C6

4 1 0
                                    

C6

Friday went smoothly and now it's saturday. One day have passed from when I've received the package coming from the unknown person named 'me'.

Matapos naming marinig ang sinabi ni felix ay saktong dumating sina kuya cha. Pumunta kami sa silong para salubungin sila. Malayo pa lang ay natatanaw ko na si mj na pakembot-kembot at tila may ipinapatong sa kanyang dibdib.

"Hi darleng!" wika nito habang nakapatong ang pula at itim na lingerie sa katawan nito.

Nang mapansin niyang walang tumatawa ay agad niyang ibinaba ang lingerie at pinagpagan ang uniform niya. I sat down in the nearest chair beside me then they all do the same.

"Yung 'me' ba ang nagpadala nito?" pinuno asked.

"Yeah, obviously." wika naman ni kuya cha na ipinakita kay pinuno ang card na kasama nung box.

"Baka nagkamali ng padala." singit naman ni mj. Nakatingin pa din siya duon sa lingerie

"Her name was written sa plastic. Imposible naman ata na mali." wika naman ni benj

"E hindi naman ganto kasexy si say--"

Hindi niya naipagpatuloy ang sasabihin ng takpan ni kuya cha ang bibig nito.

Halata sa mukha niya na ngayon pa lang nagsink in ang sinasabi niya kanina. Tinanggal na ni kuya cha ang kamay niya kay mj na nalagyan pa ata ng konting laway. Inamoy naman yon ni kuya cha at agad nagusot ang mukha nito. Dumeretso na siya sa bahay nila habang ang kamay ay nakalayo sa katawan.

"Anong sabi mo?" wika ko sa kanya, dahan-dahan akong naglalakad sa kanya at pa isa-isang pinalalagutok ang mga buto sa daliri.

"bakit dati hindi naman ganito ang buhay~" pakantang aniya. Hindi ko alam kung gawa-gawa niya lang yon o may kanta talagang ganon. Pansin kong dahan-dahan siyang umaalis habang sumasayaw.

"Sabi niya ate hindi daw kasya sayo yan...." wika ni bun na tutok sa kaka cellphone niya. Hindi niya napansin ang biglang paglingon ko. Umaakyat na ang inis ko.

"...kase ate obvious naman po diba? Wala ka namang po pwet saka alam mo yon po payatot ganon. Diba kuya felix? Pinuno?" pagtapos niya sa sinasabi. Ilang segundo ang lumipas bago pa niya napansing walang sumasang ayon sa kaniya. Tumingin siya sa akin at tila nagbago ang kaninang kampante niyang mukha.

"Do you meant what you've said? Oscar?" naiinis ko ng tanong. Pilit kong pinipigilan ang sarili dahil hindi naman tamang magalit ako sa mga ganoong bagay. Inis lang. Inis lang dapat.

"Hehe a-ate gusto mo bilhan kita ng ice-cream? o-or fries? HE--WAAAAAAHHHHHH!"

Agad ko siyang hinabol para bigyan ng malalang batok lalo na't mas nakakatanda ako sa kanya. Ang lakas ng loob manlait sakin porke di ko siya nababatukan dahil don dati.

Narinig kong nagtawanan naman yung
ilang naiwan sa silong kaya nilingon ko sila. Agad naman silang tumigil sa pagtawa at dali-daling pumasok sa kani-kanilang bahay.

Pagbalik ko noon sa silong ay wala na yung package, sabi sa akin ni kuya cha ay naka'y mj daw. Baka kinuha niya nung kumakanta siya.

Sabado ngayon, araw para sa tutor ko kay mc. Kahapon pa lang ay sinend ko na sa kanya yung address ng bahay namin , hindi ko nga lang sure kung hindi siya maliligaw. Kasalukuyan kaming naglalakad sa isang kainan sa loob ng subdivision namin. Araw nila pinuno ngayo e, pero nag-iwan na lang sila ng pera. Sabi nga ni bun...

"Kesa langawin yung pera sa lamesa e gastusin na natin para pang kain, masarap ang ulam don kina aling maria."

Mukhang madalas dito pumunta si bun a. Kilalang-kilala na kasi siya nung may ari. Kaklase pa nga ata niya yung anak nitong babae.

Wanna be your StarTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang