⚔9

30 9 0
                                    

"Ang pagpasok sa relasyon ay hindi laro. Damdamin ang naka taya dyan. Hindi masusukat ang pagkalalaki o pagkababae mo sa dami ng relasyong napasukan mo. Hindi mo masusukat ang ka-gwapuhan o ang kagandahan mo dahil lang sa relasyong dumaan sa buhay mo. Wag kang magbilang ng taong lolokohin. Wag mong bilangin ang taong nananakit sa iyo. Wag pumasok sa relasyon kung makikipag hiwalay din. Masarap umibig, alagaan niyo yan. Mapag-uusapan at masosolusyonan ang lahat ng problema. Hindi yan darating sa inyo kung hindi niyo kayang ayusin.

Kung nakaka-relate ka kahugot, mag-isip isip ka na. Will you accept your weakness and let go or will you be brave enough and hold on? It's your choice.

May requested song ang isang kahugot natin, kelangan kong iplay kasi pag hindi ay aawayin na naman nya ako haha!

Pangit! Panindigan mong pagka Alipin mo ha! See you later!"

♪ ♪ Alipin
♪ ♪
'Di ko man maamin
Ikaw ay mahalaga sa akin
'Di ko man maisip
Sa pagtulog ikaw ang panaginip

Malabo man ang aking pag-iisip
Sana'y pakinggan mo
Ang sigaw nitong damdamin

Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sa 'yong yakap ako'y nasasabik

Ayoko sa iba
Sa 'yo ako ay hindi magsasawa
Ano man ang 'yong sabihin
Umasa ka ito ay diringgin

Madalas man na parang
Aso at pusa giliw
Sa piling mo ako ay masaya

Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sa 'yong yakap ako'y nasasabik

Pilit mang abutin ang mga tala
Basta sa akin wag kang mawawala...

Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sa 'yong yakap ako'y nasasabik

Pagkat ikaw lang ang nais makatabi
Malamig man o mainit ang gabi
Nais ko sanang iparating
Na ikaw lamang ang s'yang aking iibigin..♪ ♪♪ ♪

Nangangarap habang malayo ang tingin ni Aeris, la syang pakialam kahit nagkakagulo ng mga kaibigan nya sa pag aasikaso kay Prick na muntik ng malunod, buti may sumagip ditong babae kung hindi baka paglalamayan na nilang kaibigan.

"Hoy Aeris, tumulong ka naman! tangnang to, wala ng ginawa kundi ang tumunganga at makinig sa radyo e."

"Kahapon pa yan ganyan, di makausap ng maayos parang baliw, nakangiti tapos tatawa ng malakas, ang taas ng amatz e!."

Naririnig naman nyang reklamo nila Zylven at Mark pero nagbibingi bingihan lang sya. Masyado syang masaya't maligaya para pansinin pang mga bubuyog na nagbubulungan di kalayuan sa kanya. Pagkatapos nyang marinig ang ni request na kanta kay Xue tumayo na syat namulsa saka naglakad palabas ng cottage.. Babalik na syang Manila gusto na nyang makita si sungit, pagkaalala nya sa dalaga napangiti sya't napailing iling ang hindi nya alam na pinagmamasdan pala sya ng dalawang kaibigan na tapos ng asikasuhin si Prick.

"Sabi ko naman sayo Bro, e! Kelangan ng dalhin sa psychiatrist yang baliw na yan!"

"Lentek! Anuna bang nangyayari sa mga kaibigan natin Mark? Si Prick, nagtangkang magpakalunod tapos ito namang ungas na'to nabaliw.. Hays! Sino pa kayang susunod sa dalawang 'to, tingin mo?"

Seryoso ang mukhang hinarap nya ang dalawang chismoso na kunyari nagbubulungan pero naririnig din naman nya.

" Baka ikaw ng susunod sakin Zylven, di kaya ikaw Mark! kaya hinay hinay lang sa mga binibitawan nyung salita samin! Nagmamahal lang kami ni Prick kaya wag nyo kaming husgahan! Sige, mauna nako sa inyo bahala na kayo dito."

Dj. Hugot🗡Assassin Series6✔💯Where stories live. Discover now