Chapater 7: Stay With Me

Start from the beginning
                                    

Tinitingnan ko siya ng sobrang lungkot. Halo-halo na ‘yung nararamdaman ko pero more on guilt at sadness. Tiningnan din niya ako pero mas bakas sa mata niya ang pagiging worried.

“Anong ginagawa mo? Lalayas ka na?” bungad niyang sabi habang papasok siya ng kwarto papunta sa ‘kin.

“Nagtitiklop lang lalayas na?” walang gana kong sagot. Lumapit siya sa ‘kin at umupo sa may edge ng kama katabi ko. Nung time na ‘yun e ramdam ko ang barrier sa ‘ming dalawa ni Kuya.

Umakto akong pinapahiran ang luha sa aking mata kahit wala naman talagang lumalabas. Naggegesture ako ng sympathetic face para mas mukhang kaawa-awa akong tingnan. Ayoko na kaseng masermonan dahil sapat na ‘yung sinigaw-sigawan niya ako kagabi.

“Nakakahiya ba Alex? Anong tingin mo?” Yung mukha niya’y biglang umamo. Para siyang nakagawa ng isang bagay na hindi niya alam kung tama o isang kasalanan.

“Yung sa inyo ni Jace? Anu namang dapat ikahiya?” sagot ko sa kanya ng mahinahon.

Napabuntong hininga siya sa harap ko. “Hindi mo naman dapat malaman ang mga ganung klaseng bagay. Hindi ko lang lubos maisip na may mga tao pala talagang traydor.”

Ramdam ko ang hinanakit ni Kuya mula sa kanyang tono na alam ko naman kung sino ang pinatatamaan. “Hindi naman kasalanan ni Jace ‘yun. Ako ang nagpumulit sa kanyang umamin siya.... dahil medyo nakahalata na ako sa inyo,” tila gawa-gawa kong dahilan para mapawalang sala ‘yung isa. “E ano ngayon kung malaman ko ang tungkol sa inyo? Lalabas at lalabas din ‘yan Kuya kahit anong gawin niyong pagtatago.”

“Tssss.... Lumabas nga, pero lumabas ‘yun dahil tinraydor niya ako,” pagalit niyang sabi.

“Ang importante naman Kuya hindi ko naman kayo hinuhusgahan. Nauunawaan ko naman ang relasyon niyong dalawa. As a matter of fact, willing talaga akong tumulong. Alam kong mahirap talaga ‘yang pinasok niyo pero alam kong malalagpasan niyo rin ‘yan,” pampalubag loob ko sa kanya.

“Ayoko nang maranasan ang pagsubok na ‘to. Ayoko ng mga taong tinatraydor ako. Alam kong hindi ako perpektong tao pero hindi ako traydor. Magsama-sama silang lahat mga hayop sila!”

Galit at poot ang mararamdaman sa tono ng pananalita ni Kuya. Parang ang pinapatamaan niya e hindi lang si Jace, pati na rin si Terrylyn na kailan lang niya hiniwalayan.

“Ako ang dapat sisihin Kuya sa nangyari sa inyo. ‘Wag mong sisihin si Jace,” tila pakiusap ko sa kanya.

Tumayo siya sa pagkakaupo at humarap sa bintana ng aking kwarto. “Naisip ko Alex na hindi mo naman talaga kasalanan. Hindi kita sinisisi sa mga nangyari kaya wag ka ng mag-emote diyan.”

“Mahal ka ni Jace Kuya. Saksi ako dun!”

Bigla siyang humarap sa ‘kin at seryosong sumagot. “Hindi mo naman kailangan masaksihan ang lahat. Basta ako..... wala na! Wala na akong maramdaman. Manhid na ‘ko! Tama naman ‘yung panlalait sa ‘min kaibigan mong bakla. Bakla kaming dalawa ni Jace. Baklang bakla! Nakakasuka! Nakakagalit! Hindi lang namin matanggap pero ang totoo, minsan sa buhay ko e nagpakabakla ako!”

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDWhere stories live. Discover now