Ilan lang 'yan sa mga bulungan na naririnig ko. Mga chismosa!

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Dianne na paikot-ikot habang nakaharap sa kaniyang cellphone. Mukha rin siyang problemado.

"Aish! Why aren't you answering my calls? C'mon, Jade! I'm fucking worried." She seems frustrated.

Wait, why is she worried about Jade? Are they close? Friends?

Nabunggo niya ako dahil naglakad siya nang hindi tumitingin sa dinadaanan niya. Sa cellphone pa rin nakatinin!

"Sorry!" gulat na sabi niya at tumingin sa akin.

Nang makita niyang ako ang nabangga niya ay nagmamadaling naglakad siya paalis pero mabilis ko naman siyang nahawakan sa braso. I just want to ask her something.

"W-why?" she asked. Hindi siya tumitingin sa akin.

She hates me that much?

"Why are you worried about her?" curious na tanong ko.

"W-were friends."

"That fast? Kakalipat niya lang dito, ah," kunot-noong tanong ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tumitingin sa akin.

"We're friends ever since elementary."

***

Emerald Jade

Napairap ako nang wala sa oras dahil kay Austin.

"Okay ka na ba talaga?" tanong na naman niya sa akin.

Tinatamad na tumango ako dahil ilang beses na siyang nagtanong! Nakakapagod nang tumango nang tumango sa kaniya.

Bigla ko namang naalala ang mga aso kong naiwan sa bahay. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko para alamin kung okay lang ba sila.

[Hello po? Sino po sila?] si manang ang sumagot ng telepono.

"Si Jade po ito. Kumusta po sina Pomy at Ghost?" tanong ko agad.

[Okay lang naman po sila, ma'am. Pasensya na po kasi pinasok namin 'yung kwarto niyo, kinuha po kasi namin ang mga alaga niyo para mapakain at mapaligo sila.] Rinig ko ang pag-aalala sa boses niya. Alam niya kasing ayaw kong may pumapasok sa kwarto ko nang hindi ko alam.

"No, that's okay. Thank you for taking care of my dogs. Don't worry, uuwi po ako mamaya."

[Sige po, ma'am.] Ibinaba na niya ang tawag.

"May mga aso ka?" nagulat ako nang may magtanong sa akin. Kumunot ang noo ko dahil hindi maalala ang pangalan niya.

"Yeah?"

Siya iyong lalaking kulay blue ang mga mata.

"Hindi mo na agad ako kilala?" kunwaring nasasaktan na sabi niya. "I'm Calyx Anderson, at your service, ma'am." Nakangiting sabi niya at kumindat pa!

Tumango-tango na lang ako dahil hindi alam ang sasabihin. Hindi ako sanay na kinakausap nila ako! It's just... it feels weird.

"Jade, can I ask you something?" si Kian naman.

Humarap ako sa kaniya. "What is it?"

Wala pang teacher kaya naman malaya pa kaming nakakapag-usap.

"Tungkol lang sa inyo ni Dianne."

Napatingin ang lahat sa amin. Bigla ring natahimik. Napatigil din sa ginagawa ang iba.

Kilala nilang lahat si Dianne?

"What about us?" mataray na tanong ko sa kaniya.

Hindi pa rin nawawala sa isip ang kinuwento ni Dianne.

"You two are friends?" curious na tanong niya.

Who told him that?

Nakita niya ang pagtataka sa mukha ko kaya muli siyang nagsalita. "Nasabi lang ni Dianne."

"Yes, we're friends. May mali ba roon?"

Umiling na lang siya at umiwas na ng tingin.

"I know what you did," sabi ko kaya gulat na tumingin siya sa akin.

"H-huh?"

He's stuttering, huh? Guilty 'yan?

"Volleyball players, please proceed to the gymnasium."

Lumabas na ako ng classroom nang marinig na ang intercom. Hindi ko na pinansin si Kian.

"I repeat, volleyball players, please proceed to the gymnasium."

Nakita ko sa may hagdan si Dianne. Ngumiti siya nang makita ako kaya ganoon din ang ginawa ko. Sabay na kaming naglakad dahil isa lang naman ang pupuntahan namin. 

Kakalabas lang ng classroom ni Mia at nang makita kami ay ngumiti siya kay Dianne bago tumabi rito. Hindi ko siya iniimikan kahit pa tumitingin siya sa akin.

Nakasalubong naman namin si Lei Anne. Sabay kaming umirap sa isa't isa. Tahimik na sumabay siya sa amin sa paglalakad. Nakatutok lang siya sa cellphone niya at hindi kami nililingon at mas mabuti na 'yon dahil katabi ko lang siya ngayon!

Kumunot ang noo ko nang makitang tumatabi ang mga estudyanteng nakakasalubong namin. Nakakarinig na rin ako ng bulungan tungkol sa amin!

"Scary..." bulong ng isa.

Ano raw?

"Bagay silang maging magkakaibigan. Pare-parehong masungit," bulong pa nung isa.

Naramdaman kong may kamay na humawak sa braso ko, pinipigilan akong sugurin ang mga bubuyog na babaeng 'yon! Tiningnan ko kung sino ang humawak sa akin at nakitang si Dianne 'yon kaya hindi ko na itinuloy ang balak ko.

Dumiretso na lang kami sa gymnasium nang hindi pinapansin ang mga nasa paligid namin. Mga volleyball players from different grade levels ang kasama namin ngayon.

Hinintay muna namin ang mga kulang bago magsalita si Sir Jayson. May ibang teachers din siyang kasama ngayon. Hindi ko kilala ang iba.

"So the head of our school already decided which team is going to represent our school in volleyball," sabi ni Sir Jayson.

Kumunot ang noo ko dahil doon. Maraming umangal dahil unfair nga naman 'yon.

"Ang napagdesisyunan nila ay ang team mula sa Grade 12."

What? Us?!

"Sir?" gulat na tanong ni Dianne.

"Don't you think it's... a bit unfair?" I asked.

"I'm sorry. They have already decided. We can't do anything to stop it," sabi naman nung isang teacher.

Lumbay na umalis ang iba. Pinaiwan naman kami ni Sir Jayson.

"Ang school na makakalaban niyo ay ang Olivar University."

What the fuck? Tama ba ang narinig ko? Sa dami ng pwedeng makalaban, bakit iyon pa?

The Only GirlWhere stories live. Discover now