Chapter 10

157 3 2
                                    

"WALA na, Trish," sabi ko agad kay Trisha nang makita ko siyang papalapit sa akin.

Pagkaalis ko sa lugar na kung saan kaming huli nag-date ni Rohan ay si Trisha agad ang naisip ko. Sakto naman dahil tumawag siya at nalaman niya nga ang nangyari.

Nasa isang restaurant kami ngayon, buti na lang at hindi puno ang vip rooms kaya nakakuha pa ako ng isa. Ayoko naman sa labas, dahil ayokong pag-usapan ng mga tao.

"Shh, sorry to hear that, dear." May lungkot sa boses ni Trisha habang inaalo ako. Nakayakap na ito sa akin na mas lalong nagpatulo ng aking luha.

"T-Tama ba ang ginawa ko?" Nanginginig kong tanong, dahil sa pag-iyak.

"Ikaw lang ang makakasagot niyan, Zes, at alam mo 'yon. Hindi ako, kundi ang sarili mo."

"Mahal ko siya, pero bakit hindi ko siya magawang ipaglaban?" Bulong kong tanong. "Bakit hindi ko masabi kay Eula na mahal ko 'yon, bakit ko ibibigay sa 'yo. I want a peaceful life, Trish. Gusto kong maging maayos ang lahat, pero hindi ko naman alam na ganito pala dapat gawin para maging maayos. Pinakawalan ko si Rohan for Eula, because I want to save our friendship, kahit na sobrang nasasaktan ako, Trish." Mas lalong lumakas ang aking hikbi at nagtuloy-tuloy ang aking masaganang luha sa paglabas ng aking mga mata.

"Hindi mo siya kayang ipaglaban, dahil mas iniisip mo ang ibang tao kaysa sa sarili mo, iniisip mo si Eula. Alam ko kung gaano kahalaga sa 'yo si Eula, kaya kahit na ika-basag mo pa ay ginawa mo na, 'wag lang tayo masira. Alam mo, Zes. Sobrang proud ako sa 'yo, dahil sa katapangan mong gawin iyon sa taong gusto mo," sinserong bulong sa akin ni Trisha.

Nilayo niya ako sa kanya, kita ko na naluluha na rin siya. Nang magkaharap na ang mga mukha namin ay ngumiti siya sa akin. Pinatong niya kuna ang kanyang kamay sa aking magkabilaang balikat, bago nagsalita.

"Nandito ako para samahan ka sa kung saan ka dalhin ng pagkalugmok mo ngayon, dear. Kahit saan ka makarating, dahil sa dinadala mong kalungkutan. 'Wag kang mag-alala, dahil lagi akong nakasunod sa 'yo. Hindi kita hahayaang mag-isa."

"I love you, Trish. I'm so blessed to have you," ani ko, sabay punas sa aking mga pisngi na puno ng mga luha.

"I love you too, Zes." At niyakap niya ulit ako.

Nag-stay kami ni Trisha hanggang sa bumuti ang aking pakiramdam. Ihahatid niya pa sana ako pauwi, pero tinanggihan ko na. Okay na yung sinamahan niya ako ngayon.

Pagkarating ko sa bahay ay malalim na ang gabi. Guard na lang ang nagbukas sa akin. Madilim ang bahay kaya dinukot ko ang aking cellphone para magsilbing ilaw ko. Bago pa man ako makarating sa aking kuwarto ay nakita ko si Liane na palabas sa kanyang silid.

"Ate? Ngayon ka lang nakauwi?" Gulat nitong tanong nang matanaw ako. Pinatay ko naman ang liwanag na nanggagaling sa aking cellphone, dahil may liwanag naman na galing sa kuwarto ni Liane. Bahagya pa itong lumapit sa akin, pero napaatras ako dahil baka makita niya ang aking namumugtong mata.

"Yes, may pinuntahan ako kanina. I'm with Trish. Ikaw, bakit hindi ka pa natutulog?" Tumigil naman ito sa paglapit at tumingin sa may hagdan.

"Naubusan ako ng water sa fridge ko kaya baba ako," simple niyang sagot na nagpatango sa akin.

"Okay, pasok na ako. Matulog ka na pagkatapos niyan, okay? Good night." Huli kong sinabi bago ako tumalikod sa kanya. Alam kong magtataka ako dahil hindi man lang ako bumeso sa kanya, pero iwinaksi ko na lang agad 'yon sa aking isipan.

Nang makapasok ako sa aking kuwarto ay dumiretso ako sa closet ko para makakuha ng damit pamalit, nang makakuha ako ay agad akong pumasok sa banyo para makapaglinis ng katawan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 25 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SSS2: Typical Woman (Zescha Monreal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon