⚔8

31 9 0
                                    

Akala mo wala lang sya para sayo,  akala mo wala lang sya dahil kaibigan lang ang turing mo sa kanya. Sa lahat ng mga ginagawa nya ay akala mo wala lang ito para sayo. Sa lahat ng mga sinasabi nya sayo ay akala mo wala lang itong epekto. Hindi mo sya masyadong iniintindi dahil para sayo isa lamang syang isang simpleng kaibigan.

Patuloy lang ang pagbabalewala mo sa kanya dahil para sayo wala syang malaking halaga. Hindi mo nakikita ang tunay na pagkatao nya dahil sa ang nasa isip mo ay wala syang puwang sa buhay mo pati na rin sa puso mo. Ang bawat ginagawa at sinasabi nya sayo ay hindi ganun kalalim dahil alam mong kaibigan lamang ang tingin mo sa kanya. Bakit hindi mo subukang pansinin at kilatising mabuti ang mga sinasabi at ginagawa nya? Baka dito mo malaman na hindi lang kaibigan ang turing nya sayo batay sa mga sinasabi at kinikilos nya kapag nandyan ka malapit sa kanya. Ang hindi mo alam ito na pala ang mga pangitain na nagsasabing may lihim na pagtingin sya sayo na hindi mo lang pinapansin dahil akala kaibigan lang sya para sayo. Akala mo wala lang sya. Akala mo lang siguro yon. Akala mo lang.

Napabuntunghininga na lang si Xue ng mapagtantong lahat,, malinaw at naiintindihan na nyang sitwasyon. Naiintindihan nya na rin ngayon ang lahat ng sinabi ni Aeris sa kanya. Napag isip isip nya na rin ang sitwasyon nya, na dapat mag move on na sya sa ex nyang walang kwenta. Bakit nga ba sya nagpapakasira sa lalaking yun na wala namang ginawa kundi pahirapan at saktan lang sya. Siguro panahon na rin para baguhin nyang sarili nya at mag move forward na rin sa kinabukasan nya. Habang hindi pa huli ang lahat sa kanya, habang may isang Aeris pang nagmamahal sa kanya.

Ang pangit na yun talaga! Hindi lang pala manhid napaka torpe pa! Kung nagtapat lang siguro ito nun pa marahil dina sya nakaranas ng sobrang sakit at pighati sa buhay. Nasayang lang ang mga taon na lumipas dahil sa pagkakahiwalay at pagkakalayo nilang dalawa. Pero pinagpapasalamat nya pa rin na bumalik na ito. Na binalikan sya nito..

Nag on air na sya pagkatapos magnilay nilay. Magaan ng pakiramdam nya pagkatapos tanggapin ang lahat ng pangyayari sa buhay nya.

"Elowww.. mga kahugot, musta naman ang weekend natin dyan ayos lang ba? Masaya bang experience natin ha?...  So.. Mga kahugot ko dyan na nakikinig at sinasamahan ako ngayon, Yan ay kung meron nga haha.. 
May hugot ako para sa mga Bitter...

Mahal ko kasi siya eh.” Diba yan yung pinakasikat na linya? Gagawin mo ang lahat para lang sa isang tao, hindi ka nga sigurado na papakasalan ka niya o habang buhay talaga kayong dalawa pero gagawin mo talaga para sa kanya kasi, ano nga ba? Kasi “Mahal ko kasi siya eh.”

Diyan tayo magsisimula, tuloy tuloy hanggang bigla na lang siguro tayong matatamaan ng bulalakaw at mapapaisip tayo na “Shemay, Ang shunga ko kasi eh.” Tapos paulit ulit nating sasabihin yun sa sarili hanggang marerealize na lang natin na instead na kainin natin ang ampalaya, inuugali na rin pala natin.

Tapos anong susunod? “Walang forever.” Isa pa yan. Isa pa yang linyang yan. May makikita lang na nagmamahalan ay mapapasigaw na lang ng ganyan pero ano ba naman magagawa natin? Eh ganyang ganyan din kayo dati eh. Magkatabi o magkayakap tapos may isang bitter sa tabi na sisigaw ng linyang yun pero syempre kayong dalawa, hindi niyo iisipin kasi nga, “May forever kayo.” Grabe, saan kaya nabibili ang forever na yan? Buti pa kayo meron pero lahat nga naman ng nasa mundo ay wala ngang forever, there’s only life time. Hanggang pagkamatay mo o pagkamatay niya.

Paulit ulit ang prosesong yun pero tandaan nating lahat, wag tayong magpaka bitter. Mahirap magalit sa mundo lalong lalo sa pag ibig. Mahirap hindi din maniwala sa pag ibig kasi may dadating talagang tao para sayo na babaliktad din diyan sa paniniwala mo na walang forever.

Ayos lang magpakabitter ng medyo pero huwag gawing pang matagalan. Always lessen your bitterness everyday, huwag mong hayaan ang sarili maging bitter kasi tandaan: kapag bitter ka ay kinukulong mo ang sarili mo sa kashungahan mo, sa kalokohan niya at sa past mo. Past is past nga naman.

Dj. Hugot🗡Assassin Series6✔💯Where stories live. Discover now