Chapter 13: Possessive Alpha

519 22 1
                                    

Chapter 13: Possessive Alpha

BUKANG liwayway pa nang magising si Ken. Katunayan niyan ay hindi talaga siya nakatulog ng maayos. Bukod sa namamahay siya ay buong magdamag niya ring inisip si Kaiser at ang mga sinabi niya dito. Tinanggihan siya nito at hindi niya alam kung may maihaharap pa ba siyang mukha dito kapag nakaharap niya ito. Dapat pala ay hindi na siya umamin.

Habang nasa hardin ay nag-unat-unat muna siya ng kaniyang katawan at braso. Matagal tagal na rin mula ng muli siyang makapag-ehersisyo at ngayon lang siya sinipag.

"Pare balita ko'y maraming daw e'ng huli si Pareng Imon?" Rinig ni Ken sa dalawang lalaking nagkasalubong.

"Totoo pare! At ika'y magpatikar na sa aplaya nang makabahagi ng isda ay talagang matagal ng hindi nakakatikim ng tulingan e." Masayang sabi naman ng isang lalaki habang ipinapakita ang tulingang hawak niya.

"Siya at maiwan muna kita riyan baka maubusan ako ay talagang walang maiuulam mamaya." Pagkasabi noon ng lalaki ay kumaripas na ito ng takbo. Walang ano-ano ay sinundan ito ni Ken. Hindi dahil sa narinig niya sa dalawang lalaki kundi sa kaisipan na malapit din pala dito ang dagat. Matagal na ding panahon nung nakaapak siya sa buhanginan at nakahinga ng masarap na amoy ng dagat sa umaga.

Nang makarating sa tabing aplaya ay sumalubong na agad sa kaniya ang preskong hangin ng pang-umaga. Nahaplos pa niya ang magkabilang braso niya ng yumakap sa kaniya ang malamig na hangin.

Malawak ang ngiti niya habang lakad takbong pumunta sa buhanginin. Sapat na ang konting liwanag na galing sa papaalis na buwan at papasilip na haring araw upang makita niya ang kabuuang kagandahan ng beach. Hindi niya aakalain na may itinatagong ganda ang lugar na ito.

Hinubad niya ang suot niyang tsinelas upang damahin ang lamig at lambot ng kulay abong buhangin. Upo siya at naglaro na parang bata na daig pang ngayon lang nakakita ng buhangin sa tanang buhay niya. Naghukay pa siya at inilibing ang kaniyang dalawang mga paa.

Pinagmasdan niya ang alon ng kalmang dagat. Pumikit pa siya upang pakinggan ang tunog ng dahan dahan nitong paghampas sa mga buhangin. Nakakagaan sa pakiramdam. Nakakatanggal ng stress.

"Hi." Rinig niya mula sa boses ng isang lalaki. Nagmulat siya ng mata at mabilis na lumingon sa lalaki di kalayuan sa pwesto niya. Nakasuot ito ng jacket, nakashorts at rubber shoes. Sa tingin niya ay dayo rin ito base sa suot at hitsura nito. "Are you from here too?" Tanong ng estrangherong binata na sa tingin niya ay kasing edad din niya.

"No." Tipid niyang sagot. Hindi sa wala siyang gana makipag-usap. Hindi lang talaga siya sanay makipag-one-on-one talk sa mga estranghero.

"We are the same. I am not from here also." Lumapit ng konti ang lalaki sa kaniya at umupo. "I'm from Manila." Dagdag pa nito.

'Nagtatanong ba ako?' Sa isip-isip niya.

"Oh by the way I'm Raze." Iniabot niya ng estrangherong binata ang kamay. Ilang segundo pa niya itong tinitigan bago tinanggap. Wala namang masama makipagkilala di ba?

"Ken, I'm Ken." Ngumiti siya habang nakikipagkamay. Tumingin sa kaniya ng diretso si Raze. Nakakunot ang noo nito habang inaalisa ang hitsura niya. "Ah, yung kamay ko." Nahihiya niyang sabi sa kaharap.

"Sorry, sorry." Kamot ulong sabi ni Raze, "I thought you were the one I knew." Ngumiti ito sa kaniya sanhi para makita ang dalawang dimples nito.

"Saan ka tumutuloy dito?" Pag-iibang tanong ni Ken habang ibinabato sa dagat kung ano mang maabot ng kamay niya. Ganon din ang ginawa ni Raze.

"Sa bahay ng tita ko, kararating ko lang kahapon kaya di pa ako masyado familiar sa place e. Ikaw? Kanino ka tumutuloy dito?"

"Sa bahay ng lola ng kaibigan ko." Natahimik siya ng maalala si Kaiser. Huminga siya ng malalim at pinilit na tinanggal sa isip ang binata, "Kararating ko lang din dito kahapon kaya di pa din ako pamilyar sa place. Sa totoo lang hindi ko nga alam na malapit pala dito ang dagat kung di ko pa narinig sa dalawang lalaking nag-uusap kanina." Mahabang paliwanag ni Ken na sinabayan niya pa ng tawa.

"Cute." Napakunot ang noo ni Ken sa mahinang sabi ni Raze.

"Anong sabi mo?" Tanong niya. Hindi niya kasi narinig ang sinabi nito.

"Sabi ko madaldal ka pala?" He let out a small laugh before throwing the rock he was holding into the sea.

"Minsan." Umirap si Ken sanhi para muling tumawa si Raze.






PAGKAGISING ni Kaiser ay agad na hinanap ng mata niya si Ken. Halos yata buong bahay ay naikot na niya ngunit hindi niya ito nakita.

"La nakita n'yo ho ba si Ken?" Tanong niya sa kaniyang Lola Fely. Huminto ang matanda sa pagdidilig at hinarap ang apo.

"Hindi ko ga napansin otoy. Baka nanjaan laang yun. Di naman yun mawawala dito." Nakangiting sagot ng matanda.

"Sige po la. Hahanapin ko po muna s'ya." Hindi na niya hinintay ang sagot ng kaniyang lola at naglakad na para hanapin si Ken hanggang sa dalhin siya ng kaniyang mga paa sa aplaya.

Naikuyom ni Kaiser ang kaniyang mga kamao nang maabutan niya si Ken kausap ang isang estrangherong lalaki. Parang nag-init ang ulo niya lalo na nang makita si Ken na tumatawa.

Mabilis siyang lumapit sa pwesto ni Ken. Nagulat ang dalawa sa biglaang pagdating nito.

"Kai-." Hindi na natuloy ni Ken ang sasabihin dahil hinila na siya patayo ng binata.

"Hey, who are you? Saan mo dadalhin si Ken?" Kunot noong tanong ni Raze at hinawakan ang kabilang kamay ni Ken. Tiningnan siya ng masama ni Kaiser at walang ano-ano ay tinanggal ang kamay nitong nakahawak kay Ken.

"Alpha ano ba?! Bitiwan mo nga'ko!" Hinila ni Kaiser palayo si Ken. Hindi pinansin ng binata ang sinasabi ni Ken at ipinagpatuloy niya pa rin ang paghila dito. "Alpha pwede bang bitiwan mo na ako!? Nasasaktan ako." Huminto si Kaiser at hinarap si Ken. Binitawan na rin niya ang mga kamay nito. "Ano bang problema mo ha?" Inis na tanong ni Ken.

Napasabunot sa buhok si Kaiser, "Ikaw! Ikaw ang problema ko!" Sigaw ni Kaiser na ikinalaki ng mata ni Ken. This is the first time na narinig niyang sumigaw ang binata lalo pa't may halong hinanakit sa bawat salitang binibitawan nito.

"B-Bakit ako? Bakit kasalanan ko?" Tumulo ang luha ni Ken at tinitigan sa mata si Kaiser.

"Are you numb? I couldn't sleep all night because I was thinking about you. Inaasahan ko na sa pagmulat ng aking mga mata ikaw agad ang makikita. Alam mo bang kanina pa kita hinahanap? Pero nandito ka lang pala! Kausap mo pa yung lalaking di mo kilala." Kumunot ang noo ni Ken sa mga sinabing iyon ni Kaiser.

"Teka? Nagseselos ka ba?" Diretsong tanong ni Ken.

"Hindi pa ba halata?" Bumilis ang tibok ng puso ni Ken sa naging sagot ni Kaiser.

"Pero bakit? Akala ko--"

"Yes! I get jealous. I get possessive. Why? Because what's mine is mine and sometimes I think someone might steal you away forever."

Mabilis na hinila ni Kaiser si Ken at mariing hinalikan sa labi. Habang nakapikit ay sunod sunod namang tumulo ang mga luha ni Ken hindi dahil sa lungkot kundi sa kasiyahan.

He could not imagine. The person he loves also loves him.

Brat Boys BeyondWhere stories live. Discover now