LOVE IS ALL MATTERS:Taming A Rebelious Wife CHAPTER 2

125 5 0
                                    

LOVE IS ALL THAT MATTERS: Taming A Rebelious Wife

By Ladyshane Lanmmark's

Chapter 2

MARAHAN nag-inat si Amerah. Pikit-mulat ang kanyang mga mata, napuyat siya kagabi dahil sa presensiya ni Jhamid sa loob ng kanyang silid. Napabalikwas siya ng mapagtantong nasa kama na siya ulit. Natatandaan niyang lumipat siya sa sofa kagabi. Namula ang kanyang mukha ng mapagtantong binuhat siya nitong muli pabalik sa kanyang kama na di man lang niya namamalayan. Nanlaki ang mga mata niya nang bumukas ang pintuan ng kanyang banyo. Tila nakakita siya ng alagad ni adan, lumabas mula roon ang lalaking napakakisig. Nakatapis lang ito ng towel at walang damit pantaas. Dahil sa kainosentihan napasigaw siyang bigla.

"Waaaaaahhhhh! Anong gagawin mo? Bakit ka nakahubad? Bastos manyakis rapist!" Sigaw niya rito na agad niyang tinakpan ng unan ang kanyang mga mata. Nakalimutan na niya ang sariling poise at parang batang ngumangawa.

Naalarma naman si Jhamid sa kakasigaw niya kaya agad na sinuot ang maluwang na Tee shirt niyang naabot ng kamay sa wardrobe. "Pwedi mo ng tanggalin 'yan may damit na ako, baka mamaya akalain ng daddy at mommy mo naglalaro tayo rito." Natutuwang saad ng binata. "Sa sunod sa guest room ka na tumuloy, ipapalipat ko nalang ang mga... "accept the fact na mag-asawa na tayo kaya sa ayaw at sa gusto mo dito ako matutulog, mag pasalamat ka nalang dahil hindi pa kita pweding dalhin sa bahay, masyado pa akong maraming inaasikaso kaya hindi rin kita maaalagan doon." Putol ni Jhamid sa mga sasabihin pa niya. Maaalagaan? Mukha ba siyang inutil? Ang nagsusumiksik nanaman sa kanyang utak.

Tama ito, pagbalik-baliktarin man ang lahat kasal na sila at hindi na niya pweding bawiin iyon. Hindi siya pweding magreklamo ng hiwalayan dahil hindi naman sila nag-aaway. Mahirap ang proseso ng hiwalayan sa muslim shariah law baka siya pa ang lumabas na masama. Isa pa wala siyang lakas ng loob na gawin ang bagay na iyon. Isa siyang mahinang babae, napaka fragile sa lahat ng bagay. Napapalibutan ng karangyaan ang buong buhay niya. Ni ayaw siyang padapuan ng langaw ng kanyang ina. Kaya lumaki siyang isang sunud-sunuran sa mga turo ng magulang. She never tasted the true essence of life outside her world. She was a princess to her parents. Being a governor's daughter she was guarded with men. Ni hindi niya nagawang makipaglaro sa mga ordinaryong kabataang tulad niya noon bagay na pinagsisihan niya. No hindi siya dapat habambuhay na maging ganito, at ngayon may asawa na siya ano ang susunod? I-aasa nanaman ba niya ang sarili sa lalaking ito? Siguro pinagtatawana na siya nito dahil isa siyang tanga! Bobo at mahina, hindi man lang niya nalaman na ibang lalaki ang ipinakasal sa kanya ng kanyang daddy. Kailangan niyang patunayan sa lahat na matapang siya na may ibubuga naman siya kahit papano. Dapat na siyang matutong tumayo sa kanyang sarili. Galit parin siya sa mga magulang. Hindi na siya makakatagal sa kanilang tahanan dahil sa araw-araw na ginawa ng diyos lalo niyang nararamdamn ang panliliit sa kanyang sarili.

"Gusto mo bang sumama sa Mansion? Kailangan kong umalis eh dahil sa Hacienda,pagkatapos dederitso na tayo ng Manila para dalawin si Kuya." Basag ni Jhamid sa pananahimik niya. Napakurap-kurap siya. Sa tuwing nababanggit nito ang tunggkol kay Jashrey lalo lang nagsusumidhi ang awa niya para sa sarili. Hindi niya matanggap ang nangyari sa buhay niya. Gustong-gusto niyang sigawan ang kaharap na asawa dahil sa panlilinlang nila sa kanya pero para ano pa? Kasal na sila at huli na ang lahat. Ang tanging magagawa na lang niya ay lumayo at buuin ang sarili.

"Masama ang pakiramdam ko, ikaw na lang." Baliwala niyang sagot dito. Di naman umimik ang lalaki. Pagkatapos nitong magbihis umalis din ito agad.

LUMIPAS ang mga araw sa kanilang dalawa. Madalang lang makauwi si Jhamid sa mansion ng mga Lidasan dahil sa sunod-sunod nitong problema. Ang nanay niya tila isinumpa na ang kanyang ama. Nasasaktan siya sa nakikitang alitan ng mga magulang dahil sa mga nangyari. Ang kakambal niyang si Jashrey hanggang ngayon nag-aagaw buhay parin sa Hospital. Napilitan ang kanyang ama na bumalik sa Manila para pangasiwaan muli ang Hashim Twin Tower at iba pang negosyong hawak ni Jashrey. Hindi na niya kayang gawin iyon dahil kailangan din niyang palitan sa ospital si Shanney. Naaawa na siya sa dalaga, halos di na ito makatulog at sa twing daratnan niya sa hospital parating luhaan ang mga mata. Unti-unti na rin siyang nawawalan ng pag-asa na gigising pa si Jashrey pero hindi sila dapat sumuko. Hindi nawawala si Jashrey sa limang beses niyang prayer, kung minsan sinasamahan pa nito ng tahajud para lang hilingin sa mahal na allah na pagalingin na niya ang kapatid. Ipinangako niya sa sariling kapag naayos na lahat ng problema ng pamilya niya, ibubuhos na niyang lahat ng atensiyon sa kanyang asawa. Alam niyang galit si Amerah sa mga nangyari pero hindi pa siya magkaroon ng pagkakataong magpaliwanag.

LOVE IS ALL THAT MATTERS:Taming A Rebelious WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon