Chapter Eighteen

Magsimula sa umpisa
                                    

"M-magandang ideya 'yon, sa kuwarto na lang ni Arkia ako matutulog," sabi ko saka pilit na ngumiti sa kanila.

Natigilan ako nang tumingin nang masama sa 'kin si Mayor. Napakurap na lang ako habang nakatingin sa kaniya. Bakit parang galit pa siya?

"No, I won't fucking let you sleep in my room. Sleep beside Arkia, get to know your daughter more instead of me," malamig na sabi ni Mayor saka agad na tumayo.

Napasinghap na lang ako nang hawakan ni Mayor ang kamay ko saka hinila ako patayo. Nagpatianod na lang ako sa kaniya nang hilahin niya ako papunta sa silid namin.

"Mayor, baka isipin ni Vierra na ano, na may something sa 'ting dalawa," sabi ko na lang saka napakamot sa batok ko.

Hindi kumibo si Mayor at basta na lang humiga sa kama. Napakunot ang noo ko nang mapansing pinagpapawisan pa rin siya. Mukhang masama talaga ang pakiramdam niya kaya halos hindi na siya nakabangon para mag-shower. Pero nakapagtataka lang na nagawa niya pa akong yayain na makipag-sex sa kaniya.

"Mayor, hindi ka na ba maliligo o magpapalit man lang ng damit? Matutuyuan ka ng pawis," nag-aalalang sabi ko at umupo sa kama saka muling sinapo ang noo niya, pati na ang leeg niya.

Mukhang mataas ang lagnat niya, pero kung halikan niya ako kanina ay para nang mabubura ang labi ko. Hindi niya man lang ba naisip na baka mahawa ako sa kaniya?

"Mayor," tawag ko pa saka marahang niyugyog ang braso niya.

Hindi siya nagsalita at nanatiling nakapikit. Napabuntonghininga na lang ako at nagtungo sa banyo upang kumuha ng maliit na towel at binasa 'yon. Mukhang may kailangan akong alagaan ngayong gabi.

"Mayor, 'wag kang mag-isip ng kung ano, ha. May sakit ka kaya ko 'to ginagawa," mahinang sambit ko.

Napalunok ako at tuluyang inalis ang pagkakabutones ng polo niya. Nahirapan pa ako sa pag-aalis n'on dahil medyo mabigat si Mayor. Mukhang nakatulog na talaga siya.

Hinubad ko na rin ang trousers niya, pati ang sapatos at medyas niya. Tanging boxer na lang ang natitirang suot niya.

Panay ang lunok ko habang pikit-matang pinupunasan ang pawisan niyang katawan. Ang sexy ni Mayor kapag gising, pero ang sexy niya rin kapag ganito ang hitsura niya—tulog at walang kalaban-laban.

Napailing na lang ako sa mga naiisip ko at mahinang sinampal-sampal ang sarili ko. May sakit na nga 'yung tao, nagawa ko pang pag-isipan ng kung ano-ano.

Sinuotan ko ng long sleeves si Mayor dahil mukhang medyo nilalamig siya. Buti na lang at nakita kong may mga pajama rin siya sa drawer niya na hindi ko pa nakitang sinuot niya. Siguro mas sanay siya na sando at boxer ang sinusuot na pantulog.

Nilagyan ko ng basang towel ang noo niya para kahit papa'no ay bumaba ang temperatura niya. Mukhang kailangan ko siyang ipagluto ng lugaw at painumin ng gamot. Sa palagay ko ay hindi pa siya nakain ng hapunan.

Akmang tatayo na ako nang hawakan ni Mayor ang kamay ko at hinila ako pahiga sa tabi niya. Gulat na napasinghap ako saka napahawak sa dibdib niya. Ikinulong niya ako sa mga bisig niya at niyakap nang mahigpit. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko nang maramdaman ko ang init ng katawan niya. Nagugustuhan ko ang init ng katawan niya.

"Mayor, ipagluluto pa kita, e," sabi ko na lang saka tumingala upang tingnan siya.

"I want to fuck you," tila paos na usal niya saka ipinasok ang kamay sa damit ko.

Napabuntonghininga na lang ako. Akala ko naka-move on na siya ro'n dahil sa biglang pagsulpot ni Vierra, pero pakikipag-fuck pa rin yata sa 'kin ang nasa isip niya hanggang ngayon.

Call Me Mayor (SERIE FEROCI 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon