LOVE IS ALL THAT MATTERS:Taming A Rebelious Wife CHAPTER 1

146 6 6
                                    

isLOVE IS ALL THAT MATTERS: Taming A Rebelious Wife

By Ladyshane Lanmmark's

Chapter 1

Three days after the wedding...

WALANG araw na hindi siya umiyak, ang sama-sama ng loob niya sa mga natuklasan. Nagkagulo sa mansiyon nang araw ng kanilang kasal. Nawalan siya ng ulirat, nagising na lamang siya sa kanyang sariling silid. Nakatunghay sa kanya ang inang lumuluha at ang mukha ng kanyang kaibigang si Samantha na makikita ang labis na pag -aalala sa itsura.

"Anak, kumusta na pakiramdam mo? Okay ka lang ba?" Lumuluhang tanong ng ina. Bumalik sa isipan niya ang mga nangyari. " di narin napigilan ang kanyang mga luha. "Mommy alam niyo ba ang lahat ng ito!?" May kinalaman ba kayo sa nangyaring kasalan na'to?" Mapait ang bawat bagsak ng mga tanong na kanyang binibitawan, sunod-sunod na iling naman ang ginawa ng kanyang ina. Biglang bumukas ang pintuan ng kanyang silid. "ako ang may kasalanan ng lahat anak, patawarin mo ako kung hindi ko sinabi sa inyong hindi si Jashrey ang... tama na daddy! Ayaw ko ng marinig, ayaw ko ng ipamaukha niyo pa sa akin kung gaano ako naging tanga,bobo, stupida, walang alam ano pa!? bakit daddy? Bakit nagawa niyo sa'kin to? Anak niyo ako pero ginawa niyo akong tanga! Ganyan ba kayo magmahal? Ganyan ba kahalaga sa inyo ang tungkulin niyo? Ang sakit dad!" Hesterikal na niyang iyak sa harapan ng mga magulang. Sa kauna-unahang pagkakataon sinagot niya ang sa ganoong boses. Iginagalang niya ang mga magulang kaya lahat ng sinasabi ng mga ito sinusunod niya. Pagbalik-baliktarin man ng mundo kasal na siya sa lalaking ni sa hinagap di niya lubos maisip na maging asawa. Isang nagdudumilat na katotohanan na ang lalaking itinatangi ay may mahal na palang iba at ngayon ay nag-aagaw buhay sa hospital dahil sa kagagawan ng kanyang pinsan. Pero patay na rin ito at agad ng nailibing. Nagluksa man ang kanilang pamilya subalit tuluyan ng tinuldukan ng pangyayaring iyon. Ang alitang nagdala sa kanya sa alanganing buhay. Ang sama-sama ng loob niya sa kanyang ama. Simula ng mangyari ang komprontasyon nila iniwasan niyang kausapin ang lahat. Ayaw niyang magsalita, ikinulong niya ang sarili sa bago niyang mundo. Kahit ang kaibigan niya o ang nanay niya wala na rin siyang kinausap sa mga ito. Tatlong araw ding hindi pa niya nakikita ang lalaking napakasalan niya. Mas lalong nag rerebelde ang kalooban niya sa tuwing naiisip ang bagay na iyon. Ngunit hindi niya inaasahan ang pagsulpot ng asawa sa kanilang tahanan isang gabi. Parang anino ni Jashrey ang nakita niya. Lumukso bigla ang kanyang puso ng matanaw niyang papasok ito sa kanilang sala. Ipinilig niya ang kanyang ulo, bakit siya nakakaramdam ng kaba sa tuwing nakikita ang lalaking ito? Nakatanaw lang siya sa itaas ng kanilang hagdan habang kausap kanyang mga magulang ang estrangherong asawa niya.

Tumingala ang lalaki sa itaas, nagtama ang kanilang mga mata, nakaramdam siya ng habag sa nakikita nitong itsura niya. Napaka haggard nitong tingnan, tila pasan na ang buong mundo sa bigat ng mga problema nito.nandoon ang urge na gusto niyang pawiin ang mga nararamdaman ng kanyang asawa pero mas nangingibabaw ang awa niya para sa sarili. Nangilid nanaman ang mga luha sa mga mata, agad siyang tumalikod at pumasok sa kanyang silid. Pasalampak siyang nahiga sa kama habang nagpupunas ng mga luha. Maya-maya pa naramdaman niyang bumukas ang pintuan. Hindi siya nag-abalang tingnan kung sino iyon, alam niyang bago matulog ang kanyang ina chini-check muna siya sa kanyang silid. Pero naulinigan niya ang ingay at ang bahagyang paglundo ng kanyang kama. Nagtataka niyang tiningnan ang ingay na iyon para lang magulat. Muntikan pa siyang mapasigaw kung hindi naalalang mag-asawa na pala sila ng lalaking ito. Isa siyang compose na babae, ayaw niyang gumagawa ng eskandalo, at may respeto sa kasunduan, 20 years old na siya kaya dapat lang na I project niya ang sarili sa kanyang edad.

Bumalik siya sa dating posisyon at pikit-matang inignora ang presensiya ng lalaki sa kanyang kwarto. Narinig niyang nagsalita ito.

"I'm sorry kung tatlong araw akong hindi nakauwi, his condition is not yet stable, I hope you understand." Puno ng alalahanin ang swabeng boses nito sa pandinig niya. Nandoon nanaman ang kabang matagal na niyang nararamdaman. Tila nakaramdam siya ng ginaw kahit napaka-kapal naman ng kanyang comforter. Pero nandoon nanaman ang sumbat ng kanyang isipan. 'Ang kapal naman ng lalaking ito, hindi man lang ba ito mag-eexplain paanong siya ang naging asawa ko?' Reklamo niya sa kanyang isipan. Pero may kunsensiya naman siyang tao, alam niyang mabigat ang pinagdadaanan ng asawa kaya ayaw na niyang makisali pa.

"Okay lang." Matipid niyang sagot dito na di man lang nag abalang lingunin. " may guess room bakit dito ka pumasok?" Pero di niya napigilang sambitin ang mga katagang iyon. "Kwarto mo'to diba?" Tanong ng binata. "Ovious ba?" Pambabara niya rito. "So di ako nagkamali ng pinasukang silid, asawa ko ang may ari nito that means dito talaga ang magiging silid ko." Kung lumingon lang siya nakita na sana niya ang pilyong ngiti ni Jhamid.

KAHIT napakalaki ng problema nito samahan pa niya ng sobrang pago dahil sa kakabiyahe sa himpapawid, di niya maiwang mapangiti sa inaakto ni Amerah. She w a s like a child, vulnerable and interesting.

di na siya sinagot ng dalaga, maya-maya pa narinig niya ang mumunting hilik nito. Napapailing na lang siya, tinanggal niya ang kumot na nakatabing sa katawan nito, naiinitan siya kaya baka nagpapawis narin ang dalaga dahil sa makapal na comforter nito. Minasdan niya ang natutulog na dalaga. She's so beautiful, she was like an angel while sleeping, she looks so fragile, he felt the urged to offer his self to take care of this woman. Parang ang sarap niyang alagaan at mahalin. Isang babaeng napaka interesesting ang personality. Nangunot ang noo niya ng mapadako ang paningin niya sa kanyang leeg. Isang palatandaan ang nakita niya mula roon, hinding-hindi niya makakalimutan ang nunal na iyon. Biglang nagkaroon ng galak ang kanyang puso. "My princess, my girl." Bulong niya sa sarili. Pagkatapos niyang ayusin ang mga gamit at nakaligo, maingat niyang tinabihan ang dalagang natutulog. Sumiksik sa makapal na kumot at maingat na niyakap ang asawa mula sa likuran. Marahan pa niya itong hinila palapit sa kanya. Seeng this lady make his stressfull loads gone. Its so refreshing to have a woman beside him while sleeping. Kakaiba sa pakiramdam niya bagong damdamin na iyon na biglang umusbong sa kanyang puso. Payapa siyang nakatulog kayakap ang kanyang asawa. [Ayeeeee!! :D adikk lang :D]

NAGISING si Amerah sa mabigat na bagay ng nakadagan sa kanyang mga hita. Isa sa mga pinaka-ayaw niya sa sarili ay madali siyang makatulog. Kapag nakakaamoy nang kama ang kanyang katawan dead to the world na ang drama niya. Idagdag pang tulog mantika siya kaya napakahirap niyang magising. Kapag nagkasunog siguradong manganganib ang beauty niya pag nagkataon. Pero sa lahat ng ayaw niya iyong may katabi siyang natutulog. Hindi siya makahinga kapag may katabi. Nanlaki ang mga mata niya ng maalalang nasa kwarto na pala niya ang asawa. At ang nakakagimbal nagising siyang may asawa na palang tao. Natatakot siya sa kaalamang iyon dahil sa mga dahilang di niya malaman. Bahagya siyang gumalaw at tiningnan ang bagay na nakadagan sa kanya. Laking-gulat niya ng makita ang mahahabang hita ng lalaking kanina lang ay sinusungitan niya at ang matitigas nitong braso ay nakapalibot sa kanyang baiwang. Tila nangangamba itong mawala siya sa ayos ng pagkakayakap nito sa kanya. Ramdam rin niya ang matitigas at malapad nitong dibdib na nakadantay sa kanyang likuran at ang mainit nitong hininga na dumadampi sa kanyang buhok. Biglang tinambol ang kanyang puso. 'Huwaaaaaaaaahhhh!' Gusto sana niyang magsisigaw pero ayaw bumuka ng kanyang bibig. 'Anong gagawin ko? Ya allah ano ba tong napasukan ko!' Nalilitong reklamo ng isipan niya. Nilingon niya ang lalaki. Himbing na himbing itong natutulog. Bahagya niyang napag-aralan ang kabuuang mukha ng kanyang asawa. Di niya mapigilang kastiguhin ang sarili dahil nararamdaman niyang para siyang natutunaw sa simpleng mga titig sa gwapo at seriyoso nitong mukha. Para itong sampung araw na hindi nakatulog kaya ganun na lamang ang sarap ng tulog nito. Unti-unti niyang binaklas ang brasong nakapulupot sa kanya. Nang sa wakas magtagumpay na siya ang mga hita nalamang nito ang problema niya. Umisod siya palayo, bahagyang lumuwang ang pagkakadagan nito sa kanya. Sa wakas nakawala na siya sa mga yakap nito pero nasa pinakadulo na siya ng kama. "Pipikit na sana siyang muli nang... "where do you think you're going?" nagulat siya sa boses nito at napaigtad.

"Ayyy! Kabayo!" Nahulog siya sa kama. Ang sakit ng likuran niya. Akala niya nagising ang lalaki. Pero wala paring gumagalaw sa taas ng kanyang kama. Inis na inis siya ng makita itong nag snore nanaman. Ang hudas niyang asawa ay nananaginip lang pala. Kinuha niya ang isang throw pillow at binato sa mukha nito.

"Walanghiyaaaa!" Istorbo!" Manyakis!" Di na niya napigilang mura sa lalaki. Di naman natinag ito kahit may kalakasan ang pagkakabato niya sa unan. Talagang pagod na pagod siguro ito kaya napakalalim ng tulog. Inis na inis siyang nagdadabog na tumayo at walang nagawa kundi sa sofa nalang matulog. Malambot naman ang kanyang mahabang sofa kaya kahit papano komportable siyang nagkasya doon. Nakatulog siya ulit na baon ang inis sa lalaking nang-agaw ng kama niya.

LOVE IS ALL THAT MATTERS:Taming A Rebelious WifeWhere stories live. Discover now