Sa loob ng isang foxhole ay may anim na sundalo ang nagmamatyag sa kaaway. Ang foxhole ay nasa gitna ng kampo sa Barangay Masal, sa kagubatan ng Patikul Sulu at ito rin ang command post ng 25th Marine Division, AFP. May naka paskel na karatula - 25th Marine, We kill to live- sa gitna ng foxhole.