May narinig akong pagbukas at sara ng pinto at kasunod neto ang iilang yapak palapit, but I am too amazed by this man standing in front of me to even look at my back.



"Why are you here, Mr. Florentino?" Matigas na sabi ng lalaking nasa tabi ko na ngayon.


My breathing immediately hitched just by hearing his voice. Wag ganito, kezia. Mahina akong tumikhim at pasimpleng umatras, I can feel him eyeing me but I didn't dare to tilt my head to look at him.


"I am here, because the old man wants me here, alam mo na si tanda, laging highblood kaya pinagbigyan ko na."  Kaswal na sabi ni Paxon sa kausap.


"Hmm. Ako pala ang pinunta mo." Madiing sabi ni Nic at hinarap ako. "Kanina ka pa?"

Palihim akong lumunok saka ko inangat ang ulo ko para salubungin ang matalim niyang tingin. "H-hindi naman... kararating ko lang."



I tried to smile, but he didn't buy my lies. Pero imbes na tanungin pa ako ay hinarap na niya si Paxon. "Wrong timing, Mr. Florentino, I have something else to do this whole afternoon."



Tumango si Paxon at tinapunan ako ng tingin. "Ok then, bukas nalang?"


Tumango si Nic at tinawag na ang kaniyang sekretarya para utusang ihatid na si Paxon paalis. Medyo bastos siya dun na part, dahil pwede naman niya itong yayaing mag-lunch o kape pero pinaalis na niya, diba?


"So your here to?" Baling niya sa akin.


Bigla kong naalala ang rason kung bat ako nandito, tumikhim ako saka inilahad sa kaniya ang folder na hawak ko. "Ang sabi ni Jeremiah, papirmahan ko daw tu sayo."


"Jeremiah?" Kunot noo niyang sabi.


Bahagya akong nabahala at nailang dahil pinagtitinginan na kami ng mga empleyado, at saka ko lang napansing nakatingin din sa amin si Em habang nakahalukipkip at nakahiling sa may elevator.


"Yes, he is my boss, you don't know him?"


"I know him. And he is your boss..." tumaas ang isang kilay niya. "But you call him Jeremiah, First name basis? Hmm, kezia?"



Shit. Nagpilit ako ng ngiti. "We're friends, Mr. Ashley, and if you won't mind, can you sign the papers now?"



He read some of the pages of the papers I gave him, he nodded afterwards. "It will take time, I need to study this before I sign, did you eat for lunch already?"



Saglit pa akong nagtaka. "Hindi pa."

It's true, balak kong kumain pagkatapos ko dito, sinabihan na ako ni Jeremiah na wala muna akong ibang gagawin ngayong araw kundi ito, ewan ko nga, e may flight na naka-schedule sa akin, in fact nasa eroplano na ako ng bigla niya akong pinatawag.


"Mhh. Natasha!"


I stilled when I heard him say that name, lumakas ang pintig ng puso ko at umusbong ang galit ko.


"Yes, sir?" Said the woman, ang babaeng pinagtanungan ko kanina, bumaba ang tingin ko sa suot niyang name Tag. Natasha...


"Cancel all of my appointments for this afternoon, and if anyone insist to meet me tell them to set another meeting, but don't forget to write down the names and contact numbers. Buy some lunch for Em, also."


"Got it, sir."


Nakatitig lang ako sa name ng tag ng babae habang nag-uusap sila. I clenched my jaw while trying so hard to calm myself. Gusto kong magwala at sigawan si Nic, pero alam kong hjndi dapat, dahil unang-una sa lahat, hindi niya alam na nagkaanak kami, wala siyang alam.


Ignored by Mr. Famous (ASHLEY 5)☑Where stories live. Discover now