CHAPTER 16 (Memories Of You)

Start from the beginning
                                    

"Tara don" saad ng batang babae at tumakbo sa mabatong parte kaya nadapa ito

"Aish ang lampa mo naman" saad ng batang lalaki at tumakbo papunta sa kinaroroonan ng batang babae.

"Ayan nagkasugat ka tuloy, halika sumampa ka sa likod ko pumunta tayo dun sa may puno para malagyan natin ng tela ang sugat mo" saad ng batang lalaki

"Mabigat ako, ok lang ba? " sagot nito

"ok lang yan, dali na sumakay kana" saad nito sa batang babae

Pagdating nila sa may puno ay ibinaba nito ang batang babae at pinunit ang laylayan ng damit niya

" Ayan ok na" saad ng batang lalaki.

"Yung damit mo" saad ng batang babae

"Wala yan. Wag mo ng alalahanin , ang mahalaga ok kana" sagot ng batang lalaki dito.

"Salamat" nakangiting saad ng batang babae.

" Baka tumagal kami ng ilang araw dito, nag away kasi sina lolo at papa" saad ng batang lalaki.

"Parehas lang pala tayo, si papa at lolo rin nag aaway. Kinuha ako ni lolo kasi gusto niya ako makasama pero sabi ni papa ito na ang huli na magkakasama kami ni lolo. Yung mga bata dito ayaw nila ako kalaro" nakayukong saad ng batang babae.

" Wag ka ng malungkot hanggat nandito ako, ako muna ang kaibigan mo " nakangiting saad nito.

" Salamat, nga pala ano pangalan mo? " tanong ng batang babae.

" Ang tawag sakin ng mga pinsan ko ay chen kaya chen nalang itawag mo sakin" saad ng batang lalaki.

" Xyra itawag mo sakin para alam kong ikaw yan chenchen" nakangiting saad ng batang babae

"Sige xyra, akin na ang mga seashells bubutasan ko mamaya para magawa ko na ang ibibigay ko sayo" saad nito

Masayang ibinigay ng batang babae ang mga seashells at buong hapon naghabulan hanggang sa sila ay mapagod

________________________________________

" Chenchen , punta tayo dun sa may puno akyat tayo" nakangiting saad ng batang babae.

"Hindi pwede baka masugatan ka" simpleng saad ng batang lalaki.

" Gusto kong matikman ang bunga ng bayabas chenchen " naiiyak na saad ng batang babae.

" Sige ako na ang aakyat dito kana lang ok? Wag kang susunod kung ayaw mong magalit ako sayo" saad ng batang lalaki.

"Opo! " masayang saad ng batang babae.

Habang umakyat ang batang lalaki ay pilit nitong inaabot ang bunga ng bayabas napakapit ito sa maliit na sanga na siyang naging dahilan ng pagkahulog nito.

"Chenchen!! " sigaw ng batang babae at dali daling sumaklolo sa kaibigan.

" Sorry ako ang may kasalanan. Sana hindi na ako nagpumilit na kumuha ng bunga" humihikbing saad nito.

"Napakaiyakin mo talaga" natatawang saad ng batang lalaki habang pinupunasan ang luha ng kaibigan.

" M-may sugat ka" natatarantang saad ng batang babae ng makita nito ang sugat sa bandang tuhod ng kaibigan.

"Maliit na galos lang iyan ano kaba, eto o may nakuha ako. Ang galing ko diba? " natatawang tugon ng batang lalaki.

" Wag ka ng umiyak xy, diba sabi ko dapat matapang ka? Napaka iyakin mo talaga" natatawang saad nito at pinunasan ulit ang luha ng kaibigan.

___________________________

"Oh bakit ka umiiyak? May umaway ba sayo? " tanong ng batang lalaki.

"Sina lolo at papa naririnig ko silang nag aaway sa telepono" humihikbing saad ng batang babae.

My Naughty Girl Where stories live. Discover now