Chapter 3

184 5 0
                                    

LOVE IS ALL THAT MATTERS :Taming A Rebelious Wife

By Ladyshane Lanmmark's

Chapter 3

HABANG lumilipas ang mga araw mas lalong natatakot si Jhamid sa maaring mangyari kay Jashrey. Naaawa na siya sa kanyang kapatid. Halos nag-iba na ang itsura nito, bumagsak na ang dating magagandang katawan ng binata. Umimpis na rin ang mukha. Ilang araw na rin siyang nandito sa Manila. Kailangan niyang I supervise ang ama sa mga negosyo na hawak ni Jashrey dahil sa ilang mga bagay na di nito natapos. Nagpapasalamat siya at malaking tulong si Amina, ang secretary ni Jashrey para sa ama. Nakuha ng dalaga ang loob ng ama dahil sa husay at talino nito. Applied physics ang kursong tinapos ng dalaga. Gusto nitong maging isang tanyag na abogada, na unti-unti na nitong nakukuha. Habang nag-aaral pumasok siya bilang secretary ni Jashrey. Ayon dito nahihiya na raw ito kung pati pag po-proceed niya sa Law ang daddy pa nila ang susuporta.

Napabuntong hininga siya habang pinagmamasdan ang kapatid. "Kuya please lakasan mo loob mo, maraming masasaktan kapag nawala ka lalo na si Shanney." He's a real man,ayaw niya ng drama pero di parin niya maiwasang malungkot. "Just hold and fight," patuloy niyang kausap dito. He was so worried about his condtion, to the point na pati ang sarili niyang buhay napabayaan na rin niya. Ang asawa niyang si Amerah di na siya kinausap simula ng umuwi siya. Mag-iisang linggo na silang hindi nagkikita. Isang tapik sa kanyang balikat ang nagpalingon sa kanya.

"Hey," malungkot na lingon niya kay Elton. Tumayo siya at nakipagkamay dito. May kasama itong isa pang matangkad at maputing lalaki. Kilala na niya ito. Ang pilotong nagdala kay Jashrey at Elton sa kasal nila ni Amerah. "Hey man! Don't lose hope, everything's gonna be alright, He'll be fine." Pampalakas loob ni Elton sa kanya. Tango lamang ang kanyang nagagawa.

"How's his condition? Anong balita ng doctor?" Malungkot na tanong ni Brandon. "Naghihintay rin sila ng resulta, sabi ni Dr. Villegas, in three weeks baka magising na siya but its almost one month now, no signs of waking up." Malungkot na napailing-iling si Elton. Kahit ito sobrang nasasaktan sa sinapit ng matalik na kaibigan. "I'm sorry for that dude." Ani ni Brandon. "I'm okay pare, don't mind me I'm a man I still can handle the burden, how's Shanney?"

"Don't worry about her, pina rest ko muna siya baka mamayang gabi pa dating niya di ko rin mapigil iyon eh."

Sadness was written all over their faces.

MABILIS na natapos ang kanyang Passport. Peneke niya ang lahat ng kanyang documents, well wala naman imposible roon. May pera siyang ipon mula sa allowance niya at iyon ang ginamit niya para bayaran ang mga tao sa DFA na alam niyang gahaman sa pera. Mali man ang ginawa niyang proseso wala na siyang naging choice, she was underage, she's only 20 years old. And she needed to be get older para makakuha ng working passport. Nag- apply siya ng fake birt certificate ulit sa NSO and that would mean changing her true name. Lahat ng proseso ay nagawa na niya ng walang kahirap-hirap.

Handang-handa na ang lahat. Naka impake na rin ang mga gamit niya, bukas na ang biyahe nila ni Ershad papuntang Davao, from davao going to Manila. Aalis siya ng madaling araw para hindi makita ng mga magulang. Magdamag siyang umiyak. Magang-maga na ang mga mata. Isang linggo ng hindi umuuwi si Jhamid. Kaya aalis siyang di man lang sila nagkita. Natatakot man sa bagong buhay na pupuntahan kailangan niyang gawin ito para hanapin ang kanyang sarili. Ito na ang pagbubukas ng bagong yugto ng kanyang buhay.

MAINGAT siyang nakalabas ng bahay at tuloy-tuloy sa itim na kotseng nakaabang sa di kalayuan ng kanilang gate. Mabilis na bumukas ang driver nun at iniluwa ang matangkad na lalaking nakangiti sa kanya.

"Are you sure about this?"

I already made a decision and its final." Mariin niyang wika sa kaharap.

LOVE IS ALL THAT MATTERS:Taming A Rebelious WifeWhere stories live. Discover now