Actually bago pa nga siya makalabas ay sinabi niya na yun sa akin. Nung unang sinabi niya yun sa akin ay parang gumuho ang mundo ko. Umuwi ako na umiiyak. Hindi ko nga alam kung paano pa ako nakauwi dahil wala ako sa sarili ko nun.






Ngunit ngayon tinake ko yun as a challenge. Kung dati, He will make me fall, ngayon naman ay vice versa, I will make him fall, kaso sobrang hirap pala. Lalo pa't pinu-push away niya ako sa kanya.





Napailing naman ako sa iniisip ko. Hindi dapat ako mag-isip ng ganyan.





"Dapat positive lang, Maly." bulong ko sa sarili ko.






Muli ay napabugtong hininga ako. Nagsimula naman ako mag-asikaso para pumunta kila Clyde.





To: Caster Guzman

Hi Caster! Pupunta ako diyan ngayon. Please huwag mo sabihin sa Kuya mo.






Pagkasend ko ng message ay nagpatuloy na ako sa pag-aasikaso at naligo na.




-----





Nagbayad ako sa taxi at bumaba na saka tinawagan si Caster. Agad naman siyang sumagot.




[Nasa labas ka na?]





"Oo."





[Sige, palabas na ako]






Pagkasabi niya nun ay namatay na ang tawag. Nakita ko naman siyang lumabas sa main door. Binuksan niya naman ang gate.





"Tuloy ka." sambit niya at pumasok naman ako.





Nang masara niya ang gate ay sabay kaming pumasok sa loob. Hindi talaga ako gumamit ng doorbell at alam naman nila yun, para yun hindi malaman ni Clyde na may ibang tao na dumating— na dumating ako. Baka kasi umiwas siya. May time kasi na nagdoorbell ako at siya ang nagbukas. Pagkapasok namin ay agad siyang umakyat sa kwarto niya at hindi na bumaba hanggang sa umalis ako.






"Nasa may pool si Kuya." sambit ni Caster nang makarating kami sa sala. "Gusto mo ba tawagin ko?" umiling naman ako saka ngumiti.





"Hayaan mo lang muna."






Tumango naman siya. "Upo ka muna. May kukuhain lang ako sa taas."






"Okay."






Nagtingin tingin naman ako sa sala. May frame sa side table at family picture nila yun. Kinuha ko naman yun at nakita ko si Clyde sa picture. Ang kyut niya dito at halata mo ang saya sa mukha at mga ngiti niya.





Binaba ko ang bag ko sa sofa at naisipan ko naman na tignan si Clyde sa may pool.





Nang makita ko si Clyde na nakaupo sa side ng pool ay tumigil ako sa kinatatayuan ko. Ang mga binti niya ay nakalubog sa tubig.





Nang hindi ko mapigilan ay lumapit ako sa kanya, tinanggal ko ang sandals ko at umupo ako sa tabi niya saka nilubog ang binti ko, buti na lang nakashorts lang ako.





Katahimikan. Katahimikan ang namayani sa amin. Nanatili kaming nakatingin sa pool. Masaya na ako sa sitwasyon namin ngayon dahil hindi siya umalis.





"C-clyde." sambit ko, pambabasag ng katahimikan.





"Lucas." sambit niya naman. "I don't want anyone to call me by my first name."






Napangiti ako ng mapait. "I know."






Natahimik kami ulit pero binasag niya din ito. "Can I ask for a favor?"





Napatingin ako sa kanya nang sabihin niya yun pero nanatili sa tubig ang tingin niya. Tumango ako bilang tugon.




"Can you please stop this? I'm not your boyfriend and you are younger than me, I know I wouldn't get a girlfriend like you."





Napayuko ako para pigilan ang luha gusto kumawala sa mga mata ko. Parang nadudurog ang puso ko.





Hindi ako umimik, hindi ko alam ang sasabihin, hindi ko rin alam ang gagawin.






"Can you do the favor for me.... Maly?"  gusto ko humagulgol nang marinig ko ang pangalan ko sa kanya. Sa dalawang buwan, hindi niya sinasabi ang pangalan ko.





Ayaw kong gawin... Ayaw kong bumitaw...






Dahan dahan akong tumango. Tumayo ako at sinuot ang sandals ko saka umalis sa lugar na yun.


Unexpectedly YoursWhere stories live. Discover now