabi niya, para akong mahahalina sa kaniyang mga mata.

"Why?" Bulong ko pagkasampa sa passenger seat ng Bugatti nito. I didn't get to ask that earlier because I didn't want to do it in Stav's face.

"He said he heard from you that we're dining out. Then.. I figured it would be rude not to ask him. Saka isa pa, dahil rin naman sa tulong niya kaya makakapag-modelo ka para kay JM, hindi ba?"

Pagkatapos ng paliwanag ni Lyon ay sumampa na rin sa back seat si Stav. Umismid ako nang magtagpo ang mga mata namin sa rearview mirror.

"Do you hate my presence Zhalia?" Stav spread his arms across the back seat. Hindi ko ito pinansin.

Nagpapasalamat naman ako na tinulungan niya ako sa paglakad ng portfolio ko kay JM ngunit tama ba namang umeksena siya ngayon? Pilit ko mang ikubli ay hindi ko magawang patayin ang inis rito.

Buong biyahe ay tahimik ito sa likuran ngunit maya maya ay sumasabat sa usapan namin ni Lyon.

"Is this supposed to be your date?" Biglang tanong ni Stav sa oras na makarating kami sa napiling restaurant ni Lyon.

We occupied a table for four. Kaharap ko si Lyon habang na sa katabing kabisera si Stav.

"No." Ani Lyon.

(La Mémoire #1) NOSTALGIAWhere stories live. Discover now