Sa loob ng isang foxhole na may tatlong metro ang taas,
may anim na sundalo ang nagmamatyag sa kaaway. Ang
foxhole ay nasa gitna ng kampo Barangay Masal, sa
Patikul Sulu at ito rin ang command post ng 25th Marine
Division, AFP. May naka paskel na karatula - 25th
Marine, We kill to live- sa gitna ng foxhole. Ang
commanding officer, si Lt. Colonel Atilano Estrada, ay
may hawak na teleskopyo at inaaninag ang pagkilos ng
kaaway. Ang mga ibang sundalo na may edad 25 pataas ay
hawak ang kanilang M-16. Nag-aagaw dilim.
Lt. Col. Estrada: Mga bata, malapit nang sumapit ang
dilim. Get ready with your night vision. Aatake ang
kaaway pagsapit ng dilim.
Private Cruz: Sir, may problema ang night vision glass
ko. Kapag suot ko ay wala po akong maaninag. Parang
may ulap na nakabalot sa sa paligid.
Private Aragon: Oo nga sir, hindi po ata tama ang specs
ng night vision. Saan po ba ito binili?
Lt. Col. Estrada: Don't worry guys, mayroon tayong
bisitang VIP sa kampo. Siya ang makakasagot sa lahat ng
katanungan ninyo. Tumawag sa akin si Major Reyes at
parating na raw sila.
(May mga maririnig na boses at lilitaw sa taas ng
foxhole ang dalawang sundalo. May hagdan ang foxhole at
ang dalawa ay unti-unting aalalayan ng mga sundalo sa
loob.)
Major Reyes: Sir, Major Reyes reporting for duty.
Mission accomplished sir! Squad Attenhut!
(Sasaludo ang lahat samantalang makikipagkamayan si Col.
Estrada kay Col. Carlos Gachitorena, ang bisita sa
foxhole)
Lt. Col. Estrada: At ease. Welcome to the camp,
mistah!
(sasaludo sa kapwa colonel samantalang babalikan naman
ng saludo ng bisita ang saludo ng nakapaligid na
sundalo).
Col. Gachitorena: Tillie! Kamusta na? Bakit nagpadala
ka pa ng helicopter? Nagcacasino ako sa Zamboanga hotel
ng dumating si Major.
Lt. Col. Estrada: Boys, I want you to meet Col.Carlos
Gachitorena, kaklase ko ito sa PMA class '84. Class
valedictorian namin. Siya ang hepe ng Logistics and
Supply. (haharap kay Col. Gachitorena) Pasensiya ka na
YOU ARE READING
MAY ISANG BUHAY NA BAYANI
General FictionSa loob ng isang foxhole ay may anim na sundalo ang nagmamatyag sa kaaway. Ang foxhole ay nasa gitna ng kampo sa Barangay Masal, sa kagubatan ng Patikul Sulu at ito rin ang command post ng 25th Marine Division, AFP. May naka paske...
